Star Cinema replaces Derek Ramsay as Bea Alonzo’s partner in upcoming movie

IMAGE Noel Orsal

Derek Ramsay, before Star Cinema announced that he was being replaced: “In my mindset, nandoon pa rin ako sa focus ng character ko. Hindi ko bibitawan ‘yon until they say na hindi na matutuloy.” The actor recently inked a three-year exclusive contract with TV5.


Hindi na kasama si Derek Ramsay sa cast ng isang pelikulang gagawin ng Star Cinema, ang movie company ng ABS-CBN.

Makakatambal sana ni Derek si Bea Alonzo sa pelikulang ididirek ng award-winning director na si Olivia Lamasan.

Subalit nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Star Ad Prom director na si Roxy Liquigan tungkol sa proyektong ito, sinabi niyang mapapalitan na si Derek sa pelikula.

Matatandaang kamakailan ay nagpasya si Derek na lumipat mula ABS-CBN papuntang TV5, kung saan pumirma siya ng three-year exclusive contract.

Ayon kay Derek, bagamat may kontrata siya sa Kapatid network, hindi raw siya pinagbabawalan nitong gumawa ng pelikula para sa ibang movie producers.

Kaya naman noong makapanayam siya ng PEP sa Boracay kamakailan, umaasa pa rin ang aktor na matutuloy ang pelikula nila ni Bea.

Aniya, “I’ve fallen in love with the story, I’m working with a great director, and great leading lady. So, sana, sana matuloy.”

Pero aminado ang TV host-actor na wala siyang magagawa kung anuman ang maging desisyon ng Star Cinema.

Kung sakaling matuloy pa rin daw ang pagiging bahagi niya sa pelikula, ani Derek: “I will give 200 percent in anything that I do.

“It’s a responsibility given to me, I started it, then I’ll finish it.

“When they feel that it’s better for them to replace me then, I respect that.”

Sa ngayon, hindi pa alam kung sino ang papalit sa role na gagampanan sana ni Derek. Pag-uusapan pa raw ngayong linggo kung sino ang aktor na papalit sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN