Derek Ramsay: “I believe that I made the right decision.”

IMAGE Noel Orsal

“Nothing can compare to how hard this was even noong nilapitan ako ng isang network to move for a bigger offer back then,” says Derek Ramsay about his decision to transfer from ABS-CBN to TV5. The actor signed a three-year exclusive contract with Kapatid network yesterday, April 10.


Aminado ang aktor na si Derek Ramsay na kahit noong bali-balita pa lamang ang kanyang paglipat sa TV5, may ilan nang nagsasabi na hindi magiging maganda ang takbo ng kanyang showbiz career dito.

May ilan daw nagsabi na magiging “laos” na siya kung lilipat siya sa Kapatid network, na sinasabing malayong pangatlo sa hilera ng mga dambuhalang networks, pagdating sa ads at ratings.

Ngunit hindi raw ito inisip ng dating Kapamilya star.

“I don’t believe that,” sabi ni Derek nang tanungin siya ng media tungkol dito sa press conference na inihanda para sa kanyang paglipat kagabi, Abril 10, sa Edsa Shangri-la Hotel sa Mandaluyong City.

Ayon pa sa celebrity athlete, “You know, ako, binigyan ako ng proyekto, hindi ko ginagawa para maging sikat ako. I’m gonna give my best.

“That is something given to me, my responsibility. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para ma-deliver ang gusto nila.”

Dagdag pa niya, “May mga nagsasabing malalaos na, but that’s their opinion.

“There was somebody from Channel 2 na nagsabi na, ‘I’ll be honest with you...’ He said nga na if I move to TV5, malalaos ako.

“I can understand where they’re coming from.

"Pero sinabi ko na ito, di ba, I remember this: I believe na if I can help this [TV5] grow from this to this, I’ll be more proud of myself.”

HELPING TV5 GROW. Bagamat naging mahirap na desisyon ito para kay Derek, naniniwala siya na tama naman ang kanyang ginawa.

“Like I said earlier, kapag natulungan ko ang TV5 to grow… You know, they trust me now.

“They respect the risk I’ve taken to go with them. And I really don’t think there was a risk.

“My insight in this is that TV5 is just gonna keep growing. And if I can give to that, I’ll be very proud of myself.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakabuti rin daw ang mga suportang nakukuha niya mula sa mga tao, lalo na doon sa mga nababasa niyang mensahe mula sa social networking site na Twitter.

“I open my Twitter every chance that I have and people are just continuously saying ‘we will support you’ and asking where they can watch the project that I will be doing.

“You know, they give me the strength and the confidence, and I believe that I made the right decision.”

NO FEAR. Kahit na malaking desisyon ang paglipat niya sa ibang network, hindi naman daw natatakot si Derek sa bagong landas na kanyang tatahakin para sa kanyang showbiz career.

Sabi niya, “With my dad beside me, and I’m beside the bosses and they’ve given me their word that they’re going to support me with my interest and my passion—I don’t think there’s fear.

“Some even said threats na, ‘Be ready for anything. Tapos na ang career mo.’ Hindi ko na lang mina-mind ang mga ganun.

“I’ll do what I can. I’ll do what TV5 asks me.

“I wanna give TV5 just as much as I gave to Channel 2.

“You’ll never know if our paths will meet again, with Channel 2. I’m not closing any doors.

"But right now, my focus is with TV5.”

Sa kabila ng kanyang paglipat, nagpapasalamat naman si Derek sa ABS-CBN network, na kumukop sa kanya ng halos anim na taon.

Ikinatuwa raw niya ang pagbabalita ng ABS-CBN tungkol sa kanyang pag-alis sa kanilang network.

Ani Derek, “It was very decent and very nice of them.

“Parang to me, it was good. For me, malaking smile sa mukha ko.”

SEPARATING CAREER WITH PERSONAL RELATIONSHIP. Hindi naman itinanggi ni Derek na hindi agad nalaman ng kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban ang desisyon niyang tanggapin ang offer ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat napag-uusapan nila ang tungkol sa mga offer ng ABS-CBN at TV5, hindi naman daw nakikialam si Angelica sa kung ano dang dapat gawin ni Derek.

“In the beginning, I was asking her for advice kasi mas matagal na siya sa industriya, e.

"I don’t really know. This is all new to me,” sabi ni Derek.

Ano ang reaksiyon ni Angelica nang mabalitaan niya ito?

“She’s happy for me. She’s very happy.

"She trusts me that I will make the right decision,” sagot ni Derek.

Ayon kay Derek, hinihiwalay daw talaga nila ang kanilang personal na relasyon sa kanilang mga showbiz career.

“Ang relationship naman namin ni Angel is not within showbiz.

“It’s when we step out that we each enjoy each other’s company.

“I think that’s why it lasted so long,” sabi ng aktor.

Siniguro rin ni Derek na kahit magkaiba na ang mga home network nila, hindi raw ito makakaapekto sa kanilang relasyon.

“I don’t see how it would. No.

“Alam mo namang we both do our work and mayroon lang kaming sariling mundo.

‘It’s definitely not going to affect our relationship.”

Sa huli, nabanggit ni Derek na katulad ni Angelica, hindi rin siya nakialam sa pagre-renew ng kontrata ng kanyang girlfriend sa ABS-CBN.

"She was re-signing her contract with ABS-CBN.

“Hindi ko siya sinasabihan ng kung ano ang dapat gawin. Wala.

“I trust her na she’ll make the right decision and she chose na sa Channel 2 siya magsa-sign.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN