Derek Ramsay will wait for new offer from ABS-CBN before making a decision to move or not

IMAGE Noel Orsal

"Siguro nagkaroon na rin ng confusion, kasi ang sabi nila, make your wish list. Pero hindi ako ganun na artista, e. Ayaw ko nang maging diva, ayaw kong mag-demand. Gusto ko sariling kusa, so I want it to come from them," replies Derek Ramsay when asked why ABS-CBN has not made an offer to him yet. His contract with the Kapamilya network expired yesterday, February 29.



Natapos na ang kontrata ni Derek Ramsay sa ABS-CBN kahapon, Pebrero 29.

Subalit sinabi ng aktor na hindi pa sigurado ang balitang lilipat na siya sa ibang network.

Bagamat wala pang panibagong offer ang kanyang mother network, nagustuhan naman ni Derek ang inihandang meeting ng ABS-CBN executives kahapon para kausapin siya at ang kanyang ama.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Derek sa press conference ng bago niyang pelikulang Corazon, kagabi, Pebrero 29, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN Compound.

"Nag-meeting kami today ni Ma'am Charo, Sir Gabby, Tita Malou, my father.

"My dad cancelled his hospital appointment today para lang makaabot nga sa meeting. It went well.

"This weekend magpa-family meeting kami. Hihintayin namin ang offer ng Channel 2," sabi ni Derek.

Ang tinutukoy ni Derek na naka-meeting nila ng kanyang ama ay sina ABS-CBN Chairman and CEO Gabby Lopez, ABS-CBN President Charo Santos-Concio, at Star Cinema Managing Director Malou Santos.

Bakit wala pang offer ang ABS-CBN sa kanya?

"Siguro nagkaroon na rin ng confusion, kasi ang sabi nila, make your wish list.

"Pero hindi ako ganun na artista, e.

"Ayaw ko nang maging diva, ayaw kong mag-demand.

"Gusto ko sariling kusa so, I want it to come from them.

"Ang trato ko sa ABS-CBN e pamilya, so manggaling na lang sa kanila kung ano ang gusto nilang ibigay," pahayag ni Derek.

Habang naghihintay, sabi ni Derek ay mag-uusap-usap muna sila ng kanyang pamilya tungkol sa showbiz career niya.

"I'm gonna meet with my family this weekend, aakyat ako sa Tagaytay.

"Pero hihintayin namin ang offer ng Channel 2.

"But we had a great meeting today.

"Sir Gabby had very nice things to say to me tungkol sa pagkatao ko, which I really appreciated.

"Sinabi ko naman sa kanya na my mind is open for anything.

"Ang gusto ko lang nga is kusa rin 'yong nanggaling sa kanila and then I will just compare whatever..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng TV host-actor, "One step at a time. This weekend, I'll meet with my family.

"Kung umabot 'yong offer, siguro we can come up with a decision by next week."

NOT ABOUT THE MONEY. Sa isinagawang meeting nila kahapon, sinabi ni Derek na naging totoo sila sa kanilang pag-uusap.

"My dad also expressed what he felt," sabi ni Derek.

"The first thing that we laid on the table is that this is not about the money.

"This is definitely not about the money."

Ayon kay Derek, hindi na rin naman makukuwestiyon ang kanyang loyalty sa Kapamilya network dahil minsan na rin siyang hinikayat lumipat pero tumanggi siya.

Kuwento ng aktor, "Two years ago, I was made an offer but I remained loyal to this network.

"Hindi ko na babanggitin kung ano, pero I was offered two years ago.

"I showed my loyalty by not even demanding or asking them to match or even give me half.

"I love this network.

"They've done a lot for me, and there's also a lot of disappointing times for me.

"But I guess 'yon ang iwe-weigh namin, and we'll see where my future will go, what's best for me. Tumatanda na rin ako.

"Lahat 'yan pag-uusapan namin.

"I don't know what to... I can't make a decision right now as we speak.

"We will weigh all the factors involved."

Pero nang tanungin si Direk kung magiging option sa kanya ang paglipat, diretsa niyang sinagot, "I've always been open with that."

Dagdag pa niya, "That what's really nice about Tita Malou. I told Tita Malou, 'I'm going to be open this year for career changes.'

"There's always a room for changes in your life, and we'll see what goes after the weekend."

Tinanong ng PEP si Derek kung may katotohanang may offer siya mula sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There's no firm offer from TV5. Not yet.

"I have a contract with Smart because I'm a Smart endorser but I have no contract with TV5," sagot ni Derek.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN