Sarah Geronimo's mom hints Gerald Anderson has stopped courting the Popstar Princess; a tearful Sarah says, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

IMAGE Allan Sancon


On Sarah G Live, Mommy Divine, mother of Sarah Geronimo (right), said her daughter would find the right man for her. Sarah answered, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang." But the moment she said this, the Popstar Princess broke down. In a separate interview, Gerald Anderson (left) did not discuss this issue, but when asked how he was, said, "Okay naman ako."


Sinagot na ni Sarah Geronimo at ng inang si Divine Geronimo ang isyu tungkol sa estado ng panliligaw ni Gerald Anderson sa 24 year-old singer-actress.

Nag-guest si Mommy Divine, kasama ang asawa nitong si Delfin Geronimo, sa musical-variety show ni Sarah sa ABS-CBN, ang Sarah G Live.

Si Ai-Ai delas Alas ang nagsilbing interviewer sa naturang portion ng show ng Pop Princess, na ipinalabas kagabi, July 29.

Sa portion din na ito ay binigyan ng pagkakataon ang mga Popsters, bansag sa fans ni Sarah, na magtanong sa kanilang idolo.

Ang isa sa mga tanong ng fans ay ito: "Sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"

Naghiyawan ang mga tao sa audience at nag-focus ang camera sa isang litrato ni Sarah na kasama si Gerald.

Tumahimik ng ilang minuto si Sarah, samantalang si Ai-Ai ay humirit ng ganito: "'Yan ba ang theme song ninyo ni Babe?"

Ang tinutukoy ng komedyana ay ang kantang "It Might Be You," na tumutugtog sa background.

Matatandaan na kinanta ni Sarah ang "It Might Be You" nang puntahan niya si Gerald sa audience area ng Smart Araneta Coliseum, noong July 7-concert ng singer-actress, ang 24/SG.

Sagot ni Sarah sa tanong: "Siguro, ano, kung sino man siya, kailangan ng konting panahon para mapatunayan ko sa sarili ko kung totoo ang tinitibok ng puso ko o kung totoo ang tinitibok ng puso niya.

"Sabi niya [Gerald], time will tell, and ang gusto ko ay kung sino ang gusto ng Diyos para sa akin."

Matatandaan na noong birthday presentation ni Sarah sa Sarah G. Live!, June 22, ay nag-guest si Gerald.

Dito ay niregaluhan ni Gerald ng relo si Sarah at sinabi nito sa singer-actress, "Eto ay isang clock, symbol ng time. Time para sa studies, para sa career mo, para sa mga Popsters at sa iba pang mga grupong sinusuportahan ka. At time para sa iyo...para sa nanay mo, sa tatay mo... Ang bilis ng oras.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related article.)

Samantala, sa Sarah G Live interview naman kagabi, sinabi ni Mommy Divine—na kilala sa showbiz bilang matigas sa kanyang mga paniniwala: "Kung gusto ni Lord, 100 percent, walang doubts."


ON GERALD'S COURTSHIP. Kontrobersiyal ang sumunod na tanong ni Ai-Ai, kung kaya't nagpasantabi muna ito sa ina ni Sarah: "Naku, Mommy, baka mabugbog mo ako sa question na ito."

At saka niya ibinato ang tanong kay Divine: "Totoo daw bang ikaw ang nagpatigil kay Gerald sa panliligaw kay Sarah?"

Biro pa ni Ai-Ai, "Diyos ko, Mommy, huwag mo 'kong sasaktan! Babae lang ako!"

Matatandaang noong isang linggo ay kumalat sa Twitter ang blind item ni Ogie Diaz tungkol sa pagtigil ng panliligaw ni "G" kay "S" dahil hinadlangan daw ito ng ina ni "S."

Hindi man direktang tinukoy ni Ogie kung sino ang mga tauhan sa kanyang blind item, malinaw na ito ay walang iba kundi sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa sagot ni Mommy Divine sa tanong ni Ai-Ai, tila nakumpirma ang blind item na nagsasabing tumigil na nga si Gerald sa panliligaw kay Sarah.

Aniya, "Kami nga ni Daddy [Delfin] ang nagbigay ng permiso na ligawan siya [Sarah] sa bahay.

"Kinausap namin talaga siya [Gerald] nang pormal, at sabi ko, sa bahay lang puwede ligawan ang anak ko, hindi sa labas o sa text.

"Sabi ko, 'Kung mapapasensiyahan mo ang patakaran naman namin, ganito kami, nirerespeto ka namin, pero sana respetuhin mo rin kami. Kasi babae ang anak ko.'

"Ewan ko lang kung dapat sabihin, pero mukhang..."

Pag-oobserba naman ni Ai-Ai, "Parang kinukukurot na ni Sarah ang nanay niya."

Pagpapatuloy ni Mommy Divine, "Pero parang hindi niya mapagtiyagaan ang ganun..."

Ang ibig sabihin ng ina ni Sarah ay hindi kaya ni Gerald na sundin ang kanilang patakaran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagtanggol naman ni Sarah ang ina at sinabing, "Hindi po, sa totoo lang talaga, hindi po ang mommy ko ang nagpatigil kay Gerald na manligaw. Wala."

Hirit naman ni Ai-Ai, "Hindi si Mommy, kung hindi ako. Kasi ako ang nag-question. Kasi baka mabugbog ako ni Mommy."


NOT IN A HURRY. Sa sumunod na segment ng show, nagkaroon ng song number sina Sarah, Mommy Divine, at Daddy Delfin.

Nagbigay ng mensahe si Mommy Divine: "Magiging firm ako sa stand ko."

Sagot naman ni Sarah: "Patawad po, kahit hindi ako naging perpektong anak. Kayo po ang nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa akin."

Siniguro naman ni Mommy Divine sa anak na matatagpuan nito ang tamang lalaki para sa kanya.

Sabi ni Sarah sa ina, "Hindi naman ako nagmamadali, Ma, muntik lang."

Ngunit sa puntong ito, lumuluha na ang dalaga.

Hinagkan ng singer-actress ang kanyang ina habang patuloy na umiiyak.

"Kakanta pa tayo, Ma," biro pa ni Sarah, bago nila kinanta ang "You've Got a Friend."

Noong Linggo, July 29, nakausap ng PEP.ph si Gerald Anderson sa Star Magic Games, na ginanap sa Celebrity Sports Club.

Dito ay nakiusap ang aktor na huwag muna siyang tanungin tungkol sa kontrobersiya tungkol sa kanila ni Sarah.

Ang sabi lang ni Gerald, "Okay naman ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN