Gerald Anderson glad that Sarah Geronimo is now more open about her feelings

IMAGE Nerisa Almo


“Sobra po akong natutuwa sa pamilya niya, sa mommy niya at sa daddy niya, kasi binigyan nila ako ng pagkakataon para mas makilala siya,” says Gerald Anderson about being able to visit Sarah Geronimo in her home.


Sa nalalapit na birthday concert ni Sarah Geronimo na 24/SG, maraming fans niya ang nagtatanong kung makakadalo ang dating movie partner niyang si Gerald Anderson.

“Sana, sa July 7. Tingnan natin,” sagot ni Gerald nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media pagkatapos ng photo shoot niya para sa isang magazine ng Summit Media.

Ito ay ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City kaninang hapon, Hunyo 19.

Hindi pa matiyak ng dating Budoy star kung makakapunta siya sa concert ni Sarah dahil sa abalá siya sa ilang showbiz commitments.

Gayunman, natutuwa si Gerald na bagamat wala na silang proyekto na magkasama ni Sarah, patuloy pa rin daw ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Sa katunayan, nang kumustahin silang dalawa ng PEP, buong ngiting sumagot ang 23-year-old actor, “Okay naman kami. We’re good.

"Kumbaga, ‘yong friendship namin, sobrang malalim na.

“Marami na rin akong alam tungkol sa kanya at gano’n din siya. Sobrang inspirasyon siya sa akin.

“I’m actually happy sa development ng friendship namin, kung paano ko po siya nakilala.”

“I’M HAPPY.” Kasunod ng pagsalaysay tungkol sa kanila ni Sarah, nagpasalamat din si Gerald sa mga magulang ng dalaga dahil pinapayagan siyang bumisita sa bahay ng mga Geronimo paminsan-minsan.

“Nakakadalaw ako. Pero bihira lang, kasi busy,” sabi ni Gerald.

“‘Yon nga, kaya po ako nagpapasalamat sa kanila, sa Geronimo family, kasi kahit papaano ay nagtiwala sila sa akin."

Dagdag niya, “Sobra po akong natutuwa sa pamilya niya, sa mommy niya at sa daddy niya, kasi binigyan niya ako ng pagkakataon para mas makilala siya. I’m very thankful for that.”

Bukod dito, masaya rin si Gerald na kahit papaano ay mas bukas na si Sarah ngayon pagdating sa pagpapahayag ng kanyang nararamdaman.

“It’s about time na siguro,” sabi ni Gerald tungkol sa 24-year-old Popstar Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Sarah, nandoon na rin siya sa edad na ‘yon, e. Hindi po kailangang itago ang nararamdaman mo for one person.

“She’s blooming into a very beautiful woman, inside and out. Someday mas magiging matured pa.”

Sa ngayon, kuntento na si Gerald sa pagiging mabuting magkaibigan nila ni Sarah.

Sabi pa niya, “Ako, personally, ayaw ko naman pumasok sa isang relasyon na kailangang itago pa.

“Hindi po ako nagmamadali and masaya naman po ako ngayon. I’m happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN