Gerald Anderson has eyes only for Sarah Geronimo: "Siya yung gusto ko."

IMAGE Monching Jaramillo


Gerald Anderson, when asked if he and Sarah Geronimo are exclusively dating: "Wala akong karapatan na sabihin sa kanyang 'Huwag kang makipag-date sa iba. Huwag kang makipag-text sa iba, or tawagan.' But sinabi ko naman sa kanya na puwede niyang sabihin sa akin yun, at susundin ko yun."


Ibinuko si Gerald Anderson ng nakababatang kapatid nitong si Kenneth nang magbigay ang huli ng VTR birthday message para sa kuya niya sa The Buzz noong Linggo, March 11.

Ayon kay Kenneth, "madrama" si Gerald kapag may girlfriend, at palagi raw itong may kausap sa telepono at halatang masaya.

"Hindi ko alam sa kanya!" ang natatawang sagot ni Gerald nang tanungin ni Charlene Gonzalez tungkol sa sinabi ng kanyang kapatid.

Diretsahang tinanong ni Charlene si Gerald kung si Sarah Geronimo ba ang madalas nitong kausap sa telepono na nagpapasaya sa kanya.

Nakangiti na tila napapatango na lang si Gerald sa tanong ni Charlene.

THAT MAGICAL MOMENT. Kailan ang unang pagkakataon na naramdaman ni Gerald na tila may "magical moment" siya para kay Sarah?

Yung tipong, nang tingnan ni Gerald si Sarah ay nasabi niya sa sariling gusto niya ang dalaga?

"Wow! Siguro noong last shooting day ng I Won't Last A Day Without You. Yung eksena na kissing scene.

"Before pa ng scene, nagse-set-up sila, so nagkukuwentuhan kami sa gilid.

"Doon ko na-realize... kasi nagulat ako, ang dami niyang in-open up sa akin.

"Ang dami niyang nai-share at doon ko nakita na, 'Wow, she's beautiful!'"

Ano yung partikular na nagustuhan niya kay Sarah?

"Her being herself," sagot ni Gerald.

"Nag-open up siya for no reason.

"Hindi ko in-expect na gagawin niya yun. So, nag-open up din ako sa kanya."

ASK GERALD. Ayon kay Charlene, sa huling guest appearance ni Sarah sa The Buzz, nang tanungin ito kung nanliligaw ba sa kanya si Gerald, sinabi ng Pop Princess na si Gerald na lang ang tanungin.

At yun nga ang ginawa ni Charlene—ang tanungin si Gerald kung nanliligaw ba ito kay Sarah o kung sila na nga ba.

Bubuwelo raw muna si Gerald bago sumagot.

At saka nakangiting sinabi nito na, "Alam n'yo, as much as gusto kong sabihing, yes... we're taking things slow.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Totoo 'yan. We're taking things slow.

"Pero, naniniwala ako na slowly but surely."

So, ibig sabihin, nanliligaw siya kay Sarah ngayon?

"Opo," ang mabilis namang sagot ni Gerald.

Kailan siya nagsimulang manligaw kay Sarah?

"Siyempre, habang tumatagal, you know... we started out as friends lang. BBM [BlackBerry messaging], text-text.

"Wala, e, it just turned out one day, hindi ko na sasabihin kung kailan.

"I knew it, there's no turning back. Ito na yun. Yeah... yun."

EXCLUSIVELY DATING? Iba raw ang kinang sa mata ni Gerald kapag si Sarah ang nababanggit.

Masasabi ba nito na, at this point, mahal na niya ang dalaga?

"Puwedeng next time?" pakiusap niya, na saka na lang daw niya sasaguting ang katanungan.

Binago naman ni Charlene ang tanong: M.U. (mutual understanding) na ba sila ni Sarah?

"Wow! As much as gusto kong maging honest talaga... wow, wow!" sagot ng binata.

Biro naman ni Charlene, Gerald can take his time and they can wait all day.

Ayon naman kay Gerald, "Well, siyempre, wala pa po akong karapatan.

"Wala akong karapatan na sabihin sa kanyang 'Huwag kang makipag-date sa iba. Huwag kang makipag-text sa iba, or tawagan.'

"But sinabi ko naman sa kanya na puwede niyang sabihin sa akin yun, at susundin ko yun."

Kapwa walang nababalitang ibang idine-date sina Sarah at Gerald. Masasabi kayang exclusively dating na sila?

"Well, gusto ko po siyempre na yayain siya for more dates..." sagot ng young actor.

So, wala na siyang ibang dine-date?

"Wala, wala.

"Siya yung gusto ko. Siya po yung gusto ko.

"So, malinaw naman 'yan at alam na ng lahat."

ON MARRIAGE. Twenty-three years old pa lang si Gerald, pero ayon sa mommy niyang si Mrs. Vangie Anderson, okay lang na mag-settle down na ang anak.

Para hindi na raw niya ito iniisip dahil alam niyang may kasama na ito sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Gerald tungkol dito, "Mga seven years pa. Gusto ko, 30. Mag-iipon pa ako ng marami."

Sa palagay ba ni Gerald ay na kay Sarah ang lahat ng qualities nang hinahanap niya sa isang ideal wife?

"Yes! Yes! Yes!" ang sunud-sunod at mabilis na pagsang-ayon ni Gerald.

Kung nanonood si Sarah, ano ang gustong sabihin ni Gerald dito na galing sa puso niya?

"Puwede kong i-text na lang sa kanya?" natatawang sabi ng young actor.

Pero aniya, "Simple lang, gusto ko lang magpasalamat sa kanya for the inspiration that she gives me.

"For making me happy every day.

"Yes, nawawala ang stress ko rin dahil sa kanya.

"That's a good start. Yun na lang muna."

HIS BIRTHDAY WISH. Ano naman ang kanyang birthday wish sa career and love?

"Career... sana mga future projects ko, parang Budoy na may meaning at mensahe na gusto kong iparating sa mga tao.

"And love, sana magkaroon na ako ng lovelife."

Sana mag-"yes" na si Sarah?

Nangiti lang si Gerald.

Getting there?

"I guess, getting there!" ang natatawang sagot ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN