Former talents and close friends of late talent manager Douglas Quijano gather to put his ashes back together

IMAGE Nerisa Almo

Lucy Torres-Gomez says talent manager Douglas Quijano always found a way to bring people together when he was still alive.

She adds, "Kami ngayon, we’re not able to get together as much pero here’s another occasion na his closest friends ay nagkasama-sama ulit."

In this photo, Douglas's close friends, colleagues, and former talents were pictured saying their prayers for the eternal repose of his soul.


Muling nagkita-kita ang malalapit na mga kaibigan at mga dating talent ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano sa St. Therese Shrine sa Pasay City kahapon, Agosto 16.

Ang pagtitipong ito ay para sa paglalagak ng mga abo ni Douglas sa columbarium ng St. Therese Shrine.

Nang pumanaw kasi si Douglas noong June 13, 2009, napagkasunduan ng mga malalapit niyang kaibigan at mga talent na hati-hatiin ang kanyang mga abo bilang pag-alala sa kanya.

Sa loob ng 20 maliliit na urns napunta ang mga abo ng minamahal na talent manager.

Subalit matapos ang tatlong taon, napagdesisyunan nilang pag-isahin ang abo at ilagay sa columbarium.

Ayon kay Leyte Representative Lucy Torres-Gomez—na talent niya noon at asawa ng pinakasikat sa kanyang mga talents na si Richard Gomez—ito ay alinsunod din sa payo ng kanyang ina.

“Actually, my mom has been telling me for two years na dapat daw talaga pagsama-samahin because the body is sacred,” paliwanag ni Lucy nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang naimbitahang media.

Ani Lucy, hindi naman nila intensyon na paghiwa-hiwalayin ang abo ng dating talent manager.

Paliwanag niya, “Siguro kasi, when Tito Dougs died, lahat kami, we were so in pain.

“So parang kaming lahat, the only way for us to cope is to bring a part of him.

“Ginawa namin ‘yon but hindi namin na-realize na ang dami namin, sobra.”

Ngayon, mabuti raw na mailalagay na sa tahimik na lugar ang kanilang kauna-unahang talent manager.

“I wish for him to really rest in peace,” sabi ni Lucy.

Sa hiwalay naman na panayam, nagbiro pa ang aktor na si Jomari Yllana, na naging talent din ni Douglas at hindi na kumuha pa ng manager nang pumanaw ito.

“Tatlong taon na siyang gumagala-gala, according sa ating mga spiritual adviser, hanggang hindi siya nalalagay sa isang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nga ni June Rufino e R.I.P. na siya, Rest In Pieces. Pero dati 'yon. Ngayon, Rest In Peace.”

Pumanaw si Douglas sa kanyang bahay sa Lukban, Quezon province, dahil sa heart attack.

DOUGLAS BROUGHT THEM TOGETHER. Bagamat tatlong taon nang wala ang kanilang kaibigan at talent manager, may mga pagkakataon na naiisip pa rin nila si Douglas.

Sabi nga ni Lucy, “After three years, painful pa rin na nawala na si Tito Dougs. Parang you won’t really get over it pala.”

Natuwa rin siya dahil kahit pumanaw na ang itinuring niyang unang kaibigan dito sa Manila, nagawa pa rin daw ni Douglas na patipon-tipunin ang mga taong malalapit sa kanya.

“I’m very happy kasi even in death… Kasi in life, he’s always the one that brought everyone together.

“Kami ngayon, we’re not able to get together as much, pero here’s another occasion na his closest friends ay nagkasama-sama ulit.”

Si Jomari ay partikular na nagpasalamat sa mga miyembro ng Philippine Artists Managers, Inc. (PAMI), ang grupong kinabilangan ni Douglas at kung saan sinasabing siya ay "first among peers."

Sabi ni Jomari, “It’s nice to see na magkakasama ang PAMI. Gusto ko ring magpasalamat sa PAMI sa walang katapusang suporta nila sa amin.

“It’s like saying hello and speaking to him again. Nandiyan lang naman talaga siya.

“Siguro, it’s nice to see naman din na 'yong pamilya niya sa industriya, kumbaga, nalagpasan na ang pagluluksa.

“Unti-unti nang nabubuo 'yong ashes niya para mailagay na sa tahimik.”

Ilan sa mga dumating na miyembro ng PAMI ay sina Dolor Guevarra, June Torrejon, Ethel Ramos, at Shirley Kuan.

Nandoon din ang madalas na kasama ni Douglas noon sa bahay niya sa Quezon province, ang editor na si Ces Evangelista at talent manager na si Neil de Guia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nandoon din ang Startalk host at entertainment columnist na si Ricky Lo at ang editor-in-chief ng YES! magazine at PEP na si Jo-Ann Maglipon.

Bago magsimula ang misa, namataan din sa St. Therese Shrine ang asawa ni Lucy na si Richard, ngunit umalis ito matapos ng isang oras.

Ayon dito, mayroong ipinatawag na taping ang Walang Hanggan, ang primetime teleserye ng ABS-CBN, kung saan lumalabas si Richard bilang screen partner ni Dawn Zulueta. "Puwede raw mag-taping si Tita Helen [Gamboa], kaya taping kami," sabi nito kay PEP editor Jo-Ann Maglipon.

Si Richard at Lucy Torres-Gomez ang nag-organisa ng pagsasama-sama ng mga abo ni Douglas. Ayon sa kaibigan nilang si Marilen Nuñez, isang beteranong events planner, ang mag-asawa rin ang nagbayad sa crypt sa St. Therese Shrine columbary.

Matapos ng Misa at ng seremonya ng paglagak ng 12 urns sa crypt, nag-host ng lunch si Lucy sa isang Chinese restaurant sa katabing Resorts World.

Sa ngayon, nananawagan ang mga kaibigan nina Lucy at Richard na dalhin ng iba pang talents at kamag-anak ni Douglas ang nalalabing walong urns sa crypt.

Biro nga ng maraming naroroon, kasama na si Lucy, "Very Tito Dougs talaga. Yung ganitong may kulang, may gulo, malungkot na masaya dahil nagsama-sama uli."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN