Gwendoline Ruais on rumored rift with Venus Raj: “Para na kaming magkapatid niyan. So, bakit naman kami magkakaroon ng problema?"

IMAGE Noel Orsal

Gwendoline Ruais thinks that she will be more effective as TV host rather than as total performer. As for her stint in GMA-7's Party Pilipinas, Gwen says: “It’s not that I don’t enjoy dancing. Medyo awkward lang for me kasi bukod sa masyado akong matangkad, hindi talaga ako sumasayaw. Hindi ko iyon forte talaga."

a


Naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miss World 2011 First Princess Gwendoline Ruais sa formal launch ng Miss World Philippines 2012 sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, last May 8.

Ang Miss World Philippines franchise ay hawak na ng Kapatid Network TV5 at ni Ms. Cory Quirino.

Sa panayam ng PEP kay Gwendoline, malamang daw na sa TV5 na niya ituloy ang kanyang showbiz career.

NO EXCLUSIVE CONTRACT. Wala naman daw kasi siyang anumang kontrata sa GMA-7, kung saan napapanood siya regularly, at ang kontrata lang niya ngayon ay sa Miss World Philippines.

Pumirma rin siya kamakailan ng managerial contract with Viva Artist Agency (VAA), at ito na raw ang bahala sa magiging projects niya sa TV at baka pati sa pelikula.

Ani Gwen, “I never had a contract naman with GMA-7. But they are generous enough to put me in their shows like Party Pilipinas.

“Ms. Cory entrusted me to them after I won Miss World Philippines and even after I won First Princess in the Miss World 2011.

“But now that Miss Word Philippines is with TV5 na, and I signed a managerial contract with Viva Artist Agency, I guess I will be seen more na sa TV5.

“And just the same, Ms. Cory was nice enough to recommend me with VAA.

“But I will still be visible with all the activities of Miss World Philippines as we go on the search for new candidates nationwide.”

Mas marami raw magagawa si Gwen bilang isang TV host kesa bilang performer, na siyang kadalasang pinapagawa sa kanya sa Party Pilipinas.

“It’s not that I don’t enjoy dancing," paglilinaw niya.

“Medyo awkward lang for me kasi bukod sa masyado akong matangkad, hindi talaga ako sumasayaw. Hindi ko iyon forte talaga.

“But I am thankful naman for GMA-7, especially sa Party Pilipinas, kasi nagawa nilang pasayawin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit na feeling ko ay nagkakamali ako, may mga fans na gustung-gusto akong makitang sumasayaw.

“Siguro they enjoy my awkwardness.

“I don’t know, pero natutuwa sila sa ginagawa ko sa Party Pilipinas!” tawa pa ni Gwen.

OWN TALK SHOW. Kung sakaling bigyan ng sariling talk show si Gwen, hindi raw niya ito tatanggihan, pero malaking pressure iyon sa kanya.

“Who would say no kung may ganyang offer, di ba?

“But I still have to learn the ropes. It’s not enough for me to say na porke’t madaldal ako, e, I can be a good TV host overnight.

“I still have so much to learn and I am willing to go through those workshops.

“There’s nothing wrong in making improvements sa sarili mo, di ba?

“Para masabi nila na hindi lang ako beauty queen na kakaway-kaway, but I can do other things that will be an interest to many.”

NO CONFLICT. May balita na sa isang pictorial session ay nagkaroon daw ng hindi magandang palitan ng salita si Gwen at si Venus Raj, ang former Bb. Pilipinas-Universe at Miss Universe 2010 4th runner-up.

“I heard about that ,at wala akong matandaan na may pinag-awayan kami ni Venus,” mabilis na pagtanggi ni Gwen.

“Venus is one of my good friends—para na kaming magkapatid niyan.

“So, bakit naman kami magkakaroon ng problema?

“Nagkausap na kami ni Venus regarding that at nagtawanan lang kami.

“Kasi wala naman talagang problema between us.”

NOT AFFECTED. Parehong nakakuha ng magagandang puwesto sina Gwen at Venus sa respective beauty pageants na sinalihan nila.

Kaya, ayon kay Gwen, “I am somehow sad because many people are saying na yumabang daw ako—it is not true at all.

“Kung may ganyang akong attitude, hindi papayag ang family ko na ganyan ako.

“I was raised by my parents na maging down-to-earth and never be arrogant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, bakit ko naman gagawin ang alam kong hindi magandang attitude?

“At kung may nagbago man sa akin, it’s just that I had this title. Yun lang naman.

“But I am still the same Gwendoline Ruais that my family and my friends know.

“Kung sino ang mga kaibigan ko noon, sila pa rin ang mga friends ko—kasama na doon si Venus.”

Pakiramdam ni Gwen, may mga taong gusto silang pag-awayin ni Venus.

“Yun ang iniisip ko kasi wala naman kaming issue ni Venus, bakit nagkaroon bigla ng ganyan?

“I know that there are people who are trying to put me down. Ayoko na lang silang pansinin because masaya akong tao.

“Ayokong masira ang disposisyon ko ngayon because of these people.

“I am just thankful that I have my family and my friends to support me parati.

“There’s no reason for me to feel sad about what’s happening,” sabi ni Gwendoline.

MS. PHILIPPINES AUDITIONS. Samantala, magkakaroon ng regional screenings of applicants for Miss World Philippines 2012:

Sa May 18 sa Cagayan de Oro;

May 19 sa SM Cebu;

May 27 sa SM Naga;

June 1 at SM Mall of Asia;

at June 3 sa SM Pampanga.

For inquiries, call Miss World Philippines Headquarters at the Manila Hotel, the official residence at 527-0011 local 1248.

Or visit the website: www.missworldphilippines.com.

The Miss World 2012 pageant will be held in Ordos, Inner Mongolia, China, and will be broadcast live via TV5 on August 16, 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN