Councilor Gian Carlo Sotto on reconciliation of his mom Helen Gamboa and cousin Sharon Cuneta: "Mas tight talaga yung pagmamahalan nila ngayon bilang ‘mag-ina.’”

IMAGE Noel Orsal

“Alam ko nagkausap na sila, e. Pero magkikita sila at magkakaroon na naman sila ng cooking fest. Hindi ko lang alam kung kailan. Pero yun ang pastime nila, e. Magluluto sila ng marami. Kasi malaking pamilya kami, e. So, style Kapampangan,” enthuses Councilor Gian Carlo Sotto about the activity that might follow after the recent reconciliation of his mom Helen Gamboa and cousin Sharon Cuneta.


Isa si Quezon City Councilor Gian Carlo Sotto sa mga natutuwa at nagpapasalamat sa pagwawakas ng dalawang taong tampuhan ng ina niyang si Helen Gamboa at pinsang si Sharon Cuneta.

Kitang-kita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mukha ni Gian ang kasiyahan nang matanong tungkol sa pagbabati ng mommy niya at ng Megastar.

Kabilang si Gian sa mga dumalo sa nakaraang birthday party ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, na ginanap sa Isla Ballroom ng Shangri-La Hotel, Edsa noong Sabado, May 12.

“Sobrang grateful and thankful ako kay God,” simula ni Gian.

“Para sa akin mas ano yun… mas naging tight pa sila ngayon.

"Kasi, di ba, pag pamilya, hindi naman totoong pamilya kapag hindi nag-aaway?

“Minsan talaga nagkakaroon ng argument, ng discussion.

"Pero ito, para sa akin, sobrang parang pareho silang at peace ngayon.

“And I know mas tight talaga yung pagmamahalan nila ngayon bilang ‘mag-ina,’” pagtukoy ni Gian sa "mother-daughter" na relasyon ng magtiyahin na Helen at Sharon.

ONE OF THE LAST TO KNOW? Aminado si Gian na maging siya ay hindi natunugan agad na malaki na pala ang tampuhan ng kanyang ina at ng kanyang Ate Sharon.

“At first ano, akala ko, petty na tampuhan lang. Pero tumagal na. So, na-realize [ko] na may alitan pala talaga.

Nanghinayang daw siya sa pagtitinginan ng kanyang ina at ng Megastar.

“Kasi team sila dati, e. Pero at least ngayon nagkabalikan na sila. So, answered prayers talaga.”

Sa kolumnistang si Ricky Lo raw niya nalaman na talagang malaki na ang problema ng mommy niya at ng kanyang Ate Sharon.

“'Tapos tinanong ko nga sa mommy ko kung ano ang nangyari. Nagkuwento siya.

“May issue nga raw, ganyan-ganyan. So, ako naman, sana magkabati.

"Pareho silang ‘in love’ sa isa’t isa, tapos biglang nag-away," ani Gian.

HOW THE MISUNDERSTANDING AFFECTED THEM. Naapektuhan din daw silang magkakapatid sa alitang Helen-Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, naapektuhan kami. Ako, si Ciara, at si Ate [Apples].

“Parang may ate akong nakaaway. Kaaway ng mommy ko, ganun.

"Si Ate Sharon kasi, sobrang close kina Ciara, Ate Apples.

"So, lagi kaming nagkikita, tapos, nung biglang nangyari yun [‘di pagkakaunawaan], nalungkot ako.

“Pero I know magkakabalikan din naman sila ni Mommy. Magkakaayos din sila. So, naging okay na.”

HELEN AND SHARON'S PASTIME. Nagkausap na ba sina Helen at Sharon?

“Alam ko nagkausap na sila, e. Pero magkikita sila at magkakaroon na naman sila ng cooking fest, e. Hindi ko lang alam kung kailan.

“Pero yun ang pastime nila, e. Magluluto sila ng marami.

"Kasi malaking pamilya kami, e. So, style Kapampangan,” kuwento ni Gian.

ANOTHER CELEBRATION? Nung May 7 daw ang birthday ng kanyang mommy, pero mukhang magkakaroon ng isa pang selebrasyon sa sandaling magkita na ang mommy niya at ang Megastar.

“Sobrang ano...sa sobrang excited, nakakaiyak. Alam mo yung feeling na sobrang tuwa mo?

“Ganun yung naiisip naming mararamdaman,” saad ni Gian.

Nabanggit ni Sharon, sa presscon ng kasisimula lang ngayong araw na talk show nitong Sharon, Kasama Mo, Kapatid sa TV5, na naiiyak ito sa tuwing naaalala ang alitan sa tiyahin nitong si Helen.

Ang asawa ni Mega na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan ang siyang nagku-comfort sa pag-iyak nito.

At dahil nga sa usaping pulitika nag-ugat ang "tampo" nina Helen at asawang si Senator Tito Sotto kina Sharon, pakiramdam daw ni Kiko ay hindi pa siya tanggap ng mga kamag-anak ng Megastar.

“Ay, hindi. Hindi. Tanggap naman ng family si Kuya Kiko! Lalo na ng mommy [Helen], ni Ate Sharon, at ng buong family namin.

“Mabait naman si Kuya Kiko, e. Pareho kaming Liberal," sabi pa nito, na ang tinutukoy ay ang Partido Liberal, ang political party na kinabibilangan nilang dalawa.

“Tinulungan ako ni Kuya Kiko doon, kaya pare-pareho kaming welcome.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As in, hindi na tinatanong yun [kung tanggap siya].

"He’s really a big part of the family na.

“Kung sino ang mahal ni Ate Sha [tawag niya sa Megastar], mahal ni Mommy,” pagpapatunay ni Gian.

AS A PUBLIC SERVANT. Samantala, nakakagamayan na raw ni Gian ang pulitika. Malayo raw ito sa hinagap niyang puntahan at gawing career noong siya ay nag-aartista pa.

“Noong una, ayoko talagang pasukin. Pag sinasabing pulitiko, ayoko.

"Pero nung nakausap ko yung dad ko through the campaigns, at in-explain niya na ‘Hindi ka naman pulitiko, you’re a public servant. Yun ang papasukin mo.’

“Tapos parang ni-reveal ni God na yun nga yung parang purpose niya, so, nag-i-enjoy ako, kasi nakakatulong ako sa tao.

“Para sa akin, it’s an honor and it’s a burden. But at the same time, if I can bring glory to God through that way, I would,” paliwanag niya.

Hindi naman daw malaking epekto sa showbiz career niya ang pagpasok niya sa politics.

“Goon, goon lang naman ang [roles na] ginagawa ko. Pinapatay agad, so, maiikli lang yung mga taping.

“Okay lang. Okay lang na pasulput-sulpot yung mga maliliit na role.

"Pa-sidekick-sidekick lang ni Oyo [Sotto, na pinsan niya],” sabay ngiti niya.

RODERICK PAULATE. May komento rin si Gian tungkol sa kasong kinakaharap ngayon ng kasamahan niya sa Konseho ng Quezon City na si Councilor Roderick Paulate.

Sinampahan ng mga kasong kriminal at administratibo si Roderick ng Office of the Ombudsman. (CLICK HERE to read related story.)

“Ako talaga, naniniwala akong victim lang siyang talaga. As in, victim lang siya ng paninira, dahil si Kuya Dick [palayaw ni Roderick], mabait na tao.

“Saka may prinsipyo siyang tao. Simula bata pa lang, pamilya na namin siya.

“Kasama siya ni Mommy sa mga pelikula at yung pagkatao niya kilala ng lahat…ng buong madla kung anong klaseng tao siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know he’s just a victim and he’ll gonna go through this dahil nananalig din siya sa Diyos. Kaya yun ang malaking resbak natin,” nakangiti uli niyang pahayag.

Madakas napag-iinitan at nasasalang sa mga administrative cases ang mga artistang nasa posisyon o pulitika.

Halos lahat daw kasi ng mga artista ay malakas sa mga tao, lalo na sa masa, kaya nagiging sentro umano ng inggit.

Hindi ba natatakot si Gian na baka siya naman ang isunod ng mga detractors niya?

“Sa totoo lang, lahat ng artista ginagawan ng…lalo na yung mabubuting artista o tao gaya ni Kuya Dick, nagiging easy target talaga dahil sa sobrang bait.

“Minsan naaabuso na yung kabaitan.

"Ako, hindi naman natatakot," sabi naman niya tungkol sa sarili.

“I leave it all to God. Si God na ang bahala sa akin. I don’t trust myself with anything.

“I trust God. So, yun lang ang nagpapatakbo sa akin ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN