KC Concepcion explains why she is not dating at the moment: “Parang nag-decide ako na non-showbiz na lang ang maganda for me.”

IMAGE Noel Orsal

“Si Jules is really a friend. He knows, it’s very clear na I said, ‘Jules, I’m really busy at work right now. A very close friendship is the best I can offer you right now,'" KC Concepcion told Jules Knight of the British boy band Blake, who is rumored to be pursuing her.


Mas open na si KC Concepcion ngayon tungkol sa bagong nagbibigay-kulay sa lovelife niya.

Sa The Buzz noong Linggo, June 24, tinanong si KC kung nagde-date na ba siya, happy, or still searching?

“Hungry!” natatawang sagot ni KC.

“Wala pa kong lunch... sandali lang,” bawi niya kaagad.

Ano ba ang ibig sabihin ni KC ng “hungry?”

“No, I didn’t mean that,” sagot niya.

“I’ve been hurt—marami akong natutunan. So, right now, I’m very careful.

“Noong umpisa, scared. But right now, I’m just being very careful lang talaga.”

Sa diretsahang tanong kung may dine-date siya ngayon?

“You know what, I cannot date anyone right now because recently, parang nag-decide ako na non-showbiz na lang ang maganda for me.

"So, ang hirap ngayon, I didn’t think nga na matotodo-todo ako.

“I’m singing, I’m acting, I’m hosting, I’m dancing... so it’s really... this is my world right now.

“So, mahirap. Unless maghanap ako sa mundong ito. But for now, wala pa ro’n."


CRAVINGS. Pero dahil nabanggit ni KC ang salitang “hungry,” in the future anong klaseng love ba ang craving niya?

“Somebody that is humble, hardworking—somebody that is good…

“Alam n’yo? Ang weird, e. Nandoon yung feeling na gusto ko yung next ko, yun talaga.

“Kasi, parang ayoko ng… ayoko ng kayo, tapos magbe-break. Ayoko na talaga.”

Posible bang kung sino ang magiging lalaki sa buhay niya ngayon, yun na yun?

“I don’t know. Siguro that’s why I’m careful right now.

"I don’t wanna be hurt again. And I wanna have fun. And right now, I wanna have fun.”

JULES KNIGHT. Nali-link kay KC si Jules Knight from the British boy band Blake, ano ba ang status nito?

Sabi ni KC, “Si Jules is really a friend. He knows, it’s very clear na I said, ‘Jules, I’m really busy at work right now. A very close friendship is the best I can offer you right now.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At least honest ako and, at the same time, wala akong pinapaasa.

“I’m very honest with him. He doesn’t live here and it’s always hard naman if long-distance relationship.

“At this point, I wanna have fun. We only spent two or three days together in our whole life.

“Maganda yung nakakasama mo, nakikilala mo pa nang husto…

“And at this point, gusto ko na talagang makilala yung tao nang husto—through and through, para masabi ko na, you know…”

Si Charlene Gonzalez ang nagtuloy ng sinasabi ni KC na ang ibig daw sabihin ni KC ay he deserves her love.

Dugtong pa ni KC, “I mean, there’s a lot of handsome men around the world.

“And, you know, I would like to end up with a handsome man inside and out. Hindi lang sa panlabas.”

Naniniwala naman si KC na darating at darating din ang lalaking para sa kanya.

“It will come. I know that God has His way of choreographing things.

“Choreograph lang, parang sayaw lang, di ba? But you know, it’s really exciting to fall in love again,” biro pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN