Cristine Reyes will squeeze in three-day U.S. vacation with boyfriend Rayver Cruz this September

IMAGE Noel Orsal

May bahid ng panghihinayang si Cristine Reyes dahil hindi sila makakadalo ng nobyong si Rayver Cruz sa Star Magic Ball ngayong taon. Pero masaya pa rin siya dahil magagamit nila ang pagkakataong ito upang makapag-bonding sa America.


Nitong nakalipas na weekend, August 18-19, ay nagkaroon ng pagkakataong magbakasyon si Cristine Reyes sa Tagaytay.

Kasama niyang nagpunta roon ang kanyang mga pamangkin, kapatid, ilang kaibigan, at nobyong si Rayver Cruz.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Cristine noong Martes, Agosto 21, sa launch ng Pantene Nature Care shampoo, naikuwento ng aktres na masaya raw ang kanilang pagbabakasyon.

“Okay naman. Actually, masaya kasi nagluto kami doon,” sabi niya.

Kung pagbabasehan ang Twitter at Instagram posts ng magkasintahan nitong mga nakalipas na araw, mapapansin na tila nahihilig sa pagluluto si Cristine.

Sa pagpapalitan nila ng mensahe sa kanilang social networking accounts, mapapansin din na tila puring-puri ni Rayver ang mga luto ng girlfriend.

Ano ang masasabi ni Cristine sa mga papuring ito ni Rayver?

“Hindi ko alam, e,” nakangiting sabi ng aktres na tila nahihiya pa.

“Basta ginagaya ko lang naman iyong nasa cookbook. Iyon lang. Natuto na ako doon.”

USA VACATION. Sa tuwing magkakaroon ng free time ang magkasintahan, pinipilit nilang gugulin ang mga oras na ito nang magkasama.

Kaya naman sa darating na Setyembre ay muli silang magsasama upang mag-unwind sa America.

“Parang [bakasyon] na nga, kasi may work ako, then susunod lang siya doon,” saad ni Cristine.

“Nasa USA ako, and then may Canada tour ako with Vice Ganda.

“After no’n, may vacation nang slight, mga three days iyon, doon susunod si Rayver,” dagdag pa niya.

Sa kasamaang palad, matatapat ang pagkikita nilang ito sa States sa mismong araw ng Star Magic Ball.

Nanghihinayang man si Cristine na hindi sila makakapunta sa taunang glamorous ball, masaya na rin siya dahil nabigyan sila ng pagkakataong magka-bonding muli ni Rayver.

“Kailangan niyang bumawi sa ‘kin kasi hindi siya sumama sa London, e,” pabirong sabi ni Cristine.

Ang tinutukoy niya ay ang kanyang pagbiyahe sa London, England, noong nakaraang buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpunta doon si Cristine upang mag-perform sa ilang The Filipino Channel (TFC) road shows, mamasyal, at manood ng concert ng international pop superstar na si Madonna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN