Claudine Barretto settles issue with two Cebu Pacific ground crew

IMAGE Melo Balingit

Claudine Barretto personally asked forgiveness from two ground stewardesses of Cebu Pacific: “I humbled myself, nag-apologize naman ako sa pagtaas ng boses ko sa kanila, habang nagko-complain ako sa Cebu Pacific no’n. Uhm, tinanggap naman nila ‘yong apology ko. So, talagang thankful ako pati sa pamilya nila, dahil sobra silang warm [at] tinanggap ako.”


Nagkaayos na si Claudine Barretto at ang dalawang ground stewardess ng Cebu Pacific na sina Charisse Bocboc at Kristine Ilagan.

Matatandaan na noong Lunes, Mayo 14, sinabi ng ina ni Kristine na si Rosario Ilagan na kung maaari ay nais niyang mag-public apology si Claudine sa kanyang anak at kasamahan nito.

(CLICK HERE for related article.)

Ayon sa report ni Nelson Canlas kagabi, Mayo 17, sa GMA-7 news program na 24 Oras, si Claudine daw mismo ang may gustong makipagkita sa mga ground stewardess.

Sinabi ng abugado ni Claudine na si Atty. Alex Avisado, “Siya [Claudine] po ang nakiusap, at siya po ang nag-seek nitong meeting na ito para lang ho maibigay nang personal ang kanyang kapatawaran.”

APOLOGY. Aminado si Claudine sa naging pagkakamali niya nang sigawan niya ang dalawang ground stewardess.

Matatandaan na ang pagtataas niya ng boses sa dalawang ground stewardess ang pinagmulan ng away ng kanyang asawang si Raymart Santiago at ng kolumnistang si Mon Tulfo sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong May 6.

Ito’y matapos kunan ni Mon ang nangyayaring paninigaw ni Claudine sa dalawang empleyado, na pinuna naman ni Raymart.

(CLICK HERE for related article.)

Pero matapos ang halos dalawang linggo mula nang maganap ang naturang insidente, napagdesisyunan ng aktres na lumapit sa dalawang empleyado ng nabanggit na airline.

Ani Claudine, “Uhm, I humbled myself, nag-apologize naman ako sa pagtaas ng boses ko sa kanila, habang nagko-complain ako sa Cebu Pacific no’n.

“Uhm, tinanggap naman nila ‘yong apology ko.

“So, talagang thankful ako pati sa pamilya nila, dahil sobra silang warm [at] tinanggap ako.”

NO LEGAL ACTIONS. Hindi naman na nagpaunlak ng interview sina Charisse at Kristine, para umano hindi na madamay sa isyu ang kanilang trabaho at personal na buhay.

Bagamat inamin nila na nagpagtaasan sila ng boses ni Claudine, itinanggi naman nila ang mga lumalabas na balitang “minumura” at “pinepersonal” na sila ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay taliwas sa naging pahayag ni Mon, na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

(CLICK HERE for related article.)

Itinanggi rin ng ina ni Charisse na si Elizabeth Bocboc ang mga balitang nagpaplano siyang magsampa ng kaso laban sa mag-asawang Claudine at Raymart.

“Wala naman akong sinabing magdedemanda,” pagtanggi ni Elizabeth.

“Kasi nga, sabi ko, nakaka-stress lang kasi ‘yan, e, ‘pag magde-demanda ka.

“Kaya tahimik lang kami, okay na sa akin ‘yong na-express ko ‘yong feelings ko no’ng time na ‘yon, kasi nasasaktan talaga ako being a mother.”

Matapos ang pag-aayos nina Claudine at ng dalawang ground stewardess, tiwala ang aktres na hindi na muling mauungkat ang isyung ito, at mas matututukan na niya ang kaso nilang mag-asawa laban sa magkakapatid na Tulfo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN