NPC President calls for boycott of couple Raymart Santiago and Claudine Barretto over airport incident

IMAGE Screen grab from GMA-7 / File photo

NPC President Jerry Yap (inset, bottom) on couple Claudine Barretto and Raymart Santiago: “Sa nakikita ko, may violent… ano itong mag-asawang ito. Nananawagan ako, kahit sa ating mga kasamahan na showbiz writers, na dapat i-boycott ang mag-asawang ito—kung mapapatunayan na sila ang nanakit."


Grave Coercion at Physical Injuries ang mga reklamong isinampa ngayong umaga, May 7, ng broadcast journalist na si Mon Tulfo laban sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Ito ay kaugnay ng insidenteng nangyari sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kahapon ng tanghali, May 6.

(CLICK HERE to read related story.)

Inihain ni Tulfo ang kanyang mga reklamo sa Pasay City Prosecutor's Office.

Suportado ng National Press Club (NPC) ang kanyang aksiyon laban sa celebrity couple at sa mga kasama nito.

Si Jerry Yap ang presidente ng NPC.

Sa panayam kay Yap nina Martin Andanar at Erwin Tulfo—nakababatang kapatid ni Mon—sa Aksyon TV, sinabi niya na “lifetime member” si Mon ng kanilang organisasyon.

Ipinaliwanag din ni Yap ang mga “guidance” ng NPC sa mga miyembro nito.


NPC SADDENED BY THE ISSUE. Ayon kay Yap, “Kahapon pa lang minu-monitor na namin ang insidenteng ito at kami nga ay napapailing, nalulungkot na sa isang lifetime member ng National Press Club ay nangyari ito.

“Ang ibig pong sabihin ng lifetime member ay senior journalist na meron nang almost 25 years sa kanyang propesyon.

“At doon sa isyu tungkol sa pagkuha ng video, 'yan po ay kasama doon sa ating trabaho.

“’Yan ay kasama sa ating propesyon na kung may isang insidente na nangyayari na hindi kanais-nais ay puwede nating kunan, on the record.”


TULFO'S PURPOSE. Sinabi rin ng NPC President na ang unang intensiyon daw ni Mon sa pagkuha ng video ay “isulat pa ng pabor” para sa mag-asawang Raymart at Claudine.”

Ito ay dahil sa kapalpakan daw ng airline na “delayed na, nawawala pa ang bagahe.”

Patuloy ni Yap, “It turned out na iba naman pala ang dating sa mag-asawa.

“Tama rin po yung mga nasabi niya [Mon] na isyu tungkol sa mga guwardiya [Lockheed Security Agency] na kadami-daming guwardiya, walang ginawa.

“May report nga ako na hindi naman dumaan 'yan sa AVSAT—yung tinatawag na aviation security training.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kadami-dami nila, hindi nila na-pacify, yung kontrol, yung nangyaring pambubugbog kay Mr. Mon Tulfo.”

CLAUDINE AND RAYMART'S RIGHT TO PRIVACY. Kinontra rin ni Yap ang sinasabing “right to privacy” nina Raymart at Claudine kaugnay ng pagkuha ni Mon ng video sa kanila.

Saad ng NPC President, “Hindi nila tayo puwedeng pigilan kung ano ang gusto nating kunan bilang mamamahayag at hindi naman natin naba-violate ang kanilang mga karapatan.

“Puwede nilang sabihin kay Mr. Tulfo na, ‘Kuya Mon, ganito po. Kunin ninyo ang side namin.’

“E, si Mr. Mon Tulfo pa. Napakatagal na niya sa propesyon niya. He's a responsible journalist.”

BOYCOTT CLAUDINE AND RAYMART. Dahil sa insidenteng nangyari, nanawagan si Yap na “i-boycott” ang mag-asawang Raymart at Claudine “kung mapapatunayan na sila ang nanakit.”

“Sa nakikita ko, may violent… ano itong mag-asawang ito.

“Nananawagan ako, kahit sa ating mga kasamahan na showbiz writers, na dapat i-boycott ang mag-asawang ito—kung mapapatunayan na sila ang nanakit.

“May instruction na ako na gagawin ngayong umaga at later in the afternoon, ilalabas namin, pati doon sa Alab ng Mamamahayag.”

Ang tinutukoy ni Yap ay ang official statement ng NPC tungkol sa insidente.

Samantala, nakatakdang humarap sa isang presscon ang mag-asawang Raymart at Claudine ngayong araw kaugnay ng nangyaring insidente kahapon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN