NEWBIE: Soleil Bonnin follows her heart by joining showbiz

IMAGE Courtesy of Soleil Bonnin

Nagtapos si Soleil Bonnin ng kursong Business Administration and Finance sa Crafton Hill College sa California. Pero kahit tapos na siya sa pag-aaral, tila may kulang pa rin daw sa kanyang buhay. Kaya naman, bumalik siya sa Pilipinas para gawin ang dalawang bagay— una, dalawin ang kanyang ama sa Bacolod; pangalawa, subukan ang mundo ng showbiz.


There’s no place like home.

Madalas itong marinig mula sa mga kababayan nating napalayo sa kinalakihang lugar o sa pamilya.

Ganito rin ang nangyari sa aspiring actress na si Soleil Bonnin, ang anak ni Gabriel Bonnin at kapatid ng dating aktor na si JC Bonnin.

Si Gabriel Bonnin ay kapatid ng '60s actor na si Bernard Bonnin, na ama naman ng beauty queen-actress na si Charlene Gonzalez-Muhlach.

Taong 1994 nang umalis sila ng kanyang kapatid na si JC patungong U.S., kung saan muling nagpakasal ang kanilang inang si Angelita Tacuycuy.

Samantala, naiwan ang kanyang ama sa Bacolod.

At makalipas ang labing-walong taon, bumalik sa Pilipinas ang dalaga, “kasi ‘yong dad ko po, 85 years old na siya, gusto ko makita siya,” ang sabi nito sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mga ilang linggo lang ang nakakaraan.

“I haven’t seen him… siguro since I was 12 years old."

Ang isa pa niyang rason: mas gusto raw niya ang atmosphere dito.

"Sobrang na-enjoy ko dito sa Pilipinas, gusto ko i-try. I want to stay, you know, masaya talaga dito. If ever babalik ako sa States, I would be really depressed. Kasi sobrang enjoy, nothing compares! I really like it here.”


WHY SHOWBIZ? Bago siya bumalik dito sa bansa, tinapos ni Soleil ang kanyang kursong Business Administration and Finance sa Crafton Hill College sa California.

Naranasan din daw niyang magtrabaho sa real estate pero hindi niya raw “na-enjoy” ito.

Kaya ang isa pa niyang pakay sa pagbabalik sa bansa: ang pasukin ang mundo ng showbiz.

“Ito talaga ang gusto ko,” pahayag ng 21-year-old na dalaga tungkol sa pag-aartista.

“Even when I was just… ‘yong bata pa 'ko, ito talaga ang gusto ko.

“So, gusto ko subukan dito and, hopefully, may chance.”


SEXY STAR? Samatala, kapansin-pansin ang pagkakahawig ni Soleil sa dating sexy star na si Joyce Jimenez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakilala si Joyce sa kanyang mga sexy movies na critically acclaimed, tulad ng Scorpio Nights 2 (1999), Biyaheng Langit (2000) at Narinig Mo Na Ba Ang L8st? (2001).

Natawa si Soleil, at inaming marami na nga ang nakapagsabi nito sa kanya.

Kaya minsan daw ay naghanap ito ng picture ni Joyce sa Internet, kung saan nakita niya na may “resemblance" nga sila, pero hindi naman daw sila talaga magkamukhang-magkamukha.

Nabanggit na rin lamang ang pagkakahawig niya sa dating sexy star, magiging open ba siya sa sexy roles?

Tawa ang unang reaksiyon ng dalaga bago sinabing, “Puwede… but clean sexy.

“Hindi kasi ako komportable sa all the way... Pero ‘yong magsuot ng bikini, it’s okay.”

At kung sakaling alukin daw siyang mag-pose sa male magazine na FHM, “maganda” raw na oportunidad iyon para sa kanya.

“As long as walang masyadong makikita,” pahabol niya.

Ngunit dahil sa pagiging health conscious niya, isa rin sa mga pangarap niya ay ang maging cover girl ng Women's Health magazine.

Ang FHM at Women's Health ay parehong magasin ng Summit Media Inc.

But for now, titignan niya kung ano ang mai-o-offer sa kanya ng showbiz.

“Kung hindi [ako suwertihin], at least wala akong regrets, at least I can say that I tried.

“Gusto ko talaga dito, kahit hindi maging okay career ko,” pagtatapos ni Soleil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN