Sid Lucero on Heart Evangelista’s relationships: “So whatever she has sa personal life niya, that’s hers.”

IMAGE Noel Orsal

Sid Lucero on working with Jennylyn Mercado: “Masarap siyang katrabaho. She’s really light. Kahit hanggang sa umaga. Kahit puyat na lahat, with her, everything is still funny. Of course… tired.”


Nagsimula nang umere ang bagong panghapong serye ng GMA-7 na Hindi Ka Na Mag-Iisa kung saan magkapareha sina Sid Lucero at Jennylyn Mercado.

At maganda naman ang dating sa mga viewers, lalo na sa chemistry nina Sod at Jennylyn, na pinatotohanan naman ng aktor.

“It’s nice to work with Jen,” sabi ni Sid nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, July 8.

“We’re actually gonna be working together on the same scene all the time.

“It’s more comfortable na nga now, e. Kasi we’ve already worked twice.

“Yo’ng first was… I think sa Starstruck Playhouse, like… ten years ago. Something like that,” sabay ngiti niya.

“And since nagkatrabaho na nga kami dati ni Jen, we’re already friends. So it’s easier to play on the scene.

“Masarap siyang katrabaho. She’s really light. Kahit hanggang sa umaga.

“Kahit puyat na lahat, with her, everything is still funny. Of course… tired. Pero it keeps the energy flowing.

“But… you know, every time I do a new project, I feel like it’s my first time… every time.

“Na parang at first I don’t have my finger on the character yet.”

FOR OLD TIME'S SAKE. Nangiti ulit si Sid nang matanong tungkol sa friendship nila ni Heart na nabuo noong magkasama sila sa Legacy.

“It’s still going. Yeah!”

Nagkikita pa rin sila?

“Minsan. The last was recently lang.”

NO REACTION. Ano ang reaksiyon niya na nali-link ngayon si Heart kay Senator Chiz Escudero?

“Uhm… I don’t know,” napakibit-balikat niyang sabi.

“Nothing!” sabay tawa ni Sid. “Good for her!”

Nali-link din sa kanya si Heart at bago nagtapos ang Legacy, napapabalitang nagkakamabutihan na nga raw sila.

“Yeah! But that comes with the job,” ang pagiging magkapareha nila sa serye ang ibig niyang sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So whatever she has sa personal life niya, that’s hers.”

May intriga rin na pinagsabay ni Heart umano sila ni Senator Chiz.

“No!” tawa ulit ng aktor. “We’re friends. She’s not the type who’ll do that.”

NO SPECIAL SOMEONE. Kaibigan lang daw talaga niya si Heart at wala siyang special someone ngayon, bakit nga ba?

“Right now? Because I just came from a relationship. And I’m not ready for another one,” seryosong pagtatapat niya.

Dalawang buwan lang daw tumagal ang relasyon niya. Na ayaw na niyang sabihin kung kanino.

Hindi rin daw niya masabi kung gaano katagal niya gugustuhing maging single muna.

“I don’t know!” tawa ulit niya. “There’s no plan.”

Hindi rin daw muna siya open to dating.

“Not yet. No. I just wanna stay home. Kumbaga, parang… you just don’t want to jump from one to another.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN