Shaina Magdayao confirms breakup with John Lloyd Cruz; says reason is "purely between John Lloyd and myself"

IMAGE Allan Sancon

Young actress Shaina Magdayao has released an official statement confirming her breakup with actor John Lloyd Cruz. She adds, "The reason is purely between John Lloyd and myself."


Kinumpirma mismo ni Shaina Magdayao na hiwalay na sila ni John Lloyd Cruz.

Sa pamamagitan ng text message na ipinadala ng kampo ni Shaina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, May 4, binasag na ng young actress ang kanyang pananahimik kaugnay ng pinag-uusapang breakup nila ni John Lloyd.

"To end all speculations, I confirm that John Lloyd and I have agreed to end our relationship," pahayag ng young actress.

Ayon kay Shaina, ang dahilan ng kanilang breakup ay "purely between John Lloyd and myself."

Hiniling din ni Shaina na hayaan sila "to move on with our respective lives with mutual respect and dignity."

Wala namang ginawang pagbanggit si Shaina tungkol sa pagkakaugnay ng pangalan ni John Lloyd kay Angelica Panganiban.

Samantala, nilinaw ng handler ni Shaina sa Star Magic na si Monch Navales ang ilang detalye sa artikulong inilathala ng PEP kahapon, May 3, kaugnay ng breakup ng young actress at ni John Lloyd.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Novales sa text message na ipinadala niya sa senior editor ng PEP na si Monching Jaramillo, hindi totoong nag-break sina Shaina at John Lloyd "months ago."

Aniya, "They decided to part ways only a few weeks ago."

Itinanggi rin ng handler ni Shaina na ang breakup ng dalawang Kapamilya stars ay naganap sa isang party.

SHAINA'S STATEMENT. Narito ang kabuuang statement ni Shaina sa PEP:

"To end all speculations, I confirm that John Lloyd and I have agreed to end our relationship. The reason is purely between John Lloyd and myself.

"I most humbly request everyone to allow us to move on with our respective lives with mutual respect and dignity."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN