PEP SCOOP John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao broke up “months ago”; Angelica Panganiban is not the reason, sources say

IMAGE Noel Orsal

Just a few months after getting back together, John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao have decided to end their relationship. But according to reliable sources, Angelica Panganiban (inset) has nothing to do with their breakup.


Kinumpirma ng isang mapagkakatiwalaang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang hiwalayang John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Sinabi rin ng source na walang kinalaman sa breakup ng dalawa si Angelica Panganiban.

Ito ay sinusugan din ng dalawa pang sources na nakausap ng PEP sa hiwalay na pagtatanong.

Idinagdag ng huling dalawang sources tungkol sa kuwentong si Angelica ay third party kina Shaina at John Lloyd: “Wala ‘yan. Imahinasyon lang ‘yan. Imbento na lang ‘yan.”


ANGELICA-JOHN LLOYD LINK. Tinatayang nag-ugat ang pagkakaugnay nina Angelica at John Lloyd dala ng ginagawa nilang pelikula ngayon.

Isa itong omnibus film para sa 20th anniversary ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na humahawak sa mga career nina Angelica at John Lloyd, at maging ni Shaina.

Sa Vietnam kinunan ang mga eksena nina Angelica at John Lloyd.

Ang mga naunang write-up tungkol sa Vietnam trip nila ay tungkol sa paghanga ng dalawang Kapamilya stars sa isa’t isa pagdating sa trabaho.

Bukod pa sa pagsasama nina John Lloyd at Angelica sa pelikula, nasabay naman ang isyu ng pagkakalabuan ng relasyon ni Angelica sa boyfriend niyang si Derek Ramsay.

Sa isang panayam ay inamin ni Derek sa press na “may pinagdadaanan” sila ni Angelica sa kasalukuyan.

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil dito, maaaring ginawan ng koneksiyon ng ilan ang pagsasama sa pelikula nina Angelica at John Lloyd at ang pagkakaroon ng problema ngayon nina Angelica at Derek.

Pero diin ng unang source ng PEP, “They broke up because of an entirely different reason—nothing to do with Angelica and Derek.”

Samantala, nang tanungin ng ilang malapit na kaibigan si Angelica tungkol sa pagkakaugnay ni John Lloyd sa kanya ng isang pahayagan, tinawanan lamang daw ito ng aktres.

Maging si Derek ay agad nagtanggol kay Angelica at sinabing “hindi ganun” ang kanyang kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


THE LAST STRAW. Dagdag naman ng pangalawang source, ang breakup nina John Lloyd at Shaina ay nangyari “months ago pa.”

Ibig sabihin, matagal na raw break ang dalawa ngunit ngayon lamang ito lumalabas.

Nagkapatung-patong na raw kasi ang maliliit na problema ng 28-year-old actor at 22-year-old actress.

Kuwento pa ng pangalawang source, naganap ang paghihiwalay nina John Lloyd at Shaina sa isang party sa mismong bahay ng young actress.

Dito raw ay sinabihan si Shaina ng pinakamatandang kapatid nitong si Sheila Magdayao, asawa ng anak ni German Moreno na si Federico: “Tama na…”

Na ang ibig sabihin ay panahon na para tapusin ni Shaina ang relasyon kay John Lloyd.

Ayon naman sa pangatlong source, isang rason kung bakit nauwi rin sa hiwalayan ang relasyong John Lloyd at Shaina ay dahil hindi malapit ang young actress sa pamilya ng aktor.

Bagamat mabait at maasikasong girlfriend si Shaina, giit ng source, demanding daw ito sa oras at panahon ni John Lloyd.

Dagdag pa ng source, marahil dahil bata pa si Shaina, gusto nito na laging sila lamang dalawa ni John Lloyd ang magkasama.

Halimbawa raw, kapag nagbibiyahe sa ibang bansa, mas ginugusto nitong hindi kasama ang pamilya ng aktor.

Nagpadala ng text messages ang PEP sa handler ni Shaina at maging sa pamunuan ng Star Magic kaninang umaga, May 3, upang makuhanan ng pahayag ang young actress. Pero hanggang ngayon ay wala pa kaming natatanggap na sagot mula sa kanila.

Matatandaang noong October 2011 ay naghiwalay na rin sina John Lloyd at Shaina.

Bagamat lumabas noon ang pangalan ni Ruffa Gutierrez, na siyang dahilan diumano ng pagkakalabuan nila, parehong itinanggi nina John Lloyd at Shaina na may kinalaman dito ang TV host-actress.

Kinalaunan, sinubukan nina John Lloyd at Shaina na tahimik ayusin ang kanilang problema, hanggang sa magkabalikan na nga sila.

At sa pagkakataong ito, sinabi nilang magiging pribado sila pagdating sa kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hindi nga nagtagal ay muling naghiwalay ang dalawa.

Sa kasamaang palad, nadawit naman ngayon ang pangalan ni Angelica sa hiwalayan nina John Lloyd at Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN