Andrea Torres says moisturizing is the key to prevent skin aging

IMAGE GA Granali

Andrea Torres on putting makeup: “Laging fresh lang ang dating, ayaw ko ‘yong masyadong makapal. Gusto ko nakikita pa rin ‘yong mismong features ng mukha ko.”


Nagsimulang maging banidosa pagdating sa kanyang balat si Andrea Torres noong siya’y siyam na taong gulang pa lamang.

Ayon sa kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Agosto 23 sa Excess Club, Timog Ave., QC, ang pangunahing patakaran niya sa skin care ay proper hydration.

Sa pamamagitan ng madalas na pag-inom ng tubig, napapanatili ng aktres na makinis ang kaniyang balat.

Pero dala ng madalas na pagpupuyat, dahil sa pagte-taping para GMA-7 soap opera na Sana’y Ikaw Na Nga, kinakailangan pa ring bumisita once a month si Andrea sa kanyang dermatologist.

“May ibinibigay siyang set of [cream] medicines. Ginagamit ko ‘yon kahit inaantok na ako.

"Kailangan tanggalin ko ‘yong makeup ko, then ia-apply ko ‘yon. You apply it lang sa face.

“Minsan dinadala ko na ‘yong pantanggal ko ng makeup sa set, para doon pa lang tinatanggal ko na.

"[Pagdating] sa sasakyan ina-apply ko na [iyong medicines], para hindi ko makalimutan.”

Bukod dito ay pinagpapahinga din ni Andrea ang kanyang balat.

Kapag wala siyang taping o ibang events, hindi na siya nagme-makeup.

Nagpapa-spa, scrub, at massage din siya upang ma-relax ang kanyang buong katawan.

OBSESSION WITH LOTION. Marami na raw ang nakapagsabi kay Andrea na tila “obsessed” na siya pagdating sa pag-aalaga sa kaniyang balat.

Paliwanag naman ng aktres tungkol dito, “I’m taking care of it bago pa dumating ‘yong time na tatanda tayo.

"So, ngayon pa lang nagmo-moisturize na talaga ako.”

Lotion ang pinaka-paboritong moisturizing skin care product ni Andrea.

Dagdag pa niya, mahalaga din na iisa lamang ang scent ng ginagamit niyang sabon, lotion, at perfume, upang sa ganoon ay maiwasan ang skin irritation dulot ng naghalong mga chemicals.

Bukod sa moisturizing lotion, mahilig ding gumamit si Andrea ng insect repellent creams, lalo na kapag nagte-taping sila sa liblib na lugar.

“Pag alam kong maraming mga insects or ‘yong lugar e puwede ako makagat… ‘yong pine-prevent ko na bago pa mangyari,” aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAVORITE MAKEUP BRANDS. Bilang artista, pinag-aralan din umano ni Andrea ang paggamit ng makeup.

Pagdating sa taping ng kanyang teleserye, may professional artist na gumagawa ng kanyang makup. Kailangan kasi na mas makapal at pantay ang pagkakalagay nito.

Pero kadalasan, kapag may dinadaluhan siyang events, presscons o mall shows ay siya na mismo ang naglalagay ng makeup sa sarili.

Ilan sa mga paborito niyang makeup products: “Iyong primer ng Benefit, ‘yong That Gal, ginagamit ko ‘yon.

“Tapos ‘yong Clinique cleansing balm and powder ng Clinique, gusto ko ‘yon.

“‘Yong Prep and Prime ng MAC para… kasi ako nago-oil ‘yong T-zone ko lagi.

"So, instead of lagay ako ng lagay ng powder palagi, kumakapal, ‘yon na lang.

"Parang white siya, pero kapag nilagay mo parang tinatanggal niya lang ‘yong oil.

“Tapos lipsticks ng MAC, gusto ko ‘yon.”

Tuwing siya ang mag-aayos sa sarili, ang madalas na style ni Andrea— na ipinapayo niya rin sa ibang kababaihan—ay “laging fresh lang ang dating, ayaw ko ‘yong masyadong makapal.

“Gusto ko nakikita pa rin ‘yong mismong features ng mukha ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN