Lorna Tolentino gets new offer from TV5 even with her existing contract not yet finished

IMAGE Noel Orsal

Dalawa ang ginagawang shows ngayon ni Lorna Tolentino sa TV5—ang weekly horror-suspense-sci-fi series na Third Eye at ang reality artista search na Artista Academy. Sabi niya tungkol dito, “Ang sarap ng dalawa ang shows pero hindi ganung ka-pressured. Kasi every Saturday and Sunday lang ako mapapanood."


Natutuwa si Lorna Tolentino dahil kahit dalawa ang proyektong ginagawa niya sa TV5 ngayon ay hindi naman siya nape-pressure sa oras para gawin ang mga ito.

Kasama siya sa cast ng bagong weekly horror-suspense-sci-fi series na Third Eye, na mapapanood tuwing Linggo ng gabi simula sa July 29.

Kabilang din siya sa mga hurado ng pinakamalaking reality artista search ng Kapatid Network, ang Artista Academy, na magpa-pilot episode na sa July 30 pagkatapos ng Wil Time Bigtime.

Sabi ni LT, palayaw ng aktres, “Ang sarap ng dalawa ang shows pero hindi ganung ka-pressured. Kasi every Saturday and Sunday lang ako mapapanood.

“Kasi Monday to Friday, yung Artista Academy, lahat sila; pag Saturday lang kaming mga judge. Pag Sunday naman yung Third Eye.

“So, once a week lang din ang taping namin. So wala, walang pressure.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorna sa grand launch ng TV5 sa kanilang mga bagong primetime shows na ginanap sa Elements Centris sa Quezon City, kagabi, July 17.

THIRD EYE. Kung tutuusin, host dapat ng Third Eye si LT. Pero may ginawa raw ang TV5 para hindi maging conventional ang ginagawa niyang pagsasalaysay.

“Ang Third Eye, bale ang talagang pinaka-main [characters] dito ay yung mga bata.

“Ang role ko ay parang naghu-host, pero iniba nila.

“Instead yung merong naghu-host, involved yung character dun sa episode. Kumbaga, kasama ako sa eksena, nasa gitna ng eksena.

“At ang huli ay parang yung conclusion ko kasi ako yung sumusulat, e, journalist ako, may publishing house.

“Ako yung sumusulat, ako yung nagna-narrate ng nangyayari sa lahat.

“Instead of narrating it, parang mas maganda yung idea na you are involved, and sila yung humihingi ng advise sa iyo and sila na yung bahalang kumikilos.”

Ang Star Factor grand winner na si Eula Caballero ang ibinabando ng TV5 bilang bida ng Third Eye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala bang isyu kay LT na maging suporta kay Eula?

“Wala namang isyu. Kasi yung role ko nga, parang host talaga,” sabi ng multi-awarded actress.

“Although, parang hindi naman natin masasabing ganun [support] lang ang role ko kasi nga, kumbaga, ang idea talaga, host ako pero iniba lang nila yung treatment.

“Basta, mas maiintindihan niyo pag naipalabas na ang Third Eye.”

Ano ang masasabi niya kay Eula bilang baguhan?

“Konting eksena lang kasi kami. I think I have only 45 sequences in every episode.

“Si Eula, mahusay siya kasi dumaan din naman siya sa isang artista search [Star Factor].

“So, siguro naman hindi naman siya basta na lang bibigyan ng isang mabigat na proyekto kung hindi naman talagang nasubukan na.

“She’s good, so as Ritz Azul and Meg Imperial… so as yung mga batang nakakasama ko ngayon dito sa TV5.”

Nakasama ni LT sina Ritz at Meg sa dating primetime series na Glamorosa.

ARTISTA ACADEMY. Excited na rin si LT na maging isa sa mga hurado ng Artista Academy, hosted by Marvin Agustin and Cesar Montano.

Kasama ni LT sina Gelli de Belen at Direk Mac Alejandre na magiging mga hurado sa 16 finalists.

Ang 16 ay magtutunggali para sa titulong Best Actor at Best Actress, kasama na ang premyong may kabuuang P20 milyon.

Bilang judge, pahihirapan niya ba ang finalists?

“Sa Artista Academy kasi, sa final 16 na kami. Kumbaga, pagdating sa amin, nasala, di ba?

“Ang critic mo na lang, yung kung ano na lang yung the best nila na ibibigay. Kasi nga, pinag-aaralan nila yung ginagawa nila.

“Kailangan yung critic mo yung makabubuti, constructive talaga, para sa matututunan nila.”

Nakaka-relate daw si LT sa mga nangangarap na kabataang ito na maging artista dahil pinagdaanan niya rin daw ito noon.

“Ako, nung bata ako, search for the young Susan Roces ang pinasukan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was seven years old, so contest din ito, auditions din.

“And then after that, dumaan din ako sa workshops to really know more about your craft,” pagbabahagi niya.

Ang kaibahan lang daw ngayon ay ang malaking papremyo ng Artista Academy.

“Oo, parang ang sarap ‘no, dalawampung milyon, di ba?

“Maganda, kasi parang lahat na yun, e—cash and everything.”

TO RENEW WITH TV5? Masaya at kuntento raw si Lorna sa pag-aalaga ng TV5 sa kanya.

Wala rin daw siyang reklamo sa mga proyektong ibinibigay sa kanya. Never daw siyang nabakante simula nang lumipat siya sa Kapatid network.

Isang taon ang pinirmahan niyang kontrata.

“Yung one year ko, puno talaga.

“Hanggang September pa ang contract ko, pero parang marami na yung blessings na dumating.

“Maligaya ako. Palagay ko mahal nila ako, kaya ino-offer-an nila ako ulit,” nakangiting sabi ni LT.

Mas malaki ba ang bagong offer?

“Okay na sa akin yung offer. Maligaya na ako sa offer!” sabay tawa niya nang malakas.

So, ibig sabihin, posibleng mag-renew siya ng kontrata sa TV5?

“Pag in-offer ako by September. Iyan, tingnan natin,” sagot ni Lorna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN