Grace Lee denies receiving Ferrari from a rich suitor; wants PNoy and Sen. Miriam Santiago to guest on her cooking show

IMAGE Ricky Gay

“Naaawa po ako sa kanya at nadawit ang pangalan niya in the recent tsismis. I really feel bad for him. Kaibigan ko po siya even at this point in my life,” says Grace Lee when asked about rumors that she's dating a rich businessman named Sherwin He.


Mahal daw ni Grace Lee si Senator Miriam Defensor-Santiago kaya nais niya na mai-guest sana ang senadora sa kanyang show na Cooking With The Stars.

Ayon kay Grace, “I really love her! Yung pagka-candid niya, her honesty, her ability to make people laugh.

"Nakakatawa rin po siya. Matalino po siya,” pagtukoy niya sa mga katangiang nagustuhan niya sa senadora.

Hindi pa sila magkakilala ni Sen. Miriam?

“Hindi pa. Hindi po. Never pa po kaming nag-meet. That’s why dream ko talaga na lutuan ko si Sen. Miriam Santiago.

“At feeling ko kasi 'pag nilutuan ko siya, honest talaga,” ang magiging komento raw ng senadora sa kanyang luto.

“‘Pag pangit yung [lasa ng] food ko, sasabihin niya sa akin na, ‘Ampangit ng food mo!’”

Hindi kaya siya talakan ni Sen. Miriam kapag hindi nasarapan sa luto niya?

“Okay lang po yun, matatawa lang ako sa kanya.”

INVITING PNOY. Si Pangulong Noynoy Aquino ba, gustong i-guest ni Grace sa show niya?

“Why not po? Why not, why not?”

Ano ang iluluto niya para kay PNoy?

“Mahilig din po siya sa Korean food. So, siguro…mahilig po siya sa beef. So Bulgogi siguro.”

MARIAN RIVERA. Sa mga female celebrities, nais ni Grace na mai-guest si Marian Rivera.

“Kung celebrity na babae po na puwede siguro na hingin ko sa GMA-7… Marian Rivera.”

Bakit si Marian?

“Because I think…si Marian kasi, she’s so talented 'tsaka feeling ko siya yung… or I think I’m correct in saying na what you see is what you get.

"That’s what I love about her!

“So, I would love to have her and talk to her and pick her brain.”

DINGDONG DANTES. Sa lalaking artista naman daw ay ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes ang gutong imbitahan ni Grace.

“'Pag lalaking celebrity po, a…si Dingdong Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dingdong and Marian, 'no? Para I can ask Marian about Dingdong.

“And ‘pag ang guest ko si Dingdong, tatanungin ko naman siya about Marian.

JILLIAN WARD. “I also want to guest Jillian Ward. Napakabibo nung batang iyon, ‘tsaka napakatalino. Ang galing umarte at mahilig kumain.

“For her, I’d like to make her chicken lollipop.”

Kasama ni Grace sa Cooking with the Stars ang mahuhusay na chefs na sina Chef Maricel Manalo, Chef Martin del Prado, Rene Cruz, at si Kai Verdadero.

Mapapanood ito simula sa May 28, every Monday, Wednesday, and Friday at 9:55 to 10:05 a.m. sa Kapuso network.

SHE LOVES TO EAT. Mahilig daw kumain si Grace kaya bagay sa kanya ang isang cooking show.

“Pero kailangan kasi ng discipline, kasi ako po, ‘pag tumaba, sa mukha nauuna yung taba ko.

“So, ang akala ng mga tao, chubby ako. But when they see me, ‘Ay, hindi ka pala mataba!’ Iyon po ang comment sa akin.

“So, I have to discipline myself, but I love to eat.”

DJ MO. Ige-guest ba niya si DJ Mo Twister sa show niya?

“I would, if he would come here." Kasalukuyan kasing nasa New York si DJ Mo.

“Matagal ko po siyang katrabaho at kaibigan ko po siya talaga.

“So, I have no qualms about guesting him, because I know na pagdating sa akin, hindi naman siya…

"He’s a good friend naman to me personally,” sabi pa niya tungkol kay Mo.

Ano ang iluluto niya para sa dating kasama sa radio show?

“A, si Mo…naku, very ano ‘yan, very picky sa food!

“So, I will probably cook him a steak or something of that kind.

“Kasi ayaw po niya yung maraming sauce. Ayaw niya rin yung malasa masyado. Very picky yung taong yun.”

NO TO CHINESE GOODS? Napag-usapan naman ang tungkol sa umano’y pambu-boycott ni Grace sa mga Chinese products dahil sa isyu sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng pag-aagawan sa Scarborough Shoal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Scarborough Shoal ay ang pinag-aagawang grupo ng mga isla ng Pilipinas, China, at Taiwan. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas at China ang nagtatalo tungkol sa tunay na nagmamay-ari ng Scarborough Shoal. Sinasabing mayaman sa likas na produktong-dagat, iba't ibang klaseng isda, at malaking deposito ng langis ang lugar na ito.

“Seven days na. Actually, kasi I would like to clarify that.

"Kasi yung tweet na lumabas na talagang, ‘Ban Chinese products!’ at banned din daw ako ng Chinese people.

“Never ko pong sinabi yun. Ang sinabi ko, ‘Lahat ng Chinese products na meron tayo ngayon, i-appreciate natin.

"And you know, I’m still going to use it. I still have utmost respect for the Chinese government and the Chinese community here.

“Ang dami ko pong mga kaibigan na Chinese. So, [I have] nothing against the people here or the Chinese government.

“Ang sinasabi ko lang po, it was just a trial for myself. Na parang, ‘Kakayanin ko bang hindi bumili ng Chinese products from this day forward?’

“Gusto ko pong bilangin kung ilang araw. Seven days na po," aniya. At itutuloy pa raw niya ito hangga’t kaya niyang gawin.

GRACE THE ACTRESS? Nabanggit din sa panayam kung papasok na rin ba sa pag-arte sa TV o pelikula si Grace.

“Marami pong nagtatanong sa akin, kung mabigyan ako ng opportunity... Kung aarte ba daw po ako?

“Parang, I don’t think God blessed me with an acting talent.

“Sabi ko nga po, puwede ako yung sa horror movies.

“Yung ako yung unang mamamatay. Yung mga after two minutes, patay na. Yung sisigaw lang ako, ‘tapos patay na,” sabay-tawa ni Grace.

“So, it’s really a joke. But a lot of people had asked me and my answer is, 'If I really thought na I have the skill and the talent, why not?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’But I think my talent is more on hosting talaga. And I think I’m going to grow on that first.’”

NETWORK TRANSFER? May existing contract si Grace sa GMA-7, pero may usap-usapang baka lumipat ito ng network.

“Actually, I’ve been with GMA for five years na po.

“Sa GMA po ang first work ko after I graduated from college,” saad ni Grace.

Bakit napabalitang lilipat siya sa TV5?

“Ako po? Hindi ko po alam.

"Kasi si Arnold [Vegafria, her manager] biglang tatawag na, ‘Uy, may ganito!’

“So, si Arnold na lang po ang tanungin ninyo sa ganyan,” at muling tumawa si Grace.

Aware naman siya na may isyung lilipat siya diumano sa TV5.

“May existing contract po ako sa GMA and I have no intention of being sued by my former employer,” at muling tumawa si Grace.

“’Tsaka marami po talaga akong mga kaibigan [dito sa GMA-7].

“Siyempre po five years din po ako sa GMA. Siyempre po yung mga nakatrabaho ko pong staff are very close to me.

“And I don’t wanna leave a bitter taste naman in their mouth after working with me for so many years.

“I think even if I leave, I’d do it at the right time. But not anytime now or soon because I have a contact with GMA.”

WHO IS SHERWIN HE? Naitanong din kay Grace ang tungkol sa intrigang may bago siyang Ferrari car na bigay ng isang rumoured “special friend.”

Itinanggi ito ni Grace, wala raw siyang bagong Ferrari.

Ikinakabit ang pangalan niya sa isang businessman na nagngangalang Sherwin He. Ano ang totoo?

“Naaawa po ako sa kanya at nadawit ang pangalan niya in the recent tsismis.

“I really feel bad for him. Kaibigan ko po siya even at this point in my life,” nasabi na lang ni Grace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN