Grace Lee says rumor that she was paid to date PNoy is "so vicious"

IMAGE Arniel C. Serato

“It’s just didn’t… hindi siya nag-prosper into something that people were speculating it to be. And I think what we are now is the best for the situation," ito ang sabi ng TV personality na si Grace Lee tungkol sa naudlot nilang pagliligawan ni Pangulong Noynoy Aquino.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bagong Kapatid na si Grace Lee pagkatapos ng panayam sa kanya ng Ang Latest noong Miyerkules, August 15.

Kahit na sinagot na ni Grace ang tanong tungkol sa Ferrari issue, na ibinigay diumano sa kanya ng isa niyang manliligaw, inusisa pa rin namin ang Koreanang TV host tungkol dito.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi niya, “Kung may Ferrari ako, wouldn’t I be driving it around?

“My car has been the same in the past three years. I have not changed my car.”

VICIOUS RUMOR. Pagkatapos ng balitang hindi na natuloy ang “ligawan” sa pagitan nila ni President Benigno “Noynoy” Aquino III, may lumabas na tabloid reports na binayaran lang diumano si Grace ng Malacañang para sakyan ang "pakikipag-date" sa Pangulo.

Isa na raw itong masamang biro, seryosong sagot ni Grace.

“Oh, my God, that’s so bad. All these things are actually so vicious.”

Nabasa ba niya mismo ang tungkol sa isyung ito?

Sagot ni Grace, “May nagsabi sa akin, kasi I think Kris Aquino tweeted about it.

“Parang, ‘Whoever came up with that, must be high on drugs.’

“May nag tweet, so nire-tweet sa akin na, ‘O dini-defend ka ni Kris,’ parang ganun.”

Si Kris ang nakababatang kapatid ni Pangulong Aquino.

Patuloy ni Grace, “You know, every single cent I have in my bank account is every drop of my sweat, hardwork…

“Walang…wala akong perang nakuha nang madalian. Na nahulog lang sa akin or anything like that.

“I had to work for every single cent that I have right now.

“And my account, my bank account is not considerably bigger now after I dated him.

“So, you know, ang mga rumors na ganyan, I mean, purely panira siya.

“There’s no other purpose than to make sira him or me—him and me actually.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DATING PNOY. Paglilinaw ng PEP sa kanya, meron ba talagang nangyaring ligawan sa kanila ni PNoy?

“Oh, I mean, as you can see, hindi kasi… the President doesn’t have a life… you know, certain things in his life...

“And for him to actually come out and admit, that we were dating, was a huge thing for him because he is one person we all know who would like to keep his private life, private also.

“Like that was, on his part, being a gentleman.

“Kasi lumabas na yung balita, e. May kasalanan nun si Mo Twister.

“Si Mo talaga sa buhay ko talaga…”

Matatandaang si Mo Twister ang nagsiwalat sa publiko ng tungkol sa pagde-date nina PNoy at Grace sa Twitter account ng controversial radio-TV host.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero giit ni Grace, “No, I didn’t tell him. Somebody tweeted him na nakita kami na nagdi-dinner.

“Ito naman, without asking me, on air, talagang sinabi niya [Mo]. Ayun, nagkagulo na after.”

COOKING FOR PNOY. Ipinagluto ba talaga niya noon si PNoy?

Sabi ni Grace, “A, no, there was a time talaga… there were times that I would cook and send it over para meron siyang makain pagdating sa bahay, just in case.

“I mean, he lives alone.

“He has someone to take care of him, but there were times that when you’re dating someone, you want to do nice things. It’s nothing out of the ordinary.

“It’s just didn’t… hindi siya nag-prosper into something that people were speculating it to be.

“And I think what we are now is the best for the situation.”

KEEPING IT SILENT. Ayon kay Grace, siya na ang nagkusang hindi masyadong magsalita sa “ligawan” issue noon kahit hinihingan siya ng mga pahayag, hindi lang ng local media kundi pati ng foreign press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “May Malaysian, Korean crew na pumunta, pero hindi ko pinagbigyan.

“Kasi without me talking so much, it was such a crazy whirlwind or rumors and hearsays and just vicious rumors also... it’s difficult.

“So I tried really my best to quiet it down.”

NOT JUST AN ORDINARY NEWS READER. Sa naunang ulat ng PEP, inamin ni Grace na may gusto siyang patunayan sa kanyang sarili bilang broadcaster.

Kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik pang magdesisyong lumipat sa TV5 nang may magandang alok ang istasyon sa kanya.

Detalye nito, “My turning point was when TV5 was so willing—especially Ma’am Luchi Cruz-Valdez and Sir Ray Espinosa—they’re so willing to give me a different direction with TV5.

“So nung na-challenge ako sa ibinigay nilang trabaho sa akin, sabi ko, why not, you know.

“Actually, we’re not getting any younger, and when there’s an opportunity that comes your way, you might want to take it and see where it leads you.

“Kaysa magre-regret ako, di ba?”

Sa tingin ba niya ay na-utilize ang kanyang talent ng pinanggalingan niyang istasyon, ang GMA-7?

Wika ni Grace, “You know, in all fairness to them naman, they really did try their best to give me shows… Like the cooking show [Cooking With The Stars] was great ‘coz I really do love cooking.

“And they know that as well. And they also have a couple of shows lined up for me talaga, but it was on the line of entertainment pa rin.”

Kung dati ay studio-based lang si Grace, ngayon ay nagpi-field work na raw siya sa TV5.

“Yeah, lumalabas ako.

“I’ve been going out ‘coz yun nga ang request ko kay Ma’am Luchi, na I don’t want people to think that I’m here because I’m Grace Lee, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because a news anchor’s seat is something that you have to really earn, and it’s a respected position.

“And I said, I’d rather go out to the field, do the reporting. Starting from weather and, you know, rescue missions.

“I really wanna do it so the people will see that I’m not just doing this to be sitting there pretty.”

NOT TOO LATE. Sa tingin kaya niya ay hindi pa huli na gumawa ng sarili niyang tatak sa industriya ng broadcasting?

Tugon ni Grace, “Yeah. Well the thing is, it’s kinda sad also that all the work that I put into in my career, parang mas kilala pa ako for who I’ve dated before kaysa sa naging trabaho ko.

“Medyo sad yun.

“So ngayon, balik sa trabaho, go. It’s so sad ‘coz I really work hard.”

Ano pa kaya ang gusto niyang i-explore pagdating sa trabaho?

“Eventually, I will move up in doing crimes, politics, and all that.

“Pero ngayon, as I’ve said, I’m under a training period and I really want to make the most out of it.

“So that people will see that this is not something I’m doing to pretend to be credible, but this is something that I really wanted to do from the very beginning of my career.

“And that I’m just following the path that I’ve always wanted to do seriously—and I’m sincere about it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN