Zsa Zsa Padilla refuses to reveal what's ailing her: "I don’t wanna depress everybody... everybody’s been praying for me, 'tsaka na lang."

IMAGE Arniel C. Serato

Zsa Zsa Padilla on coping with Dolphy's death: “I tweeted it the other day, I cried a little, but I also remember to laugh a little harder. Some days mas grabe yung iyak mo, some days wala, konti lang. Pero alam naman nating lahat, in time, you know, I would be just like the rest who would remember Dolphy and his smile.”


Sunud-sunod ang mga eksena ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla sa last shooting day ng pelikulang I Do Bidoo Bidoo, sa Christ The King Church, noong July 31.

Pero hindi nakitaan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa ng kapaguran, kahit pa bumuhos ang malakas na ulan, na may kasabay pang malakas na hangin sanhi ng bagyong Gener.

Kinahapunan, dumating ang kanyang anak na si Karylle. Sabi ng young singer-actress sa PEP, sinusuportahan lang daw niya ang ina sa shooting nito.

“Media ako ngayon, photographer ng mommy ko!” sabi ni Karylle, sabay tawa nilang dalawa.

Nagmasid lang si Karylle habang kinukunan ang eksena ng ina sa may simbahan. Nagmistula nga siyang photographer dahil wala siyang tigil sa kakalitrato kay Zsa Zsa.

DOLPHY'S IMAGE. After the take, inusisa ulit ng PEP si Zsa Zsa tungkol sa imahe ni Mang Dolphy na nakunan niya umano sa CCTV (closed-circuit television) niya.

(CLICK HERE to read related story.)

Kuwento ni Zsa Zsa, hindi naman masyadong malinaw ang imahe, pero alam niyang ang yumaong Comedy King ito.

“Yung image, parang pag tumingin ka sa clouds, parang ganun.

“It comforts me. I don’t know if it was really him or it’s a trick—but I know it was him.”

COPING WITH HER LOSS. Paano siya nagko-cope sa sitwasyong wala na ang kanyang partner?

Sagot ni Zsa Zsa: “I tweeted it the other day, I cried a little, but I also remember to laugh a little harder.

“Some days mas grabe yung iyak mo, some days wala, konti lang.

“Pero alam naman nating lahat, in time, you know, I would be just like the rest who would remember Dolphy and his smile.”

ZSA ZSA'S ILLNESS. Noong July 25, sa ika-84 birthday sana ni Mang Dolphy, isang salo-salo ang inihanda ni Willie Revillame para sa pamilya Quizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

Pero hindi nakadalo si Zsa Zsa dahil nagkasakit ito.

Paliwanag ng singer-actress, “I had some pain in my left kidney, tapos nagsu-shoot up yung pain sa left leg ko, and when I take the medication for it, it makes me groggy.

“Yun, nag-excuse na lang muna ako.”

Pero ayaw munang ipaalam ni Zsa Zsa kung ano ang findings ng mga doktor sa kanyang karamdaman.

Aniya: “I’m sorry I can’t ano… I don’t wanna depress everybody... everybody’s been praying for me, 'tsaka na lang.

“But for now, I’m so happy that I have an angel with Dra. Vicki [Belo], kasi aayusin niya yung treatment ko sa U.S.”

Nakatakdang lumipad papuntang Amerika si Zsa Zsa sa August 11.

Bukod sa bakasyon ay magpagamot na rin doon ang Divine Diva sa naramdaman niyang sakit sa kidney.


AN INSPIRATION TO OTHERS. Maraming mga papuri ang natanggap ni Zsa Zsa sa ipinakita nitong katatagan, mula nang maospital hanggang sa yumao na ang King of Comedy.

Ano ang reaksiyon dito ni Zsa Zsa?

Aniya: “Siyempre, nagpapasalamat ako and I hope to be an inspiration to people, lalo na yung mga kababaihan, na of all ages…

“Kasi may mga kilala din akong batang-bata pa na kasama lang nila sandali yung kanilang mga asawa, may baby na sila, and they have to be a head in their family.

“I just want to inspire all of you that we can do it, you know, if we really try harder.

“Kasi, you know, it’s really hard.

“Pag feeling mo talaga na hindi mo na kaya, you just push yourself a little further.

“And, of course, all these is made possible with all… so many friends that you have, your family who is also supporting you, and, of course, yung prayer talaga—always, always pray.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DOLPHY IN HEAVEN. Sa ngayon, masaya na raw si Zsa Zsa dahil sa palagay niya'y nasa langit na si Mang Dolphy.

Sabi niya: “I always imagine him being around, so yun lang.

“Sabi nga nila, sa dami ng nagdasal para sa kanya, dumiretso na siya sa langit.

“Sabi naman nung iba, marami ang nagpaparamdam pag restless pa sila.

“I don’t think he’s at that phase, e. He’s very, very happy.

“Nung state ko na parang nabangungot ako, awake in the sleep, kumakanta lang siya sa akin, kasama niya si Tito Panch [Panchito], kaya I think he’s very happy where he is now.

“And I’m assuming he’s in heaven.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN