Epy Quizon prays for Zsa Zsa Padilla’s cyst to disappear: “Since her cyst is the size of a golf ball… I will pray na ma-O.B. itong golf ball na ito at hindi na makita uli ang bola.”

IMAGE Noel B. Orsal

“She is a big part of the family because she has been there through thick and thin. She’s been beside my dad. She took good care of my dad. In the same light, the family promises to be here, to be beside there, and we will be there to keep her strong until she goes through this trial,” pangako ni Epy Quizon ng suporta kay Zsa Zsa Padilla.


Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema One kay Epy Quizon kahapon, Agosto 20, sa 4th Pidol’s Golf Cup na ginanap sa Eastridge Golf Course sa Binangonan, Rizal, aminado ang aktor na nagulat ang kanyang buong pamilya sa pumutok na balita nung Linggo, Agosto 19.

Noon kasi nailathala na may Stage 1 kidney cancer si Zsa Zsa Padilla, ang partner ng kanilang yumaong ama na si Dolphy.

“Actually, kami din, nagulat din kami. Ako nagulat ako, kagabi ko lang talaga nalaman.

“Well, of course alam na namin nung funeral service pa lang na mayroon siyang cyst the size of a golf ball.

“Hopefully, this is curable. Hopefully, the doctor can do something about this,” pag-asam ni Epy.

“Of course, we are behind her on this trial. Nakasuporta ang buong pamilya.

“Later, mag-o-offer ako ng prayer for her fast recovery.

“Mayroong saying sa golf, ‘Um-O.B. yung bola.’ Nawawala, e.

“So, since her cyst is the size of a golf ball, and since I have a golf tournament now, I will pray na ma-O.B. itong golf ball na ito at hindi na makita uli ang bola,” paghahalintulad pa ni Epy sa golf ball na “Out of Bounds” (O.B.) sa cyst na nakita kay Zsa Zsa.

A BIG PART OF THE FAMILY. Nararapat lang naman daw na mag-alala siya at ang kanyang buong pamilya sa nadiskubreng karamdaman ni Zsa Zsa.

“Of course. She is a big part of the family because she has been there through thick and thin.

“She’s been beside my dad. She took good care of my dad.

“In the same light, the family promises to be here, to be beside her, and we will be there to keep her strong until she goes through this trial,” pangako ni Epy.

“Actually, kaninang umaga tinext ko siya. Di pa kami nakakapag-usap talaga, pero kaninang umaga nung nalaman ko siya kagabi, tinext ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘The family is praying for her, that we are beside her, behind her in this trial.

“Hayun, nag-respond siya, ‘Thank you, Epy.’

“Ang pakiusap ko lang din sa lahat, kung ano ang prayers na 'binigay ninyo sa pamilya namin, sana i-extend ninyo rin para kay Zsa-Zsa.

A BEAUTIFUL PERSON. “She’s a beautiful person, and like what I have said, she has been with the family, she’s one of the pillars of the family that kept the family together, kept the family bond strong.

“She’s a very big part of that strengthening the bond of the family,” sabi pa ni Epy tungkol sa Divine Diva.

Muli, nagpaabot ng mensahe si Epy kay Zsa Zsa.

“Zsa, we will be praying for you. The family is behind you all the way, nandito lang kami.

“Keep the faith. I know you’re a strong-willed person and you can fight this thing off.

“Like a golf ball, io-O.B. natin itong bolang ito para hindi na bumalik,” muling tukoy ni Epy sa mala-golf ball na cyst sa kidney ni Zsa Zsa.

PIDOL GOLF CUP. Tungkol naman sa golf tournament ni Epy, pagpapatuloy lang daw ito ng nasimulan nila ng kanyang ama, apat na taon na ang nakararaan.

“Actually, I have been playing golf, probably seventeen years…

“Nung binuksan namin yung Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation, mga five years ago, kasabay nung libro ni Daddy at nung mag-80th birthday siya, nag-decide kami na gumawa ng golf tournament.

“Nag-decide akong gumawa ng golf tournament to raise funds for the foundation.

“This is the 4th Pidol’s Cup and na-conceptualize ko ito nung January pa.

“Usually, November ito, e. Pero this year, gusto naming i-celebrate on my dad’s birthday week.

“Pero di na siya umabot ng birthday niya, so pinush na lang namin after ng 40th day niya,” pagsasalaysay ni Epy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BENEFICIARIES. “Ang beneficiary namin ay the Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation.

“Yung huling golf tournament, we have scholars, livelihood programs sa Reyes Cutters.

"We have eight scholars from the Sendong victims na ngayon, may mga trabaho na,” pagbanggit pa ni Epy sa bagyong Sendong na nanalasa nung isang taon sa bandang Mindanao, at kumitil nang mahigit sa 1,200 na buhay.

“Ngayon we have ten scholars sa Reyes Cutters, and the other ten, kay Joey Aguada sa call center schools.

“Now we have twenty scholars. Baka kumuha rin kami sa mga habagat victims,” paglalahad pa ni Epy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN