Zsa Zsa Padilla's kidney operation a success; Eric Quizon and Kris Aquino pray for her quick recovery

IMAGE Noel B. Orsal

Nag-tweet ang anak ni Zsa Zsa Padilla na si Zia Quizon na matagumpay na naalis ang tumor sa kidney ng kanyang ina sa operasyong ginawa rito sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California, ngayong araw. Sa isang interview naman kahapon sa kaibigan ni Zsa Zsa na si Kris Aquino, ipinagdarasal daw nito ang mabilis na paggaling at pagbabalik sa trabaho ng Divine Diva.


Dalawang oras na ang nakararaan, nag-tweet sa kanyang Twitter account ang anak ni Zsa Zsa Padilla na si Zia Quizon na successful ang operasyon ng kanyang ina sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California.

Naalis na ang mala-golf ball sa laking tumor na namuo sa loob ng kidney ni Zsa Zsa, sanhi ng pagkakaroon niya ng Stage 1 kidney cancer.

Tweet pa ni Zia, "As far as the doctors could tell, it has not spread anywhere else. Thank you everyone for your prayers and your support."

Kahapon, August 26, na-interview sa Cinema News One sina Eric Quizon at Kris Aquino.

Si Eric ay anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy, na naging partner ni Zsa Zsa sa loob ng 23 taon, habang si Kris naman ay malapit na kaibigan ng singer-actress.

Hopeful ang dalawa na malalagpasan ni Zsa Zsa ang matinding pagsubok na ito sa kanyang buhay.

Kuwento ni Eric, noong April pa ng taong ito niya nalaman ang maselang kalagayan ni Zsa Zsa.

“Ayaw niyang ipagsabi ang sakit niya because ayaw niyang mag-worry ang dad namin," salaysay ni Eric.

“So, tinago talaga ni Zsa Zsa sa lahat…until nga after my dad’s death."

Matatandaang nagpahiwatig si Zsa Zsa sa PEP noong August 4, 2012, tungkol sa kanyang dinaramdam pero hindi na siya nagbigay ng detalye. (CLICK HERE to read related story.)

Pagkuwento pa ni Eric, “Nagpa-check up ulit siya at sinabi nga niya na lumaki na raw yung bukol sa kidney niya.”


EVERYBODY’S CONCERNED. Natural lang daw na maging concerned si Eric, pati na ang ibang mga kapatid niya, dahil parte na ng Quizon family si Zsa Zsa.

“Zsa Zsa is somebody we need to be all concerned about.

“She’s part of our family and we will do everything para masiguro namin that she will be taken care of.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung ibang mga kapatid ko nga, na nasa Amerika, they will drop by sa Los Angeles para bisitahin si Zsa Zsa.

“Ganyan kaming lahat na nagpapakita ng concern sa kanya,” diin ni Eric.

Bilib si Eric sa will power ni Zsa Zsa, at alam nilang lahat na hindi pa nakaka-recover ito emotionally sa pagkawala ni Dolphy.

Pero ramdam naman daw nila ang tapang at ang kakayanan ni Zsa Zsa na malagpasan ang pagsubok na ito ngayon.

“I know Zsa Zsa will overcome this,” paniniwala ni Eric.

“Kung nakaya niya ang nangyari kay Dad for such a long time, walang reason para hindi niya kayanin ito ngayon.

“Umaasa kaming lahat that Zsa Zsa will pull through from this condition, and makakasama na ulit namin siya as she recovers.”


FROM KRIS AQUINO. Ang tinaguriang "Queen of All Media" ng ABS-CBN naman na si Kris Aquino ang masasabing best friend ni Zsa Zsa sa showbiz.

Kaya updated si Kris sa mga nangyayari kay Zsa Zsa bago ito maoperahan.

“Nagkausap kami nang matagal and she sounded optimistic.

“Ipagdasal po nating lahat si Zsa Zsa because she needs our prayers and support sa pagkakataong ito,” pakiusap niya.

Si Kris na rin ang nagbalita na nakaalis na si Karylle, ang anak ni Zsa Zsa kay Modesto Tatlonghari, para samahan ang ina habang nagpapalakas ito pagkatapos maoperahan.

Nandoon na si Zia Quizon, ang anak ni Zsa Zsa kay Dolphy, at ito ang nakasama ni Zsa Zsa noong magpa-check-up sa Cedars-Sinai.

Kasama rin nila roon si Dra. Vicki Belo.

“Iba talaga if you are surrounded by family na mahal na mahal ka talaga.

“Maganda nga na magkakasama silang lahat doon… it will make the recovery faster and better,” tuwa pa ni Kris.

Hindi tumitigil si Kris sa kanyang pagdasal sa mabilis na paggaling ng kanyang best friend.

Sabi niya, “I am really praying that after the procedure, as soon as she gets back, she’s in the best health possible.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ZSA ZSA’S LATEST MOVIE. Nagawa pa ni Kris na i-promote ang movie ni Zsa Zsa na I Do Bidoo Bidoo na magbubukas na sa August 29.

“Watch naman ninyo ang movie niya, ha?

“Nag-promise kasi ako kay Zsa that I will help in promoting her movie with Ogie, Gary, and Uge."

Sina Ogie Alcasid, Gary Valenciano, at Eugene Domingo ang co-stars ni Zsa Zsa sa nabanggit na pelikula.

“Kasi alam ko na pinaghirapan niya iyon nang bonggang-bongga.

“Kaya I’m not only praying for Zsa Zsa’s health but also the success of her movie,” pagtatapos pa ni Kris Aquino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN