Bea Alonzo is thrilled by Zanjoe Marudo's intention to marry her: "Mabuti naman kung ganun, at least seryoso ang relationship namin."

IMAGE Noel Orsal

Bea Alonzo (in photo) and John Lloyd Cruz just arrived from Vienna, Austria where scenes for their new teleserye, A Beautiful Affair, were shot. The new ABS-CBN teleserye revives the Bea-Lloydie loveteam as another movie is being planned.


Sa presscon ng Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme noong Lunes, May 28, sinabi ni Zanjoe Marudo na masaya at kuntento siya sa relasyon nila ng girlfriend niyang si Bea Alonzo.

Ilang taon mula ngayon ay balak na raw niyang pakasalan ang aktres.

(CLICK HERE to read related story.)

Hindi naman itinago ni Bea ang kasiyahan sa sinabing ito ng boyfriend nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kinagabihan ng Lunes, May 28.

Aniya, “E, siyempre masaya. Mabuti naman kung ganun, at least seryoso ang relationship namin.

“Ako, I’m super happy with our relationship.

"Five years from now? Oo, mga ganun.”

BALIK-LOVETEAM. Dumating si Bea kasama si John Lloyd Cruz mula sa Vienna, Austria, kung saan sila nag-shooting para sa bagong serye ng ABS-CBN na A Beautiful Affair.

Sa seryeng ito muling itatanghal ang Bea-Lloydie loveteam pagkatapos ng maraming taon.

Sa pagbabalik-tambalan nila ni Lloydie bilang loveteam, tinanong ng PEP si Bea kung ano ang dapat abangan ng mga tagahanga nila.

“Okay naman, na-achieve namin ang mga dapat naming ma-achieve and hopefully maganda yung kalabasan.

“Yung mga importanteng eksena, yung first week namin, mga 80 percent were shot there.

“Sobrang ganda ng lugar!

"Alam mo yung tipo na hindi ka man hopeless romantic, dito sa lugar na pinuntahan namin, magiging romantiko ka, e. Ganun ka-romantic yung lugar.

“Basta different siya sa ibang mga TV series na nagawa namin.

“If I’m not mistaken, mga apat na taon na kaming hindi nagkakatrabaho, so iba talaga siya."

NOTABLE CHANGES. Ayon pa kay Bea, malaki ang nakita niyang pagbabago kay John Lloyd pagkaraan ng ilang taon nang huli silang magkatrabaho.

“Oo naman, saka palaki siya nang palaki bilang aktor.

“Naabot na niya ang mga gusto niyang maabot, saka parang nagko-contradict yung familiarity saka yung bago.

“Parang may familiarity rin kami sa isa’t isa na parang, ‘Uy, familiar ang tingin na yun, familiar yung boses na yun, familiar yung kilos na yun.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang pelikula ang pagsasamahan nina Bea at John Lloyd bukod sa teleseryeng sinisimulan na nilang gawin.

“We are doing a movie together and they will see us again.

“It’s gonna be shown in August."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN