Zanjoe Marudo on settling down with girlfriend Bea Alonzo: “Siguro mga ano pa... mga five years pa, pataas.”

IMAGE Noel Orsal

Zanjoe Marudo explains difference of kissing scenes in comedy and romantic movies: “Kasi kiss yun, e. Dapat yun, may feelings, e. Kahit pa nakakatawa, kailangan matawa yung tao."


Matindi ang excitement ni Zanjoe Marudo sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikula nila ni Eugene Domingo, ang sequel ng Kimmy Dora na Kimmy Dora and the Temple of Kyeme.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe sa presscon ng pelikula kahapon, May 28, sa Dolphy Theater, kung bakit ganun na lang kalaki ang malasakit niya sa kapakanan ni Eugene para sa pelikula.

Paliwanag ng Kapamilya actor, “Siguro dahil sa tagal na rin naming magkatrabaho.

"Nagpapasalamat ako na napasama ako doon sa unang Kimmy Dora na talagang tawa ako nang tawa, hindi ko pa napapanood sa sinehan.

“Saka alam mo yun, wala pang Kimmy Dora, magkasama na kami. Siya yung kasama at kausap ko lagi.

"Naging close kami dahil ang dami na rin naming pinagsamahan na pelikula.

“Sincere, e, sincere yung pagkakaibigan namin. Yung paano niya ako tratuhin bilang katrabaho, bilang kaibigan.

“At naniniwala siya sa akin.

"Lahat ng pelikula, lahat ng mga gagawin niya, gusto ko talaga mag-hit.”

“SEXIEST ACTOR.” Nilinaw ni Zanjoe na hindi niya first time na matrato nang mabuti ang kanyang leading lady, kaya naman ganun na lang ang papuri niya kay Eugene.

“Hindi naman. Maarami namang mababait sa akin sa industriya— mga director, mga artista, mga katrabaho.

“I mean, kahit hindi kami magkatrabaho, magka-text kami, nagbibiruan kami.

“Parang ‘pag nagkikita kami, parang natutuwa kami, lalo na ‘pag nalaman naming magkasama kami sa isang project kahit hindi kami magka-partner.

“Siguro, para manggaling sa isang artista na natutuwa siya sa akin, masaya ako.”

Ayaw bigyan ng kahit na anong interpretasyon ni Zanjoe ang deskripsyon sa kanya ni Eugene bilang pinaka-seksing lalaking aktor sa paningin niya.

May mga nagdududa sa sinseridad ni Eugene sa pagsasabi niyang “sexiest actor” si Zanjoe dahil nasa kainitan kasi ngayon ng promo ang kanilang pelikula.

Pero okey naman si Zanjoe at hindi na niya iniisip kung totoo o hindi ang deskripsyon sa kanya ni Eugene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng aktor, “Tinatanggap ko na yun ‘pag sinasabi sa akin. Hindi ko na inaalam kung totoo ba yun o hindi.

“Pero si Uge [palayaw ni Eugene] wala namang binibitiwan lalo na ‘pag off-cam.

“Hindi naman siya komedyante na… seryoso siyang sumagot, hindi siya yung napapanood natin sa pelikula na ano...

“Malayo siya doon, malayung-malayo."

KISSING SCENES. Balitang mas passionate ang kissing scene nila ni Eugene sa sequel ng Kimmy Dora.

Saan ba mas kampante si Zanjoe—sa kissing scene sa isang comedy movie o sa kissing scene sa isang romantic movie?

“Actually, enjoy naman ako pareho. Kasi parang parehong kissing scene yun at nasa character mo yun.

“Nasa eksena kung paano gagawin yun at kung paano gawin yun na nagki-kiss kayo na masakit.

“Or meron naman in love or meron namang natutuwa. Sa comedy, naman ibang trato rin.

“Ginagawa ko naman yung ganun [kissing scene] dahil hinihingi sa eksena.

“Hindi ko naman iniisip na, ‘Uy, may mahahalikan!' or 'Uy, makikipag-kiss ako!’ Hindi naman gano'n ang takbo ng utak ko.”

“Mas mahirap din,” na ang tinutukoy ay ang comedy kiss.

“Kasi kiss yun, e. Dapat yun, may feelings, e. Kahit pa nakakatawa, kailangan matawa yung tao.

“Saka kaya naman nagki-kiss ang tao dahil umabot na sila sa puntong kailangan nilang gawin yun…

“Dahil mataas na yung nararamdaman nila sa isa’t isa sa eksena.”

STILL HOT. Walang dudang umaapaw sa kasiyahan ang puso ni Zanjoe sa kasintahan niyang si Bea Alonzo dahil sa mismong presscon ay ipinangalandakan nitong masayang-masaya siya sa piling ng aktres.

Paano ba siya alagaan ni Bea at ganun na lang ang laki ng pag-ibig nito sa kasintahan?

“Maalaga si Bey [tawag niya sa aktres]. ‘Pag nagmahal siya talagang… alam mo yun?

“Parang ang suwerte-suwerte ko, ganun yung pakiramdam. Ipaparamdam niya na mahalaga ka sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang masarap na feeling, nararamdaman ko talaga, e.

“Lagi akong una sa isip niya, lalo na ‘pag wala siyang trabaho, wala na siyang ibang... gusto niya magkasama kami, gusto niya makausap niya ako.

“So, ang sarap sa pakiramdam. Alam mo yung lagi kang hinahanap?”

NO WEDDING PLANS. Bagamat umaapaw sa pag-ibig ang relasyon nina Zanjoe at Bea, hindi pa raw nila pinag-uusapan ang kasal.

“Hindi pa naman. Pero ano naman… yung utak ko, nasa pagtatrabaho ng mabuti para sa future, di ba?

“Para mag-ipon nang mag-ipon para may magandang future sa pamilya.”

Ilang taon pa bago siya lumagay sa tahimik

“Siguro mga ano pa, mga five years pa, pataas,” sagot ni Zanjoe.

Pinag-usapan ba nila ito ni Bea na after five years pa?

“Hindi naman, hindi naman. Sa akin lang yun.

"Pagdating ng five [years] pipilitin ko na talaga.”

“Si Bey, marami pa rin siyang trabaho. Pero actually, malapit na rin kami sa tamang edad, di ba? Sana walang mangyaring masama.”

TRUE LOVE. Marami na ring pinagdaanang relasyon si Zanjoe, pero parang kay Bea niya nahanap ang tunay na kahulugan ng love.

Sabi nga niya, “Siguro, dumating na rin ako sa puntong ganitong edad na talagang wala naman…

“Hindi naman na parang maglaro, magkagusto nang magkagusto lalo na sa mga magagandang babae…

“Lalo na dito sa industriya na marami kang makikitang mga babae na nakakatrabaho, magaganda.


“Siguro natapos na rin ako sa puntong, ‘Uy, gusto kong ligawan ito, gusto kong maging girlfriend ito.’

“Basta ako, trabaho na lang ako nang trabaho.”

Ngayon niya lang naramdaman ang ganito para sa isang babae?

“Mas nag-mature na kasi, e. Alam mo yun?

“Siguro mas nag-mature na yung isip ko lalo na pagdating sa relasyon.

“Ang pangit naman kung 30-plus ka… kung aabot pa ako ng 30, or 40-plus na ako, laru-laro pa rin ang gagawin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di na bagay sa edad ko.”

E, di masuwerte naman pala si Bea dahil nakahanap siya ng lalaking gaya ni Zanjoe na seryoso sa pakikipagrelasyon?

“Yes!” mabilis na pagsang-ayon ni Zanjoe.

“Sana, sana na naman talaga maging ano na, yun na… eto na yung huli.”

ADJUSTMENT PERIOD. Masuwerte rin naman si Zanjoe dahil siya ang napili ni Bea para maging boyfriend gayong napakaraming lalaki ang binasted ng aktres.

“Siguro, wala. Hindi ko naman inaano, e. Ang nangyari sa amin, hindi ko naman plinano.

“Hindi naman yung, ‘Oy, liligawan ko siya. Maganda si Bea, liligawan ko, kikilalanin ko.’

“Nagsimula ‘yan no’ng nagkakilala kami sa isang birthday, naging magkaibigan kami, naging close kami, na-in love. Yun!”

At sa higit isang taon na nilang magkasintahan, lalo raw nakita ni Zanjoe ang kagandahan ng pagmamahalan nila sa isa’t isa ng aktres.

“Ang maganda sa amin, meron kaming ginagawa dati na no’ng nagkakilala kami, nag-adjust kami sa isa’t isa.

“Meron kaming mga ginagawang bagay para mapasaya ang isa’t isa.

“Si Bea, mas nag-adjust siya ng konti para sa akin… Kasi ako, medyo kulang ako sa pagiging sweet.

“Hindi ako ganun dati. Ngayon, nag-adjust ako.”

LOVERS' QUARREL. Nabalita na nag-break sila ni Bea, pero hindi ito binigyang pansin nina Zanjoe dahil hindi naman raw totoo.

“Kung totoo yun, baka mag-react ako kung paano nalaman. Pero wala e, wala talagang katotohanan," sabi niya.

Ano ba ang rason ng minsan nilang tampuhang dalawa?

“Simpleng bagay lang. Hindi kami nag-aaway.

“Mga maliliit na bagay lang na kaartehan na nami-miss lang isa’t isa kaya minsan nag-aaway.”

Alam ni Zanjoe ang nangyari sa magkasintahang Derek Ramsay at Angelica Panganiban, na parang wala nang makakapagpahiwalay sa isa’t isa pero nag-break din ang dalawa.

Ganito rin ka-intense ang pagmamahalan nina Bea at Zanjoe at nakakatakot ang ilan na baka wala rin magtapos ang relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga, e. Dito sa industriya, ganun yung mga nangyayari. Ang dami naming nabibitiwang salita, ang dami naming sinasabi.

“Totoo naman, sa pagkakataong ito, yun naman talaga yung nararamdaman namin.

“Pero normal rin naman kaming tao na minsan nagkakaproblema rin. Hindi naman natin masisisi.

“Pero ayaw rin namin na dahil sinabi namin dati, paninindigan pa rin namin kahit hindi na kami masaya, di ba?”

Tiwala lang daw ang pananggalang nina Zanjoe at Bea sa isa’t isa para hindi raw magulo ang kanilang relasyon.

“Doon rin naman nagsisimula talaga yun, e.

“Kailangan niyang magtiwala, kailangan mong magtiwala sa kanya, kailangan ninyong magtiwala sa isa’t isa para mag-work.

“Kasi kung magseseselos kayo sa isa’t isa, mapapagod at mapapagod kayo—doon nagsisimula yun.

“Pero kung totoong mahal ninyo ang isa’t isa, walang magiging problema," saad niya.

Paano niya nakikita ang kasal nila ni Bea?

“Hindi ko pa nakikita, marami pang puwedeng mangyari… marami pa akong maiisip.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN