Zanjoe Marudo trusts girlfriend Bea Alonzo will not fall for her co-star John Lloyd Cruz: “Kung gusto ng dalawang tao na may mangyari, nasa kanila yun.”

IMAGE Noel B. Orsal

“Actually, kung kilala mo yung tao, kung nagtitiwala ka sa tao, kahit sino pa yung lalaking kasama niya, di ba?” says Zanjoe Marudo about the trust he has for girlfriend Bea Alonzo.

Zanjoe denies rumors that he and Bea has already broken up.


Para sa Kapamilya hunk actor na si Zanjoe Marudo, ang current girlfriend ngayong si Bea Alonzo ang natatanging hiyas ng buhay niya at puso.

Maituturing niya rin daw na pampagana ang kasintahan.

“Simula nang makilala ko si Bea, maalagang tao.

“Parang hiyas namin, hindi mabubuhay yung tribu kung mawawala yung hiyas. Nalulungkot sila, naghihirap sila, nagugutom sila.

“Ako rin ganun siguro, malulungkot ako, magugutom ako, wala akong ganang kumain kung mawawala sa akin si Bea. Kumbaga, mawawalan ako ng gana,” sabi ni Zanjoe.

Ang tinutukoy ni Zanjoe na hiyas o gem ng tribu ay may kinalaman sa bagong panghapong teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan nila ni Megan Young, ang Precious Hearts Romances Presents Hiyas, na mapapanood na sa Kapamilya Gold simula sa Lunes, May 28.

Nagkaroon ito ng presscon kahapon, May 22, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound kung saan nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Zanjoe.

Tanong pa kay Zanjoe, paano naman niya iniingatan si Bea bilang isang hiyas para hindi na ito mawala sa kanya?

“Ipa-padlock ko,” biro niya. “Siyempre aalagaan mong mabuti. Mamahalin mo para hindi mawala sa iyo, di ba? Bibigyan mo ng importansiya, irerespeto mo.

“Ibigay mo kung ano yung mga nararapat para hindi siya mawala sa iyo.

“Parang nangyari sa tribu namin, hindi iningatan ang hiyas, nawala, kaya nagkaproblema.

“Ganun lang,” patuloy ni Zanjoe.

Kung ikukumpara niya sa isang hiyas si Bea, ano ito?

“Wala, kasi nag-iisa lang siya. Wala siyang katulad.

“Ayokong ikinu-compare siya sa iba. Siya ang natatanging hiyas ko,” matalinhaga pang sabi ng binatang aktor na tubong-Batangas.

BREAKUP ISSUE NOT TRUE. Bakit sa tingin niya tumatagal ang relasyon nila ni Bea? Ano ang sikreto?

“Ako nga rin nagulat ako nung tinanong ako, e.

“Pero ewan ko, parang pakiramdam ko, bago pa lang kami hanggang ngayon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang nagsisimula pa rin. Ganun yung feeling, na ayaw naming malayo nang matagal sa isa’t isa.

“Ewan ko. Siguro nag-match talaga [kami],” ani Zanjoe.

Kamakailan ay pinag-usapan ang balitang hiwalay na raw sila ni Bea. Pero pinabulaanan lang ito ni Zanjoe.

Hindi raw totoong break na sila, pero totoong magkahiwalay sila dahil nasa Vienna, Austria si Bea ngayon kasama si John Lloyd Cruz para sa taping ng pagsasamahang bagong teleserye na pinamagatang A Beautiful Affair. Naiwan naman si Zanjoe dito sa Pilipinas para sa Hiyas.

Nainis ba siya sa isyu na break na raw sila?

“Hindi naman. Normal lang naman yan dito sa showbiz,” sagot ni Zanjoe.

Nagulat ba siya na may lumabas na ganitong isyu?

“Hindi naman. E kasi magugulat ako kung totoo, tapos nalaman nila, di ba? E, hindi naman totoo.”

Bakit sa tingin niya tila mahirap mag-maintain ng relationship sa showbiz at madalas pa ngang nauuwi rin sa hiwalayan?

“Hindi lang naman sa showbiz, e. Sa totoong buhay, normal namang nangyayari lahat iyan.

“Pag hindi naman talaga kayo meant o hindi kayo nagkakaintindihan, hindi talaga kayo magkakatuluyan,” katuwiran ni Zanjoe.

“Ang problema lang pag nasa showbiz, mas naha-highlight kasi kailangang malaman ng fans, kailangang malaman ng tao.

“At saka nasa pag-uusap naman iyan, e. Kung paano kayo magkakaintindihan pagdating sa trabaho.

“Yung mga naghihiwalay naman, siguro hindi dahil sa hirap ng trabaho sa showbiz. Siguro dahil lang din yun sa mga ugali nila na hindi sila nagkakaintindihan.

“Siguro nawawala na rin yung feelings, di ba?

“Ako naman, ang daing ko lang minsan sa showbiz, yung time, e.

“Kasi minsan, sobrang busy n’yo, hindi na kayo nagkikita. Hindi na kayo nagkakasama.

“Minsan, ang bilis uminit ng mga ulo, kasi nga minsan na lang kayo magkita.

“Minsan, naiinis ka dahil nami-miss mo yung tao, e. Hindi dahil naiinis ka dun sa tao, yung ganun,” lahad ng 29-year-old na binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano sila nagkakaroon ng komunikasyon ni Bea lalo na ngayong magkalayo sila?

“Bago siya umalis, nag-usap kami na kung may time na puwede siyang tumawag o puwede ko siyang tawagan, kailangan gawin namin para alam niya na parte pa rin siya ng buhay ko rito sa Manila. Tina-try din naming mag-Facetime yung sa iPhone.”

Gaano katagal si Bea sa Vienna?

“Two weeks siya roon. Tapos pagbalik niya, papunta naman ako ng Baguio, tapos siya papunta naman ng Barcelona. So, matagal-tagal din kaming hindi magkakasama.”

NO JEALOUSY ISSUE. Tinanong ng PEP kung ano naman ang reaksyon ni Bea sa pakikitambal ni Zanjoe kay Megan. May selosan ba, lalo na’t marami raw daring scenes sila ng kapareha?

“Wala naman, okay naman siya,” pagbabale-wala ni Zanjoe tungkol sa isyung selosan.

“Kami naman, wala naman kaming pag-uusapan pagdating sa trabaho. Kahit anong role pa iyan, hindi kami yung kailangan mong ipaalam o kailangan mong ipaliwanag ang bawat ginagawa. Hindi namin sinananay ang isa’t isa na ganun.”

Wala raw naman silang restrictions pagdating sa trabaho.

“Wala. Kasi ako, hindi naman ako nagtatanong kahit ano about sa ginawa niya.

“Siya rin, hindi rin siya ganun sa akin.

“Minsan may mga pa-cute na paselos. Pero mga pa-cute-pa-cute lang yun,” nangingiting sabi ni Zanjoe.

Sigurado raw si Zanjoe na hindi pagseselosan ni Bea si Megan. Malaki raw ang tiwala nila sa isa’t isa, kaya kahit nasa Vienna si Bea at may ibang lalaking kasama ay walang mangyayaring selosan.

“Actually, kung kilala mo yung tao, kung nagtitiwala ka sa tao, kahit sino pa yung lalaking kasama niya, di ba?

“Kahit anong pilit, kung wala naman talaga. Two-way naman kasi ang tiwala, e.

“Kung gusto ng dalawang tao na may mangyari, nasa kanila yun. Ina-assure naman ako ni Bea na walang ganun.”

Napag-uusapan na ba nila ni Bea ang kasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag pinag-uusapan hindi naman yung serious na usapan. Bata pa naman si Bea. Ako, bata pa rin ako. Wala pa sa isip namin yung mga kasal-kasal,” tugon ni Zanjoe.

Itinanggi rin ng binata na binigyan na niya ng singsing si Bea. Kung sakali man daw na bibigyan niya ito ay engagement ring na raw ang ibibigay niya.

ON NEW TEAMUP. First time magtatambal nina Zanjoe at Megan sa Hiyas. Kumusta naman katrabaho si Megan?

“Okay si Megan. Actually, pag may ibang projects nga ako like indie o ano, si Megan ang nire-request ko na makasama, lalo na at bagay sa kanya yung role.

“Itong Hiyas actually yung first namin na matagal na magkasama kami. Nakatrabaho ko siya dati sa Kokey, sa The Weddings. Pero hindi naman talaga kami magka-partner,” pag-alala ni Zanjoe.

Ikinuwento rin ni Zanjoe ang magagandang qualities ni Megan.

“Ang maganda kay Megan, professional siya pagdating sa trabaho.

“Hindi lang siya professional dahil maaga siyang dumating sa taping. Iba yung professional na alam mo yung istorya, alam mo yung character mo, pinag-aaralan mo. Kahit na alam ko, may iba pa siyang ginagawa noong tine-taping namin itong Hiyas.

“So, hindi siya nagrereklamo na sume-segue-segue. Mararamdaman mo na nandun talaga yung puso niya sa show.

“Ang sarap makatrabaho ng ganun na yung pareho kayong gustung-gusto n’yo yung ginagawa n’yo. So, mas gaganahan ka.”

KING OF PHR. Ano naman ang ang pakiramdam ni Zanjoe na siya ang itinuturing na “Hari ng Precious Hearts Romances (PHR)” dahil ilang beses na rin siyang napabilang sa main cast ng iba’t ibang series nito, gaya ng Kristine at Love Is Only In The Movies?

“Hari agad?” napapatawa si Zanjoe. “Sabi nila yun, e. Di maganda!

“Natutuwa ako na nandun yung pagmamahal sa akin ng unit ni Direk Lauren Dyogi. Lagi nila akong naiisip tuwing meron silang projects lalo na pag PHR.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro pag nagbabasa sila ng pocketbooks ang nai-imagine nila ay ako. Kasi libro lang iyan e. Wala namang picture. Siguro nai-imagine nila yung characters kaya lagi nila akong binibigyan ng PHR.

“Natutuwa naman ako na lagi akong nasa isip nila.

“Ibinibigay ko naman lahat kahit anong project, kahit pang-primetime o panghapon, kahit ano pa ‘yan pare-pareho lang.”

Ano ang aabangan ng mga tao sa kanya dito sa Hiyas?

“Bagung-bago sa akin itong Hiyas, kasi first time kong gumawa ng ganitong role.

“May love story pa rin, pero alam mo yung nasa ibang lugar, na nasa isang tribu?

“Feeling ko kaya rin hinanapan ng magandang timing, kasi hindi nga normal yung ganitong klaseng istorya. Kaya hinanapan nila kung kailan siya babagay.

“Kaya naiintindihan naman namin ni Megan kung bakit hindi agad siya naipalabas,” paliwanag ni Zanjoe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN