Bela Padilla celebrates inclusion in YES! Most Beautiful Stars and FHM Sexiest Women lists

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla on being part of '100' lists of YES! and FHM: “Tama na nga sa akin yung nasa FHM 100 Sexiest ako. Sobra-sobra na ang tuwa ko doon. But to be part of another list, which is the Most Beautiful Stars, it makes everything that I’ve gone through worthwhile. Noong sabihin nga sa akin ‘yon sa magkaibang araw, ang sarap ng feeling!


Naging kontrobersiyal ang pagpasok ng taong 2012 para sa Kapuso star na si Bela Padilla.

Sa unang pagkakataon niyang maging cover girl para sa March 2012 issue ng FHM Philippines, pinutakti na siya kaagad ng intriga dahil sa pag-pose nito kasama ang ilang mga dark-skinned models.

Naakusahan na "racist" ang FHM cover, making it an international headline at pagkaka-interview ni Bela nang live sa BBC News.

Bagamat puno ng controversy ang kanyang first sexy cover, itinuring pa rin ito ni Bela na isang blessing.

Aniya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It didn’t break my spirit. Hindi ako na-frustrate or na-disappoint sa mga nangyari sa akin.

“Inisip ko na lang that I will turn these negative reactions ng mga tao into a positive thing.

“I always see things in a different light. Para sa akin, hindi lang ganito ang isang bagay—I believe that there is good in everything.

“Mabilis lang maghusga ang iba sa mga nakikita nila.”


DOUBLE WHAMMY. Dahil sa pagiging controversial celebrity ni Bela, hindi kataka-takang pumasok siya sa special lists na inilabas ng FHM at YES!—dalawang glossy magazines mula sa Summit Media.

Una ay sa Top 10 ng FHM Sexiest Women na mula sa 77th place last year ay umakyat si Bela sa No. 8 ngayong taon.

Kabilang naman si Bela sa "Sultry" category ng 100 Most Beautiful Stars of 2012 ng YES!; kahilera niya rito sina Sam Pinto, Solenn Heussaff, Rochelle Pangilinan, at Cristine Reyes.

Masaya raw si Bela sa “double whammy” recognition na natanggap niya.

“I am so honored that two top magazines in the country have chosen me to be part of their annual 100 list. Hindi ko po ito inaasahan talaga.

“Tama na nga sa akin yung nasa FHM 100 Sexiest ako. Sobra-sobra na ang tuwa ko doon.

“But to be part of another list, which is the Most Beautiful Stars, it makes everything that I’ve gone through worthwhile.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong sabihin nga sa akin ‘yon sa magkaibang araw, ang sarap ng feeling!

“Good news kasi siya and that’s what we all need to hear parati,” saad niya.

Nakadalo si Bela sa launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars last July 2 sa Richmonde Hotel in Eastwood City, pero hindi siya makakadalo sa FHM Sexiest Party sa July 12.

Paliwanag niya, “As much as I want to be at the FHM event, may out-of-town show ako at matagal nang naka-schedule iyon.

“Gusto ko talagang pumunta pero may trabaho po tayo kaya yun ang uunahin ko.

“But I am very thankful sa FHM for giving me their support, lalo noong magkaroon ng controversy sa cover ko.

“Hinding-hindi ko po iyon makakalimutan.”


NO RIVALRY. Kung sakaling makarampa sa FHM Sexiest Party si Bela, hindi naman daw siya manggugulat sa kanyang isusuot. Mas gusto raw niya na “simple but sexy.

“Nothing over the top naman. Hindi naman ako yung number one, e.

“Wala akong balak na talbugan si Sam Pinto. She’s number one at siya ang may karapatan na umeksena doon nang bongga.

“Tama na sa akin ang simpleng sexy dress. Yung tamang-tama lang para sa mga mata ng mga boys doon.

"Nothing too revealing. Gusto ko pa rin na may konting mystery,” ngiti niya.

HIRAM NA PUSO. Nagpapasalamat din si Bela at nagtapos ang Hiram Na Puso na mataas ang kanilang ratings, at ikinatutuwa ni Bela ang makipagtrabaho sa mga mga veteran stars.

Aniya, “Nagkasama-sama kaming lahat for 18 weeks and I learned so much from my co-stars who are all respected actors—like Direk Gina [Alajar] and Tito Gardo [Versoza]. At siyempre, si Ms. Ayen [Munji-Laurel].

“Every time I act with them, I get something good from them.

“Kami nila Kris [Bernal] and Mark [Herras], we all feel lucky na sa age naming ito ay nakatrabaho na namin sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But the best thing is, we learned a lot from them at kung ano ang natutunan namin sa kanila, maise-share namin sa mga magiging baguhan na artista in the future.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN