Erich Gonzales describes her working relationship with Enchong Dee, Derek Ramsay, and Mario Maurer

IMAGE Photo courtesy of Ghelo Timbang

While Erich Gonzales describes her Corazon leading man Derek Ramsay as "napaka-mature" and her Suddenly It's Magic co-star Mario Maurer as "parang bata," she says it's with her former loveteam partner Enchong Dee that she feels very comfortable. “Yung chemistry talaga is there. And yun, tagal naming nagsama,” Erich says about Enchong.


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erich Gonzales noong Setyembre 10, sa Penthouse Studio, NYS Bldg, Chino Roces Avenue, Makati City, kung saan ginanap ang shoot para sa kanyang advertorial.

Masaya si Erich dahil nag-renew siya ng kontrata bilang celebrity endorser ng camera brand na Olympus.

Katatapos din lamang niyang gawin ang pelikula nila ni Mario Maurer na Suddenly It’s Magic, kung saan may mga eksenang kinuhanan sa Kapurpurawan, Ilocos Norte at Thailand.

Makailang beses na ngang naikuwento ni Erich ang karanasan sa pagsu-shooting kasama ang Thai heartthrob. Naging kaibigan pa nga raw niya ang girlfriend nito na si Gubgib.


LEADING MEN. Napansin ng PEP na masuwerte si Erich sa kanyang mga naging leading men, na karamihan ay mga heartthrob nga.

Tatlo sa mga ito ang ipinalarawan namin kay Erich. Kumusta ba ang naging working relationship niya sa mga ito?

Unahin na natin ang naka-loveteam niyang si Enchong Dee.

“Siyempre, si Enchong ang dami na naming shows together, teleserye... Siya yung first ano ko [leading man] sa Katorse, di ba?

“'Tapos after Katorse, Tanging Yaman, Magkaribal…We even had a movie…movies, yung Paano Ko Sasabihin at I Do.

“So, siyempre, yung level ng pagiging kumportable, andun na. Yun nga, na parang, kahit hindi kami mag-usap, yung pagdating na, 'Action!' Ok.

“Yung chemistry talaga is there. And yun, tagal naming nagsama,” sabi pa ni Erich tungkol kay Enchong.

Iba naman daw mag-alaga sa kapareha ang Corazon: Ang Unang Aswang leading man niya na si Derek Ramsay.

Ayon kay Erich, “Yun, iba naman, kasi napaka-mature niya.

“And siya talaga, napakaano niya…ano yan…gentleman.

"Hindi lang sa akin, sa lahat talaga ng mga babae dun, inaalalayan niya yung mga staff.

“Iba siya mag-alaga at ano, kumbaga, sa lahat, napaka-friendly niya,” dagdag pa ni Erich.

At sa huli naman niyang nakatrabaho na si Mario Maurer, “Si Mario, ang kulit-kulit. Para siyang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang saya niyang kasama, ang light-light lang. Napakaano niya… Ang gaan, ang gaan niya kasama. Masaya.

“At napaka-humble niya talaga.

"And yung kinukuwento niya sa akin na 'pag pupunta siya dito, gusto niya, ipaalam sa mga supporters niya.

“Kasi, in a way, gusto niyang makita, mag-thank you. So, I appreciate kung gaano siya, yung ano niya sa mga supporters niya. Nakakatuwa. Ang bait na bata,” paglalarawan pa ni Erich tungkol kay Mario.

Kahit mas matanda si Mario nang mahigit isang taon kay Erich, parang bata raw ang turing ni Erich sa kanya.

Sino naman kaya ang gusto niyang maging leading man pa sa hinaharap?

“Of course sina... John Lloyd Cruz, I really admire his works. Sobrang galing na artista.

“Lahat, lahat naman. And you know what? Yung sa indie movie, masaya ‘ko dahil makakasama ko, veteran actors.

“Ang dami kong natututunan sa kanila. Kaya parang, I feel so blessed and I love what I’m doing talaga.”

MARIPOSA. Ang tinutukoy ni Erich na indie film ay ang pinakahuling project niya sa ilalim ng direksyon ni Richard Somes na Mariposa sa Hawla ng Gabi.

Ito ay isang entry para sa Cinema One Originals Film Festival na ipapalabas ngayong Nobyembre.

Ang Mariposa ay istorya ng isang probinsiyana na lumuwas sa Maynila upang hanapin ang kanyang kapatid.

Dito niya matutuklasan na ang buhay sa siyudad ay hindi pala tulad ng kanyang inaasahan.


ERICH AS AN ACTRESS. Tinanong naman ng PEP si Erich kung paano niya ba gustong makilala bilang aktres.

“Gusto ko magawa lahat. Open ako sa mga, hindi… Kasi, di ba, may mga projects na parang, may formula? Dapat kailangan ganito, kasi ganyan.

“Ako, gusto ko i-try, yung iba, kakaiba. Yung hindi laging ginagawa.

"At gusto kong gumawa ng project na may kabuluhan. Hindi lang yung…wala lang.

“So, sana mapulutan ng aral. Or, like, parang panggising sa reality yung nangyayari. Yung mga ganung klaseng projects.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin naman kung alin sa mga nagawa na niyang proyekto ang paborito niya, sagot ni Erich, “So far siguro, sa lahat, yung Corazon ang pinaka-challenging.

“Pero, itong ginagawa ko ngayon with Direk Richard, yung Mariposa, ibang klase din.

“And I’m so excited na makita yung ano nito, finished product ba. Yun.

"It’s weird. Dark siya. May violence, ganyan,” paliwanag pa niya.

THANKFUL TO ABS-CBN. Tinanong din ng PEP si Erich kung masaya ba siya sa takbo ng kanyang career sa kasalukuyan.

Sagot niya, “Sobra. I get to do mga projects na, yun nga, kakaiba. And thankful ako sa mga trust na binibigay ng ABS-CBN.

“Although I started, SCQ [Star Circle Quest] was 2004, pero 2005 natapos. Seven years na ‘ko sa business and yung growth ko talaga…

"Fourteen ako nun, hanggang ngayon, 22.

“And ang dami-dami kong natutunan. Marami akong nakakasalamuhang iba’t ibang klase ng tao.

“Kung nasaan man ako ngayon, hindi ko naman ‘to nakuha ng overnight.

“Talagang, naranasan ko lahat.

"Kumbaga, yung…before yung biggest break ko, yung Katorse, yung teleserye, na parang, extra-extra.

“Yung may movie ka na walang lines. Yung parang ganun.”

May nakalatag na rin daw na teleserye para kay Erich ngayon sa Kapamilya network.

Pero sa ngayon ay tinatapos niya pa ang paggawa ng kanyang pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN