Bb. Pilipinas-International Dianne Necio returns home with Miss Web Popularity Award

IMAGE 0


Walang halong pagsisi si Dianne Necio na hindi niya naiuwi ang korona sa Miss International 2011 pageant. Aniya, masaya na siya at patuloy na nagpapasalamat sa natamong special award na Miss Web Popularity dahil bunga ito ng pinaghirapan ng mga kababayang sumuporta sa kanya.


Kagabi, November 17, ay naganap ang homecoming press conference para kay Bb. Pilipinas-International 2011 Dianne Necio sa Gateway Suites sa Quezon City.

Sinalubong siya ni Binibining Pilipinas Charities chairwoman Stella Marquez-Araneta at ilang mga "kapatid" sa patimpalak, gaya ni Bb. Pilipinas 2011 1st runner-up Janine Tugonon.

Masayang-masaya si Dianne nang makaharap muli ang local press matapos mamalagi sa Chengdu, China ng ilang linggo para sa Miss International 2011.

Kabilang si Dianne sa Top 15 semifinalists, at siya rin ang nanalo bilang Miss Web Popularity Award.

Aniya, bagamat na-enjoy niya ang kanyang experience doon, mas excited naman siyang makauwi upang ibalita sa lahat ang kanyang tagumpay.

Nais ding magpasalamt ni Dianne sa humigit 350,000 na Pilipinong bumoto sa kanya sa internet.

Kuwento niya, "Actually, wala nga akong access sa internet sa China.

"Nagkakaroon lang ako ng access 'pag nasa buffet. So, tsine-check ko sa phone ko and nababasa ko yung pinag-uusapan ng tao.

"Nag-uusap sila na 'O, bumoto kayo,' ganyan. 'Wala nang tulugan 'to. Sige lang kahit mahahabol na tayo walang bibitaw.'

"So, parang for me, sobrang saya. Kasi kahit ako, nakakausap ko yung Tita ko, sabi ko, 'Huwag na. Huwag na kayong bumoto kasi baka masayang yung effort.'

"Kasi ayoko na ako yung makaka-disappoint sa mga tao. Pero 'yon, pinagdasal ko pa rin na makuha ko yung award na 'yon, na sana manalo tayo sa internet voting.

"Kasi alam kong talagang pinaghirapan 'yon ng bawat Pilipino. Lalo na yung mga OFW, at siyempre lahat, buong Pilipinas na bumoto.

"Hindi ko alam na gano'n pala yung kaya nilang i-support sa akin, so sobrang thankful ako."

MOST MEMORABLE EXPERIENCE. Hindi naman malilimutan ni Dianne ang kanyang karanasan sa patimpalak.

Aniya, "Siguro every day is a memorable day. Talagang bawat araw, sinusulit namin yung stay namin doon.

"Pero siyempre, yung pinaka-memorable for me is yung pageant night itself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang hindi ko alam kung ano yung napi-feel ko—kung talagang excited ka or kinakabahan ka.

"Hindi mo talaga ma-explain kung ano yung feeling, so kakaibang experience siya for me. Talagang memorable."

Naganap ang Miss International 2011 pageant noong November 6 sa International Tennis Center sa Chengdu.

Bagamat matagal na itong natapos ay ngayon lang nakabalik ng bansa si Dianne.

Kuwento niya, "After the pageant, yung lahat ng mayroong awards, pinag-stay para sa mga sponsors visit and para makapag-tour around Chengdu.

"And 'yon, I am one of the girls, kasi nga I won Miss Web Popularity, so I was asked to stay.

"Masaya kasi mas nagkaroon ng closer bonding with the girls kasi kaunti na lang kami.

"And nakapag-tour din kami sa China nang matagal and we went to Shanghai for one day, so maganda rin yung experience for me.

Naging malapit naman si Dianne sa iba pang contestants tulad nina Miss Lebanon Maria Farah, Miss Sweden Denice Andree, at Miss Russia Elena Chepilchenko na pawang nakapasok din sa Top 15.

Naging kaibigan din niya sina Miss Hong Kong Whitney Hui, Miss Ukraine Oleksandra Kyrshia, at lalo na ang kanyang roommate na si Miss New Zealand Claire Kirby.

Ilang delegates din mula sa Bicol, kasama ang isang tiyahin ni Dianne, and lumipad patungong China upang suportahan ang dalaga sa kompetisyon kung saan 67 na kandidata ang nagtagisan para sa korona.

Sa huli ay itinanghal si Maria Fernanda Cornejo ng Ecuador bilang Miss International 2011.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN