Aiko Melendez surprised that her ex-beau Mayor Patrick Meneses and Ara Mina are rumored to be dating

IMAGE Melo Balingit

Sa sobrang pagkagulat ay napahalakhak na lamang si Aiko Melendez nang marinig ang balitang may relasyon umano ang ex-boyfriend niyang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses at aktres na si Ara Mina. Wala raw siyang ideya na nagde-date ang dalawa subalit alam niyang magkakilala ang mga ito dahil magkabarkada raw sila.


Sa Twitter at ibang social networking sites ay marami ang pumuri at kinilig sa muling pagtatambal nina Aiko Melendez at Jomari Yllana sa episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) na ipinalabas noong Mayo 5.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aiko kahapon, Mayo 14, sa All-Star Golf Cup sa Ayala Alabang Country Club, ay nagpasalamat ang aktres sa suportang ibinibigay sa kanila ng mga manonood.

“Nagpapasalamat kami, kasi actually sa Twitter nga, ang dami naming good feedback.

“And si Vice Ganda, nag-thank you ako kasi isa siya sa kinikilig sa ‘min ni Jom.

“Ganito yata sa Pilipinas, e, kung sino yung naghiwalay, sila yung ano…parang Pops [Fernandez]-Martin [Nievera], di ba, kinikilig pa rin tayo?

“So, parang Jomari-Aiko [ulit] ang dating.”

Ito raw ang unang pagkakaton na muli silang nagkatrabaho ng dating asawang si Jomari sa isang drama project.

Kumusta naman ang muli nilang pagsasama sa trabaho?

“Okay naman kami ni Jom, magaan namang katrabaho and yung rapport namin, di pa rin nagbabago.

“Kasi siyempre, may nakaraan kami, [so hindi] mahirap na kunwari ma-in love ulit sa isang story.”

Dahil sa mainit na pagtanggap ng tao sa tambalan nila ni Jomari, hindi na raw magtataka ang dating Quezon City District 2 Councilor kung sakaling mabigyan siya ulit ng proyekto kasama ang dating asawa.

Aniya, handa siyang tanggapin kung sakaling may mag-alok na gumawa sila ng teleserye ng kanyang ex-husband.

MAYOR PATRICK MENESES. Bukod kay Jomari, isa pang ex-lover ni Aiko ang napag-usapan sa interbyu.

Ito ay si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na kamakailan ay napabalitang karelasyon na umano ng aktres na si Ara Mina.

Pumutok ang balita tungkol kina Patrick at Ara nang magsampa ng kasong libel at grave coercion ang kapatid na si Cristine Reyes.

(CLICK HERE to read related article.)

Sa gulat ni Aiko sa narinig na balita tungkol sa dating karelasyon ay napahalakhak na lamang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nakarelasyon din ni Ara si Jomari Yllana matapos maghiwalay ng aktor at ni Aiko noong 2001.

Ano ang masasabi ni Aiko na tila naulit na naman ang sitwasyon nila ni Ara noon?

“Wala, ayaw ko mag-comment, ‘no.

“At least, di ba, sunud-sunod? Parang follow the leader, di ba?” sabay tawa ng aktres.

“Wala, I mean, kung saan sila masaya, e, ako naman, tapos na ‘yan and ayaw ko makialam sa isyu nila kasi isyu nilang dalawa 'yan, e… and may love, di ba?”

Dagdag pa ni Aiko, ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang balita tungkol kina Ara at Patrick.

Aniya, “Ngayon ko nga lang narinig ‘yan na naging sila.

“Alam ko magbarkada sila, but I don’t know kung sila.

“Kung sila, e, di ayaw ko na mag-comment. Mamaya mademanda na naman ako nang walang katuturan, di ba?"

Ang tinutukoy ni Aiko na demanda ay ang isinampang kasong libel sa kanya ni Patrick noong Abril ng nakaraang taon na agad din namang na-dismiss noong Nobyembre 2011.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Aiko, “I’m very happy na God has been so good to me.

“Last year has been such a bad year for me, but I’m happy to say na slowly naayos ko na lahat ng dapat ayusin and sana tapusin na kung ano man, di ba?

“Alam mo, ako naniniwala ako sa lahat ng mga demanda, sa lahat ng mga gulong ganyan, walang panalo o talo, e.

“Pareho kayong talo diyan dahil perhuwisyo sa oras.

“So, ngayon, lalo na si Mayor Patrick, ang constituents niya dapat ang dapat asikasuhin, di ba, more than anything else.

“And what matters most is you know, tapusin na.”

Nagkausap na ba sila ulit ng dating nobyo matapos ma-dismiss ang kaso?

“I saw him two Fridays ago in a hearing in Q.C.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fact, to him siguro, hindi pa ‘eto ‘yong right time para mag-usap kami kung ano man yung nangyari.

“If that time comes [we will talk]. Ayokong planuhin, e. Gusto ko muna yung nangyari na.

“Kasi sasabihin nila 'pag kakausapin ko, sasabihin na naman nila pinilit ko, na nakikipagplastikan ako.

“Ayaw kong mapagbintangang gano’n.

“So, 'pag nakita ko na lang siya, kausapin niya 'ko pag ready na siya. I’m open for anything.”

Pero ano na ba ang estado ng kanyang puso ngayon tungkol sa nangyaring isyu?

“Para sa ‘kin, nung tinapos ko yung taon last year at pumasok yung bagong taon, lahat tinapos ko ‘yong masasama.

“Kasi gusto ko na mag-move on, e, and part of my moving on is kalimutan ‘yong mga hatred at sakit.

“Kasi magiging plastik ako kung sasabihin kong di ako nasaktan. Sobrang sakit, di ba, ang daming nadamay na tao?

“Pero gusto ko na lang mag-move forward. Ayaw ko nang balikan ‘yong mga masasama.”

Kumusta naman ang pakikitungo niya kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque na isa rin sa nadawit sa kaso? Nagkausap na ba sila ulit?

“Hindi pa kami nagkikita ni Mayor Enrico, pero alam mo, naniniwala ako ang mundo natin or ang bansa natin napakaliit.

“So, eventually, magkikita din kami. Sana mapag-usapan na lang na tama na, di ba?”

RUNNING FOR OFFICE AGAIN. Samantala, nalalapit na naman ang eleksyon at isa si Aiko sa napag-uusapang muling tatakbo sa posisyon sa Quezon City.

Matatandaang noong 2010 ay tumakbo si Aiko para maging Vice Mayor ng siyudad, subalit hindi ito pinalad at natalo sa katunggaling si Joy Belmonte.

May balak bang tumakbo ulit si Aiko ngayong 2013?

“I’m not closing my doors.

“In fact, I have offers to run again and if more of the people of QC would want me back, then why not?” sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong posisyon naman kung sakali ang tatakbuhin ni Aiko?

“I might go back to council.”

Bakit ayaw na niyang tumakbo ulit bilang Vice Mayor?

“Nagpahinga kasi ako ng tatlong taon, e, so I want to be back again sa isang posisyon na ‘yong hasang-hasa na 'ko.

“Then after that, baka higher position na.”

BACK TO SCHOOL. Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng summer break ay pinaghahandaan naman ni Aiko ang pagbabalik-eskuwela ng mga anak na sina Andrei at Marthena.

“Okay naman [ang paghahanda namin], everything’s set naman kasi wala naman akong problema na.

“May high school na ako, 13 years old na si Andrei, 'tapos my daughter naman also is incoming grade one.

“And then, sasabayan ko sila mag-aral din sa June, e, so tatlo kaming estudyante back-to-school.”

Nakatakdang kumuha ng masteral course si Aiko sa darating na pasukan ngunit ayaw niyang banggitin kung anong kurso o kung saang paaralan siya papasok.

“Di ko pa sasabihin kung anong eskuwela. I’ll announce, kasi nakakatawa, e, ang thinking nila, I’m going to take up something to do with politics.

“[But this is] something far beyond politics kasi gusto ko lang talaga madagdagan yung knowledge ko," saad ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN