Child actress Mona Louise Rey says she injects insulin on herself to control diabetes

IMAGE 0


As a child star, Mona Louise Rey has accumulated earnings that she claims are deposited in a bank. Asked if she had saved milllions, she said: “Hindi ko po siya natsi-check kasi, wala po akong time na mag-check. At saka, yung pera ko po, pang-aral ko po. Pambili ko po ng ibang gamit sa school para sa akin.” With Mona Louise in the photo is Princess, her co-star in Aso ni San Roque .


Sa totoong buhay, mayroong alagang aso na Pomeranian si Mona Louise Rey.

Sa bago niyang teleserye sa GMA-7, si Mona ay mayroon ding kasa-kasamang aso na si Princess, isang mixed breed ng Golden Retriever at English Cocker Spaniel.

Ito ang dahilan kung bakit hindi raw siya nahihirapan sa bago niyang pinagbibidahan na primetime series, ang Aso ni San Roque.

Eight years old pa lang si Mona nang gawin niya ang Munting Heredera sa GMA-7.

Mula noon, masasabing hindi na siya nabakante sa paggawa ng mga teleserye.

Sa presscon ng Aso ni San Roque noong Lunes ng gabi, September 3, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Mona.

Banggit niya agad na pag-aartista raw talaga ang hilig niya noong araw pa.

“Masaya po ako,” sabi niya.

“At saka, noong bata pa po ako, dream ko na po talaga yun. 'Tapos, may pinapanood po kami ng ate ko, umaarte po ako sa salamin.”



TALENT EARNINGS. Bago ang Munting Heredera, anim na taon pa lang si Mona ay gumagawa na siya ng TV commercials.

Ang perang kinikita niya ay nilalagay raw niya sa bangko.

Pero nang biruin namin siya kung may milyon na ba ang pera niya sa bangko, natawa ito at sabay sabing, “Hindi ko po alam, e.

“Hindi ko po siya natsi-check kasi, wala po akong time na mag-check.

“At saka, yung pera ko po, pang-aral ko po. Pambili ko po ng ibang gamit sa school para sa akin,” dugtong pa niya.

Ngayong walong taon na si Mona, may hilig na siya sa gadgets.

Sabi niya, “Nakabili na po ako ng iPad, cellphone, iTouch—marami na po, e.

“At saka, marami po akong cellphone.

“Yung iba, pinamigay ko na. Yung iba, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Yung iba naman po, bigay sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



AHEAD OF JILLIAN WARD. Sinubukan naming intrigahin si Mona tungkol kay Jillian Ward.

Si Jillian ay dating co-star ni Mona sa Luna Blanca at child star din ng Kapuso network.

Sinabi namin na nauunahan na niya si Jillian dahil pagkatapos ng Luna Blanca, may bago agad siyang serye na siya pa ang bida.

Inosente naman niyang sabi, “Wala naman po. Hindi naman po porke’t naunahan ko siyang magkaroon ng show, iniisip ko na mas mataas po ako sa kanya. Hindi po.”

Dugtong pa niya, “At saka, hindi naman po porke’t may bago akong show, siya wala pa, daig ko na siya.

“Ang iniisip ko po, lahat po kami, pantay-pantay. Walang mataas, walang mababa.”



ROLE PLAYING. Sa roles ni Mona sa mga teleserye, palagi siyang mabait. Sa totoong buhay, mabait din ba siya?

“Opo,” ang mabilis pa niyang sagot.

Paano ba siya mag-practice ng acting?

“Nag-a-acting po kami ng ate ko. Minsan umaarte kami ng ate ko, pumasok ang mommy ko, umiiyak ako.

“'Tapos sabi niya minsan, ‘Sana pagkakitaan ‘yang luha mo.’ Hayan na nga po, pinagkakitaan na,” natatawa niyang kuwento.

Papaano rin ba siya nagmo-motivate dahil ang galing niyang umiyak?

“Minsan po iniisip ko si Mommy, wala siya. Pero nasanay na rin po ako na kahit wala akong iniisip, naiiyak po ako.”



NEW ROLES. Bulag ang karakter ni Mona sa Aso ni San Roque.

Ito raw ang kino-consider niya na kaibahan ng karakter sa mga nagawa niyang teleserye.

“Yung pagiging bulag ko po kasi, dati naman po, nakakakita ko. At saka, lahat din ng role ko, nagsisimula sa mahirap.”

Gusto ring gumanap ni Mona bilang kontrabida.

“Kahit ano naman po ang ibigay. At saka, di ba po lahat naman ng artista, gustong makasubok ng iba’t iba?

“Ako po, hanggang pagtanda, gusto ko pong maging artista at saka singer.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kapag nag-college na raw siya, gusto raw niyang mag-aral ng pastry at culinary arts.



JUVENILE DIABETES. Si Mona, sa edad niyang walo ay may sakit nang diabetes at nag-i-insulin na.

“Hindi ko naman po alam kung ano ang mga sakit na yan.

“Actually po, gusto ninyo po bang malaman kung ilan ang [blood] sugar ko noong malaman na may diabetes ako?”

Nag-warning pa siya na huwag daw kaming magugulat sa sugar niya.

Aniya, “Six hundred fifty-eight po, pero ngayon, mga 200… 100. Dati po, nagpo-four hundred pa ako… five hundred.”

Para ma-control ang kanyang blood sugar, araw-araw siyang nag-i-insulin.

“Tanggap ko naman po at saka, hindi naman po natin puwedeng kuwestiyunin si Lord,” parang matandang pagkakasabi ni Mona.

Hindi naman daw siya nahihirapan sa kanyang sakit.

Minsan pa nga raw, siya pa ang nag-i-inject ng insulin sa sarili niya.

“Pero noong unang-una po, sinabi ko sa hospital na, ‘Lord, bakit itong sakit pa na ito ang ibinigay mo sa akin?

“Bakit ako pa?’” painosente niyang tanong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN