Jennylyn Mercado becomes an honorary member of Gabriela

IMAGE Gorgy Rula

Actress Jennylyn Mercado receives an award of recognition from Gabriela secretary-general Lana Linaban during her fans' day at Star Mall in San Jose, Del Monte, Bulacan last May 14.


Isang simpleng dinner lang daw ang inihanda ni Jennylyn Mercado sa kanyang 25th birthday na ginanap sa kanyang tahanan nung Martes ng gabi, May 15.

“Ayoko naman talaga maghanda. Gusto ko lang kasama ko lang pamilya ko, mga close friends, at siyempre si Luis,” sabi ni Jennylyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Tinanong ng PEP si Jennylyn kung ano ang birthday gift sa kanya ng boyfriend niyang si Luis Manzano. Kaagad siyang nag-text na isang relo raw ang ibinigay sa kanya.

Ayaw nang sabihin ni Jennylyn kung anong klaseng relo ang ibinigay ni Luis, pero natutuwa siya dahil talagang hindi raw nakakalimot ang kasintahan sa mga ganung espesyal na okasyon.

GABRIELA HONORARY MEMBER. Natutuwa rin siya dahil marami ang hindi nakalimot sa kanyang kaarawan at talagang nag-celebrate para sa kanya.

Nung Linggo, May 13, kasabay ng 5th anniversary ng Showbiz Central, binigyan siya ng birthday celebration.

Kinabukasan naman, May 14, ay nagkaroon siya ng fan’s day na ginanap sa may bagong Star Mall sa San Jose, Del Monte, Bulacan.

Naki-celebrate din doon ang grupong Gabriela na dati nang sumusuporta kay Jennylyn.

Doon na rin ay iginawad ng Gabriela ang Award of Recognition para sa aktres. Naging honorary member ang Kapuso star ng naturang grupo ng kababaihan.

Ayon sa Secretary-General ng Gabriela na Lana Linaban, malaking bagay raw ang pagsali ni Jennylyn sa Gabriela, dahil nakita raw nila ang katapangan nito para harapin ang mga pinagdaanan niya sa buhay.

Magsisilbing inspirasyon daw si Jennylyn sa mga kababaihang naabuso at naaapi na tumatahimik na lang, at hindi ito humingi ng tulong sa Gabriela para lumaban.

Sabi ni Jennylyn, “Yun nga, e. Marami din na tumatahimik lang talaga at tinitiis na lang.

“Siguro sa pagsasalita ko sana ma-realize nila na dapat lumaban na puwedeng humingi ng tulong sa Gabriela.

Tingin daw niya ay may maitutulong naman daw siya kahit sa maliit na paraan dahil naranasan din daw niya ang natulungan ng Gabriela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jennylyn, “Para sa akin, malaking tulong ang pagpapalakas ng loob at pagbibigay ng suporta.

“Kasi naging part din ako nun ng pang-aabuso sa kababaihan at naramdaman ko kung ano ang nararamdaman nila.

“Hindi nagtatapos ang lahat sa ganun. Alam kong may magandang opportunity at may magandang future para sa kanila. Basta huwag lang sila susuko.”

Willing si Jennylyn tumulong sa pagsali sa counseling sa mga kababaihang dumaan sa pang-aabuso at pang-aapi.

“Malaking tulong talaga yung counseling, e.

“Sa akin, napagdaanan ko yun at napakalaking bagay para sa mga tao na may pinagdadaanan,” sagot ng kauna-unahang StarStruck Female Survivor.

Hindi raw alam ni Luis ang pagsali niya sa Gabriela, pero tingin naman daw ni Jennylyn ay hindi ito tutulan ng actor/TV host.

CLAUDINE BARRETTO. Nakarating din kay Jennylyn, na lumapit daw si Claudine Baretto sa Gabriela dahil sobrang natakot daw ito sa kanyang kalagayan ngayon.

Kung makatulong daw si Jennylyn kay Claudine ay gagawin daw niya ito.

Pero hindi pa raw niya alam kung anong tulong ang puwedeng ibigay kay Claudine dahil ang secretariat pa lang ang nag-aayos nito.

Ipinaliwanag din ng Gabriela na willing silang tulungan si Claudine dahil lumapit ito sa kanila.

Hindi raw nila pakikialaman ang kaso kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Kung nakikita raw nila na talagang kinakailangan ni Claudine ng kanilang tulong, ibibigay daw nila ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN