Angelica Panganiban's Instagram photo of her wearing a diamond ring: For real or for reel?

IMAGE Noel Orsal / Angelica Panganiban's Instagram account

Usap-usapan ngayon sa Internet ang Instagram photo ni Angelica Panganiban kung saan may suot na diamond ring ang kanyang daliri. Ang caption ng larawan na ito ay: “Shooting... Bagay pala ang long nails sakin. Pero d ko ma maintain! Masyadong pa gurl,”


Ilang araw pa lamang ang nakalilipas mula nang lumabas ang balita na diumano'y niregaluhan ni John Lloyd Cruz si Angelica Panganiban ng Mercedes Benz SLK350, na nagkakahalaga raw ng P5.1 million.

Nagsimula ang balita tungkol dito nang mag-post ng photo collage si Angelica sa kanyang Instagram account noong August 28.

Sa photo collage na ito ay makikita ang tatlong litrato: ang aktres habang nakaupo sa tila driver’s seat ng isang kotse, ang logo ng Mercedez Benz na nakaukit sa manibela, at ang digital instrument panel sa dashboard ng sasakyan.

(CLICK HERE for related article.)

Noong Biyernes, September 7, ay muling nag-post ng isang larawan si Angelica sa kanyang Instagram at Twitter accounts na naging topic of discussion na naman ng mga netizens.

Sa larawan ay makikita ang isang kamay ng babae at sa palasingsingan o ring finger nito ay may nakasuot na isang diamond ring.

Ang caption na inilagay ni Angelica sa naturang larawan ay ito: “Shooting... Bagay pala ang long nails sakin. Pero d ko ma maintain! Masyadong pa gurl”

REACTION FROM NETIZENS. Habang isinusulat ang artikulo na ito’y may 228 comments na ang naturang larawan, at iba’t iba ang naging reaksiyon ng mga followers ni Angelica tungkol dito.

Narito ang ilan sa kanila:

airanaja17: "Kontrobersyal na nmn!”

justmhyne: "di nails napansin ko teh ang ring..... hummm ;-)”

paolovesme: "@iamangelicap kapaG may singsing engaged agad? Di ba pedeng props lang para da continuity?”

Sa lahat ng mga komento ay ito ang higit na nakapukaw ng pansin:

rhey_bevz: "Ive watched the kristv episode kanina with jlc and bea... Bea said may friend sila na nagbebenta nang diamonds and jlc was looking at it... Kung wala lang cyang movie and props lang yang ring nya i would assume bigay ni jlc yan... Just saying... I love you both angelica and jlc!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DIAMONDS. Ang tinutukoy ni rhey_bevs ay ang September 7 episode ng Kris TV kung saan nag-guest sina John Lloyd at Bea Alonzo upang i-promote ang pelikula nilang The Mistress.

Bago mabanggit ang kanilang pelikula ay napag-usapan ang 10thanniversary nila bilang mag-loveteam.

Tinanong ng host ng show na si Kris Aquino kung anong regalo ang gusto nilang matanggap mula sa isa’t isa.

Dito’y nabanggit ni Bea ang gusto niya sanang hinging diamond earrings mula kay John Lloyd.

Kasunod nito’y naalala ng aktres ang isang insidente kung saan "tumitingin" daw si John Lloyd.

Sabi ni Bea, “Meron kaming kakilala, nag-o-offer ng mga diamonds. Tumitingin siya.”

Mabilis naman na sagot ni John Lloyd dito, “Pag sa lalaki… ang jewelry pag binibigay, napaka-intimate niyan, e.”

FOR THE MOVIE. Gayunman, marami pa rin sa mga nagkomento sa naturang larawan ni Angelica ang nagsasabi na ang diamond ring na ito’y may koneksyon sa ginagawang pelikula ng aktres para sa Star Cinema, ang One More Try.

Sa istorya ay kasal si Angelica sa karakter na ginagampanan ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Sa kabila nito, mahuhulog ang loob ni Angelica sa karakter ni Zanjoe Marudo, at si Dingdong naman ay iibig sa karakter ni Angel Locsin.

(CLICK HERE for related article)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN