Mikael Daez named as one of the Peace Ambassadors of the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process

IMAGE Ruel J. Mendoza

Isa ang Kapuso artist na si Mikael Daez sa mga napiling Peace Ambassador ng Office of Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP). Kasama ni Mikael bilang Peace Ambassador ang iba pang mga sikat na artista, musikero, fashion designers, at atleta.


Isang malaking karangalan para kay Mikael Daez na mapili bilang isang Peace Ambassador.

Naganap ang seremonya sa mismong Office of the President sa Malacañang Palace noong Biyernes ng umaga, September 14, na dinaluhan siyempre ng Pangulo ng Pilipinas na si Presidente Benigno “Noynoy” Aquino bilang keynote speaker.

“I’m very honored to be a National Peace Ambassador!” pahayag ni Mikael sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung araw na iyon.

“Sa kabila ng pagiging aktor sa GMA, masaya ako na binigyan ako ng pagkakataon na makatulong sa aking mga kapwa Pilipino.

“Dati pa ako naniniwala, sa pagpo-promote ng peace sa Pilipinas.

“Dahil sa ating pakikisama at pagkakaisa ay maidudulot ang kaunlaran,” nawika pa ni Mikael.

Paano ba napili si Mikael?

“Hindi ako sigurado kung paano ako napili. Pero ang OPAPP [Office of the Presidential Adviser on the Peace Process] ang nag-screen ng mga puwedeng maging Peace Ambassadors.

“Hindi ko alam kung ano ang batayan ng kanilang pagpipili, pero natutuwa lang ako na may tiwala sila sa akin at isinama ako sa kanilang latest peace campaign.

“Maraming mga artista, musikero, at atleta ang pinili para maging ambassador, kaya mas lalong naramdaman ko ang kahalagahan ng campaign na ito.

“Isa na rin dito si apl.de.ap from Black Eyed Peas, isang tunay na Pilipino na aktibo sa mga proyekto na nakakatulong sa ating mga kababayang Pilipino.

“Sana, sa pamamagitan ng peace campaign ay masundan ko rin ang example niya,” masayang sinabi pa ni Mikael.

Bukod kay Mikael at apl.de.ap, pinarangalan din bilang Peace Ambassadors sa Malacanang sina Anne Curtis, Noel Cabangon, Ramon Bautista, Epy Quizon, Gerald Anderson, Megan Young, Christian Bautista, Datu Khomeini, Ebe Dancel, Gloc-9, Rovilson Fernandez, Kiray, Igi Boy, mga miyembro ng Philippine Azkals, fashion designers Arnold Galang, and the Fashion Design Council of the Philippines led by JC Buendia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napili rin sina Derek Ramsay, Karylle, Sam Concepcion, at ang social media personality na si Kimpoy Feliciano, ngunit hindi naka-attend ang mga ito sa seremonya dahil sa mga nauna na nilang commitments.

RESPONSIBILITIES OF A PEACE AMBASSADOR. Anu-ano ba ang mga obligasyon at responsibilidad ni Mikael bilang isa sa mga napiling Peace Ambassadors?

“Sa ngayon, ang unang gagawin namin ay i-promote ang [peace] campaign sa buong Pilipinas.

“Kailangang magkaroon ng awareness sa campaign, para kapag may mga aktibong proyekto ay aktibong magsasama ang mga Pilipino para matupad ang mga objectives ng peace projects.

“Sa ngayon ay wala pang tiyak na schedule ng ating mga gagawin, ngunit sigurado akong makukuha namin yun sa lalong madaling panahon.”

At kahit ngayong Peace Ambassador na siya, hindi naman daw magkakaroon ng conflict iyon sa pagiging artista niya.

“Pagdating sa schedule, hindi naman ako tatanggap ng project, unless kakayanin ko siya.

“Taping and promos for the show are usually laid out in advance, kaya hinihingi ko lang rin naman ang schedule for the peace campaign in advance.

“Kung magagawa ng mga kapwa Peace Ambassadors ko na ikasya ito sa kanilang schedules, dapat magagawan ko rin siya ng paraan.

“Commitment ang kailangan.”

SANA AY IKAW NA NGA AND ANDREA. Kinumusta naman ng PEP kay Mikael ang taping niya for GMA-7’s drama series na Sana Ay Ikaw Na Nga.

Kumusta na rin ba sila ng leading lady niya sa show na si Andrea Torres?

“Taping has been very good!

“Gumagaan ang trabaho dahil mas nagiging close kaming lahat sa set.

“Nae-excite na rin kami dahil padagdag nang padagdag ang drama sa mga script namin.

“It's very exciting and mas pinapagtiyagaan lang namin para ma-sustain ang positive reaction ng viewers sa Sana Ay Ikaw Na Nga.

“As for Andrea, laging may developments naman kami.

“Kailangan yun para mas lumalim ang chemistry namin on and off screen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Halimbawa, mas alam ko na kung paano ko siya matutulungan when she feels pressured, at ganun rin kapag kinakabahan ako.

“Things like that are important, kasi nakakagaan talaga ng trabaho.”


MEGAN AND JC. Tinanong naman ng PEP.ph si Mikael kung ano ang comment niya na ang nali-link sa kanyang si Megan Young ay kapareha ngayon ni JC Tiuseco sa pelikulang Ride To Love.

Balitang may lovescene sina JC at Megan sa naturang pelikula ng Regal Entertainment, Inc.

Sina Mikael at JC ay parehong nasa pangangalaga ng Mercator Artist & Model Management.

“Lahat ng focus ko ngayon ay sa SAINN [Sana Ay Ikaw Na Nga].

“I have to respect my work and the work that my co-actors and production staff give to SAINN.

“Kailangan focus lang talaga sa project na ito para mapaganda.

“Kahit dati pa naman, never ko naging focus ang mga intriga sa relationships, kasi single naman ako ever since I entered showbiz.

“So, for the next few months, patuloy lang ang pagtatrabaho sa SAINN at talagang nae-excite ako sa mga kaganapan ng teleserye na ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN