Mikael Daez on possibility of falling in love with leading lady Andrea Torres in real life: “Sana wala namang masaktan.”

IMAGE Anderson Granali

Inamin ni Mikael Daez na malaki ang posibilidad na ma-in love siya sa ka-loveteam na si Andrea Torres. Sabi niya, “Yun nga, dahil intense ang mga scenes, kailangan kilalanin niyo ang isa’t isa at inilalagay niyo ang sarili niyo sa isang spot na vulnerable ka.”


Noong Huwebes, August 23, ay ginanap ang press conference para sa bagong afternoon soap ng GMA-7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga, na pinagbibidahan nina Mikael Daez at Andrea Torres.

Ang Sana Ay Ikaw Na Nga ay remake ng 2002 primetime drama na pinagbidahan noon nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia.

Sa presscon, kapansin-pansin na halos hindi inaalis ni Mikael ang kanyang kamay sa baywang ni Andrea habang sila’y ini-interview ng media.

Biniro tuloy ng press si Mikael tungkol dito, at saka para siyang na-concious at bigla niyang tinanggal ang kamay sa baywang ng kapareha.

Tinanong pa rin ng PEP si Mikael kung ano ang ibig sabihin ng paghawak niya sa baywang ni Andrea. Pampakilig ba ito o bahagi ng promo para sa kanilang pinagbibidahang soap?

“No, hindi ito pampa-plastic lang,” nakangiting sagot ng model turned actor.

Paliwanag niya, “First loveteam ko at first loveteam din ni Andrea.

“Noong first meeting namin at ini-announce sa amin na kami na po ang magla-loveteam dito sa Sana Ay Ikaw Na Nga, in-explain nila ang mechanics ng loveteam, business side ng loveteam.

“Alam mo yun, we just want to do our best to please GMA and give back na naglagay sila ng tiwala sa aming dalawa. Hindi lang as individual but also as a team.

“I guess, in a way, pinag-usapan.

“Pero sinabi namin na, ‘Kung gusto talaga nating mag-work, kung gusto talaga nating lumabas ang chemistry, we really need to get to know each other.’

“Without the least saying that, I think, alam na naming dalawa yun.”

Bukod sa mga workshops na ginawa nila, nakatulong din daw sa kanila ni Andrea ang ilang regional shows na pinagsamahan nila upang mas makilala at maging malapit sa isa’t isa.

Kuwento ni Mikael, “During regional, sa Naga at Legaspi, we made it a point lang na magkasama kaming kumakain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero naging natural lang na naging comfortable kami with each other, natural lang na nade-develop yung connection, chemistry.

“And I guess, kami ang loveteam sa soap na ito, we want to showcase na yung chemistry namin sa isa’t isa.

“Hindi naman sa naka-programa siya o pina-plastikan, but this is our work. Nirerespeto namin ang kailangang gawin.

“And to showcase nga na this is us, and I think we look good together, may chemistry kami.

“In fairness naman, marami kaming naririnig na, ‘You guys look good. Nararamdaman namin ang chemistry niyong dalawa at very at ease kayo sa isa’t isa.’

“Natutuwa rin naman kami.”

VULNERABILITY. Hindi na pangkaraniwan sa showbiz na nagkaka-debelopan sa bandang huli ang isang magkatambal, lalo na kung matagal ang pinagsasamahan nilang proyekto.

Aware naman daw rito si Mikael.

Aniya, “Yun nga, dahil intense ang mga scenes, kailangan kilalanin niyo ang isa’t isa at inilalagay niyo ang sarili niyo sa isang spot na vulnerable ka.”

Nakikita ba niya ang posibilidad na magkagustuhan sila ni Andrea sa totoong buhay?

“You know, ako, I don’t know. One year pa lang ako sa showbiz.

“Hindi ko naman alam ang feeling ng romantic relationship in a work relationship.

“Pero right now, I really feel na yung work relationship namin, malakas.

“So, naiintindihan ko, mas naiintindihan ko ang mga kuwento ng mga tao na, ‘A, kaya pala nai-in love ang mga tao.’

“Kasi, nilalagay mo talaga ang sarili mo in a vulnerable position in front of other person na vulnerable rin sa ‘yo.”

Pero ang tanong: Vulnerable ba siya ngayon?

“Siguro, hindi ko masabi,” nakangiting sagot ni Mikael.

May masasaktan o iiyak ba kung sakaling ma-develop siya kay Andrea?

“May umiyak na ba?” natatawang balik-tanong ng Kapuso actor.

Pero dugtong niya rin, “Sana wala namang masaktan.”

Pero sa puntong ito ay napakaaga pa para masabi niya kay Andrea na “sana ay ikaw na nga” dahil kasisimula pa lang nilang mag-taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Mikael, “It’s work and we’re trying to be professional.

“Pero yun nga, hindi mo alam kung kailan madadala ka or whatever.

“Happy lang talaga ako na hindi ko pa naiisip. Wala pa naman.

“Hindi ko pa naiisip at focus lang talaga ako sa work.

“Yung chemistry namin na, siyempre, kinakabahan kami, gusto lang naming ipakita na may presence talaga kami as a team.”


WHO IS ANDREA? Bagamat mas nauna si Andrea na pumasok sa showbiz kumpara kay Mikael, mas kilala ng publiko ang aktor dahil sa high-profile projects na ginawa niya.

Napanood si Mikael sa mga teleseryeng Amaya at My Beloved, at ang pelikulang Temptation Island. Sa tatlong proyektong ito ay nakasama niya ang Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera.

Paano naman kaya ipakikilala ni Mikael si Andrea sa mga magtatanong kung sino ang kanyang kapareha?

“Marami akong masasabi kay Andrea. I know a lot about her already.

“On a personal level, natural lang kami na we eat together.

“Intense siya. Minsan she is hard on herself kapag hindi siya happy sa ginagawa niya sa work.

“Pero ang okay rin sa kanya, gusto niyang gumawa ng paraan para mas gumaling pa.

“Mahilig siyang mag-gym. Gusto niya ng chocolate cake.”


DEPRESSION. Nang magwakas ang primetime series na My Beloved noong June, may lumabas na balitang na-depress daw si Mikael dahil wala pa siyang kasunod na project sa GMA-7.

Nilinaw naman ito ng aktor sa PEP.

Aniya, “Hindi naman na-depress.

“I guess, kahit sino namang artista, tinatanong nila, ‘Ano kaya ang next show ko at kailan kaya ako magkakaroon ng next?'

“Normal naman yun for any artist.

“Pero naging busy rin ako, kasi nagkaroon kami ng series of workshops sa Artist Center at may sarili rin akong workshop. So, sobra akong naging busy do’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was able to rest. I was able to hit the gym.

“Kasi sa My Beloved, lumaki rin ako kaya medyo nag-mature ang hitsura ko.

“At least ngayon, mas lean ako.”

At wala talagang dahilan upang ma-depress si Mikael dahil ang ibinigay sa kanyang bagong proyekto ng GMA-7 ay bida na siya.


DINGDONG DANTES. Ang ginagampanan na karakter ni Mikael sa Sana Ay Ikaw Na Nga, bilang Carlos Miguel, ay unang ginampanan ni Dingdong Dantes, na nakasama niya noon sa My Beloved.

Ayon kay Mikael, hindi pa niya nakakausap si Dingdong tungkol dito.

“Hindi ako ang nakapagsabi sa kanya. Hindi pa kami nagkakausap kasi busy siya.

“Noong nalaman ko, around that time, birthday yata ni Dingdong, tapos birthday ni Marian [Dingdong’s girlfriend]. Nag-a-abroad sila.

“I wanted to tell Yan to tell Dong, pero hindi ko sila na-text.

“Pero excited ako na makita si Dong, wala lang, pag-usapan lang.”

Ano ang naging reaksiyon niya nang malamang siya ang gaganap sa role na dating ginampanan ni Dingdong?

“Ang daming questions… First, bakit ako ang pinili ng GMA? Factor ba na si Dingdong dati?

“Aside from that, paano ko matatapatan si Dingdong? At the same time, dapat ko bang tapatan?

“Yun ang mga questions na naisip ko. And then, later on, I realized na hindi, remake ito. Hindi ito imitation. Kailangan, I make it my own.

“Tapos with Dingdong, he’s always been an inspiration naman.

“Ever since My Beloved, when I met him na, nai-inspire ako sa success niya.

“Aside from his showbiz success, ang dami niyang success outside showbiz rin.

“Very inspiring ang story niya, kasi narinig ko rin na sa Sana Ay Ikaw Na Nga, ito rin ang start na nagtuluy-tuloy na siya, paakyat nang paakyat.

“So, yun, naisip ko rin na sana history repeats itself.

“Sana, I make my own successes for myself starting from this soap. Sana, sana talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pag-amin din niya, “May kaba, may takot.”

MAKE OR BREAK. Naiisip din ba ni Mikael na posibleng make-or-break project sa kanya ang Sana Ay Ikaw Na Nga?

“Hindi ko naman siguro inisip na make or break.

"Inisip ko na kailangan kong gamitin ang kaba at takot para ma-push ko ang sarili ko.

“Kung sumobra naman ako sa kaba at takot, hindi ako makakapag-perform at naramdaman ko na yun dati.

“So now, I need to use it to push myself.

“At happy ako kasi tinutulungan ako ni Direk Dick Lindayag.

“And kahit siya, sinabi niya mismo, he has the pressure kasi first time niyang humawak ng bagong leading man at leading lady.

“At honest kami, sinasabi namin na, ‘I feel this, I feel that.’

“Pero after four taping days, gumagaan ang mood, nararamdaman namin ang chemistry na talagang bumubuo.”

Ano sa tingin ni Mikael na meron siya at pinagkatiwalaan siya ng ganito kalaking proyekto ng GMA-7?

“Siguro po, business wise, may nakita naman silang potensiyal na I can be successful dito sa soap na ito.

“At sana, nakita rin nila yung passion ko.

“At gusto ko talagang maging successful na kung binigyan nila ako ng tamang opportunity, I won’t let them down.

“At ibibigay ko talaga ang best ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN