Marian Rivera and Heart Evangelista quietly settle issue at Dolphy tribute special

IMAGE Noel Orsal


Maraming hindi nakitang mga eksena sa likod ng stage sa ginanap na musical tribute para sa yumaong Comedy King na si Dolphy kagabi, September 19. Kabilang na dito ang pagkikita at pagbebeso ng Kapuso actresses na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.


Maaga pa lang kahapon, September 19, ay nasa SM-MOA Arena na ang mga artistang kasali sa production numbers sa malaking musical tribute kay Dolphy, ang Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy.

Marami nang nagre-rehearse para maging maganda ang performance nila sa kanilang number.



MARK HERRAS. Isa sa naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) na nag-eensayo ay ang GMA-7 talent na si Mark Herras.

Inamin ni Mark na sobrang kabado siya noong technical rehearsal dahil mahirap daw ang sasayawin nila ni Gab Valenciano ng ABS-CBN.

Nag-football mambo silang dalawa kung saan sinabayan nila sa video ang sayaw ng dating dancing duo na sina Dolphy at Bayani Casimiro.

Si Mark daw ang Dolphy sa number na iyon, habang si Gab naman si Bayani.

Sabi ni Mark sa PEP, "Kinabahan talaga ako sa technical rehearsal, kasi iniisip ko kung ten percent na magaya namin yung sayaw nila... kasi hindi ko naman sayaw yun, e.

"Pero nung nag-perform na kami, nawala na siya [kaba].

"Nakakatuwa kasi natuwa sa akin ang mga bosses, pati sina Direk Al Quinn, sina Eric [Quizon], sina Epy, si Boy2, binati nila ako."

Isa ito sa most-applauded number kagabi kaya malaki ang pasasalamat ni Mark na nairaos nila ni Gab ang mahirap na dance number na iyon.

Sabi pa niya, "Masarap sayawin kasi walang binago dun sa sayaw, e—as is ito.

"Kung ano yung isinayaw ni Tito Dolphy before, ganun yung gagawin namin."

MARIAN AND HEART. Sa holding area naman ng Arena, nakatambay sa loob ang ilang big stars na naghihintay isalang sa stage.

Namataan ng PEP sa isang sulok si Heart na kausap si Raymond Gutierrez.

Nasa kabilang mesa naman si Marian Rivera, kasama si Dennis Trillo at ang manager nilang si Popoy Caritativo.

Pabiro naming itinuro si Heart kay Marian at napangiti lang ang huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP si Marian kung nagkabati ba sila, at sinabi niya sa aming lumapit daw si Heart at nagbeso sila.

Okay na raw iyon na ang ibig sabihin ay wala na silang problema at masasabing nagkabati na sila.

Matatandaang nagkaroon ng away sa pagitan nina Marian at Heart habang ginagawa nila ang pelikulang Temptation Island noong isang taon.

Naging tapat naman si Heart sa pagsasabing gusto niyang makipag-ayos sa lahat.

Tingin daw niya ay nasa tamang timing lang na makipag-ayos na siya sa mga nakasamaan niya ng loob.

"As much as possible, I want to be okay with anybody," sabi ng Kapuso actress.

"When there’s an opportunity, mukhang okay naman lahat.

"Mararamdaman mo naman kung tama yung timing, then it’s not a problem if you’ll approach.

"She’s very nice," paglarawan pa ni Heart kay Marian.

"It’s always nice na okay ka sa lahat.

"In time naman, dadating dun sa time na maging okay ka sa lahat ng mga nagkaroon kayo ng conflict in the past.

"As long as you’re very humble person, and everything like that, then everything will follow, maging maayos ang lahat."

Inabangan ng PEP si Marian sa may backstage para hingan ng reaksiyon sa pagkikita nila ni Heart, pero matipid ang sagot nito.

Sabi ng Primetime Queen ng GMA-7, "Ay naku, huwag na natin pag-usapan ‘yan. Basta okay kami. Wala nang intriga.

"Ako, okay naman, e, walang problema."



HEART AND DANIEL. Sa backstage naman ay nagkasalubong ang dating magkasintahan na sina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga.

Mahigpit silang nagyakap at nagbeso.

Sabi ni Daniel sa PEP, "Friendship lang, we didn’t say much. We just say kumusta, yung ganun, as friends.

"We still talk, di ba, kasi we had a long relationship before?

"So, there’s no reason for being mad or any bad feelings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m really happy for her life now."

Pahayag naman ni Heart, "We’re really good friends, and it’s nice kasi it’s not all the time that you can be really good friends with an ex-boyfriend.

"And more than anything, he’s also a good friend of mine. Nag-umpisa kami as friends and we will remain friends.

"In fact, I was invited to the birthday of Vanessa, the sister, and it’s nice that we’re very okay."



AI-AI DE LAS ALAS. Samantala, sinamahan ni Boy Abunda si Ai-Ai delas Alas sa backstage habang kinakapanayam ng media ang komedyana.

Kapag tungkol sa kanyang relasyon ang tinatanong, tumitingin si Ai-Ai kay Boy para saluhin siya.

Balita kasing ikinasal na si Ai-Ai sa non-showbiz boyfriend nitong si Jed Alvin Salang noong July ng taong kasalukuyan.

Ani Ai-Ai, "Masaya ako at kami ay bumubuo ng isang pamilya."

Sabi naman ni Kuya Boy, sa lahat ng mga nakarelasyon ni Ai-Ai, boto siya rito. Suportado rin daw niya ang kung ano mang balak ni Ai-Ai pagdating sa kanyang lovelife.

"She lives a day at a time. Ngayon, ang pagkakaiba, hindi na ito yung katulad nung dati na para bagang wala nang iba kundi ang pag-ibig na lamang.

"Ngayon, she’s become more balanced in a way. Napakabalanse niya."

Singit naman ni Ai-Ai, "Matured na."

Sinundan namin ng tanong kung bago ba matapos ang taong ito ay iba na ang dadalhin niyang apelyido.

"May mga katanungang mahirap sagutin. Sagutin mo," sabi ni Boy kay Ai-Ai.

Hindi na nakasagot si Ai-Ai. Natawa na lamang ito at umalis patungong dressing room.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN