Christian Bautista on girlfriend Carla Dunareanu: “Right now, she brings in so much happiness to me. She inspires me every time na napapagod ako.”

IMAGE Monching Jaramillo


“She’s just full of energy at talagang she always looks after me,” says Christian Bautista about his Romanian-Chinese girlfriend Carla Dunareanu, whom he met while doing Kitchen Musical in Singapore last year.


Malaki ang pasasalamat ni Christian Bautista na sa loob ng siyam na taon mula nang pumasok siya sa showbiz, naroon pa rin ang paghanga at pagmamahal ng kanyang fans.

Patunay nito ang patuloy na pagbenta ng kanyang mga album at pagsuporta sa kanya sa mga popularity contests.

“I’m very happy dahil nandun pa rin yung mga fans ko," pahayag muna ni Christian sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa awards night ng Yahoo! Philippines noong July 6 na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

“At nakakatuwa na hanggang ngayon hindi nila ako iniwan, hindi rin nila ako pinabayaan,” dagdag pa ni Christian.

Kapansin-pansin naman noong gabing iyon ang magandang babaeng ka-date niya.

Siya pala ay ang kasintahan niyang si Carla Dunareanu, isang Romanian-Chinese actress-TV host mula sa Singapore na nakasama ni Christian sa TV musical series nilang The Kitchen Musical.

“Last year wala akong ka-date. Ngayon, merong ka-date. Last year nasa Singapore, ngayon nasa Manila.

“Ang saya, ang saya lang lahat,” nakangiting pahayag ni Christian tungkol sa personal na kaganapan sa buhay.

LUCKY CHARM. Sa tingin ba ni Christian ay may dalang suwerte sa kanya si Carla dahil sa mga blessing na nakukuha niya sa ngayon?

“Ah, siguro nagbigay ng glow, nagbigay ng extra inspiration…I think so,” nakangiti niyang sagot.

Paano niya mailalarawan ang kasiyahan sa piling ng girlfriend?

“Right now, she brings in so much happiness to me. She inspires me every time na napapagod ako.

“She’s just full of energy at talagang she always looks after me.”

Maninirahan na ba si Carla rito?

“Well, she has a year’s contract with Magic 89.9. Magtatagal talaga siya dito,” pagbabalita ni Christian.

Dahil ba sa kanya kaya nagdesisyon na magtagal sa Pilipinas si Carla?

“Siguro! Pero she looks for a good opportunity and she got it. Ang dami niyang nakukuhang projects ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOWBIZ INTRIGUES. Sa pagpasok ni Carla sa showbiz, may posibilidad na maging open sa intriga ang kanilang relasyon at baka mauwi rin sa hiwalayan.

“Siguro. Alam na namin ‘yan from the beginning. I encourage her, I push her.

“Ako pa nga mismo ang nagli-lead sa kanya kung saan magandang pumunta and kung saan siya masaya…

“Siyempre, susuportahan ko siya gaya ng pagsuporta na ibinibigay niya sa akin," ani Christian.

Gusto rin bang pasukin ng girlfriend ang acting?

“Gusto niya. Kasi nag-aral siya nang four years acting sa Singapore.

“‘Tapos dito, nag-aaral na siya ng Tagalog. Hopefully, mabibigyan na siya ng break.”

Paano naman yung plano ni Christian na pasukin uli ang acting?

“Right now, I’ve got so many blessings sa singing career ko. So, baka puwede na tayong mag-focus sa acting.

“So, tignan natin kung mabibigyan pa tayo ng ibang roles… we’ll see.”

Kakaiba raw ang kasiyahang naibibigay ng lovelife kay Christian pero hindi pa indikasyon yun na nagpaplano na siyang pakasalan si Carla.

“Wow! Too early to say kasi we just met, officially mga four months pa lang kami.

“So, it will happen when the right times comes. Pero right now, hindi pa namin napag-uusapan yun.”

SHOW IN INDONESIA. Tungkol sa issue noon na diumano’y na-deport siya dahil sa kawalan ng working permit sa Indonesia, pinabulaanan ito ni Christian at siniguradong babalik na siya uli doon ngayong August.

“We have three projects lined up. Confidential yung iba. Pero yung iba, I’m gonna sing in one show.

“There’s a possible acting engagement and there’s a possible commercial endorsement.

“Yung acting, baka movie. Lagi kong sinasabing, ‘Baka kasi yung kontrata wala pa and all.

“If ever na matuloy yung acting ko, mawawala ako nang three months gaya no’ng last movie ko sa Indonesia,” patuloy ni Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling matuloy, iiwanan niya nang tatlong buwan si Carla dito sa Pilipinas?

“Well, you know, nagawa naman namin yung long distance na nasa Singapore siya at nasa Philippines ako.

“Noon—hindi pa kami. E, ngayon, kami na. So, mas kaya.”

Ano ba yung natutunan niya sa mga nakaraang relasyon na hindi na niya gustong gawin sa current relationship?

“Siguro, ang mas magandang gawin ay mas open ang communication on both sides," sagot ni Christian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN