Hot men unite for the Cosmo Bachelor Bash 2012

IMAGE 0


Cosmo centerfolds heated up World Trade Center as they conquered the runway. (L-R) John Spainhour, JM de Guzman, John James Uy, Mikael Daez, Alden Richards, Joseph Marco, Markki Stroem, and twins Anthony and David Semerad.


Napuno ng nagguguwapuhan at matitipunong kalalakihan ang Cosmo Bachelor Bash kagabi, September 18, sa World Trade Center.

Pinangunahan ito ng mga Cosmo Centerfolds na sina Alden Richards, JM de Guzman, Joseph Marco, Anthony at David Semerad, John James Uy, Markki Stroem, Mikael Daez, Ian Batherson, at John Spainhour.

Marami naman ang nadismaya sa hindi pagdalo ng cover boy na si Paulo Avelino.

Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nasa U.S. ngayon si Paulo, kasama ang cast members ng teleseryeng Walang Hanggan para sa Kapamilya Karavan.

Bandang alas-nuwebe nang magsimula ang Cosmo Bachelor Bash 2012 na dinaluhan ng libu-libong kababaihan at mga bading.

Kabilang sa mga celebrities na namataan ng PEP sa loob ng World Trade Center ay sina Michelle Madrigal, Megan Young, Gwen Garci, Bubbles Paraiso, Ehra Madrigal, Divine Lee, IC Mendoza, Carla Humphries at Rajo Laurel.

Bago lumabas ang 69 Cosmo bachelors ay ilang mga modelo muna ang rumampa, at ang iba naman ay sumayaw sa stage upang simulang painitin ang gabi para sa mga manonood.

IT'S RAINING MEN. Nang lumabas na ang Cosmo bachelors ay umalingawngaw ang hiyawan at tilian sa loob ng venue.

Sinimulan ito ng video footage ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga, na ipinapakitang unti-unting naghubad ng kanyang pang-itaas habang may ka-chat sa kanyang laptop.

Maya-maya pa ay lumabas na nga ang topless na si Daniel sa stage at ipinakita sa lahat ang kanyang matipunong pangangatawan.

Ilan pa sa mga hunks na sumunod sa kanya ay sina JC Tiuseco, Aaron Villaflor, Rocco Nacino, Enzo Pineda, James Blanco, Pancho Magno, Carlo Gonzales at Jay Gonzaga.

Rumampa rin ang mga miyembro ng Philippine Azkals (national football team) na sina Aly Borromeo, Anton del Rosario, Simon Greatwich, Nate Burkey at Jonah Romero.

Nandun din ang mga miyembro ng Philippine Volcanoes (national rugby team) na sina Andrew Wolfe, Eric Tai, Kenneth Stern at Harry Morris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang din sa rumampa ang surfer na si Luke Landrigan at ang ex-Pinoy Big Brother housemate at ngayo'y artista nang si Tom Rodriguez.

Sumunod namang rumampa ang aktor na si Baron Geisler, ang model-actor na si John Hall, at ang Brazilian-Japanese models na sina Fabio Ide at si Hideo Muroaka.

COSMO CENTERFOLDS. Halos alas onse na ng gabi nang isa-isang lumabas ang pinakahihintay na Cosmo centerfolds.

Naunang lumabas ang Kapamilya young actor na si Joseph Marco na nakadamit na pang-piloto at naka-shades. Pero agad din niya itong hinubad at ipinakita ang kanyang well-toned body.

Humugot pa si Joseph mula sa kanyang pants ng mga underwear kung saan naka-print ang kanyang pangalan at ibinato ang mga ito sa audience.

Magkasabay namang lumabas ang kambal na collegiate basketball players na sina Anthony at David Semerad.

Naka-Spiderman costume naman ang model-actor na si John James Uy nang lumabas sa stage. Unti-unti niya ring hinubad ang kanyang pang-itaas.

Tila magsu-swimming naman ang singer-model na si Markki Stroem nang lumabas na may nakapatong lamang na towel sa balikat at nakalagay pa ang goggles sa ulo.

Biglang inilagay ni Markki ang towel sa kanyang baywang at pagkatapos ay hinubad ang shorts na suot.

Maya-maya ay rumampa siya at inalis din ang towel kaya’t ang kanyang blue underwear na lamang ang naiwang suot niya.

Office attire naman with matching eyeglasses ang suot ng Kapuso actor-model na si Mikael Daez nang lumabas sa stage.

Unti-unti niyang hinubad ang suot na long-sleeve polo at mga accessories hanggang sa isang black sando top na lamang ang kanyang pang-itaas.

Dito na siya kumuha ng isang babae mula sa audience at pinaakyat sa stage. Game na game namang nakipagsayaw sa kanya ang babae. Maya-maya ay hinubad na rin ni Mikael ang suot na sando.

Isang pulis naman ang ginaya ng StarStruck alumnus na si Ian Batherson at wari’y hinuli niya ang isang babae mula sa audience at inakyat sa stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinayawan din ni Ian ang babae at maya-maya ay hinubad na niya isa-isa ang kanyang mga suot hanggang sa boxer shorts na lamang ang natira.

Kasunod na lumabas ang Century Tuna Superbods grand winner na si John Spainhour, na isa sa may pinakamagandang katawan sa mga centerfolds.

Isa naman sa pinaka-tinilian ay ang Kapamilya actor na si JM de Guzman. Isang masuwerteng babae ang inakyat at isinayaw niya sa stage.

Pang-pizza delivery boy naman ang suot ng Kapuso heartthrob na si Alden Richards nang lumabas sa stage. Naghubad ito ng kanyang top at pinunit ng konti ang kanyang pantalon nang rumampa sa stage.

Pagkatapos nito ay lumabas na sa stage ang lahat ng mga Cosmo bachelors para sa huling pagrampa nila.

CLICK HERE to view more photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN