Chariz Solomon finds comfort in wearing local branded shoes

IMAGE Noel Orsal

Chariz on her sense of style: "Ako, ano... adventurous. Actually, I have my own stylist, si John Paul Dizon. And, siguro siya napili ko kasi siya rin, pagdating sa pananamit, very adventurous. Hindi iyong isang look lang na rocker chick o glam rock lagi, pa-girl, sweet lang. Hindi laging gano'n. So, paiba-iba. So gano'n iyong gusto ko, may variety lagi."


Masasabing "chic" si Chariz Solomon sa suot niyang black see-through lace top at pleated silk midi skirt, nang makita siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa SMX Convention Center.

Ito ay noong September 26, kung kailan naganap ang launch ng bagong footwear collection ng designer na si Rajo Laurel para sa Parisian at Milanos footwear brands.

Tinanong ng PEP si Chariz kung paano niya ilalarawan ang kaniyang sense of style.

Wika niya, “Ako, ano... adventurous.

“Actually, I have my own stylist, si John Paul Dizon. And, siguro siya napili ko kasi siya rin, pagdating sa pananamit, very adventurous.

“Hindi iyong isang look lang na rocker chick o glam rock lagi, pa-girl, sweet lang.

“Hindi laging gano'n. So, paiba-iba. So gano'n iyong gusto ko, may variety lagi.

“And merong surprising, hindi laging kailangan, pasok sa kung ano'ng uso, gusto ko meron akong sarili,” patuloy pa niya.

Kung may isang clothing item siyang hindi pinanghihinayangang pagkagastusan, ano ito?

“Shoes. Kaya nga andito talaga ko ngayon. Shoes talaga,” paglalahad niya.

Bukod kasi sa fashion show, kung saan inirampa ng models ang mga sapatos, ay nabigyan din ng pagkakataon ang mga bisita sa event na maunang makabili ng limited edition designs.

Nang tanungin nga kung ano ang paborito niyang brand ng sapatos, agad niyang sagot, “Parisian.”

Paliwanag niya, “Hindi, actually, alam mo, nag-start ako sa showbiz, bumili ako sa Parisian, iyong ginamit ko sa first film ko…

“Sa isang eksena na nagsasayaw ako, buong taping namin... isang eksena sa movie matagal, 'di ba? So, sayaw lang ako nang sayaw."

Ang pelikulang ito ay ang My Bestfriend's Girlfriend (2008), na pinagbidahan nina Marian Rivera at Richard Gutierrez.

Dito ay ginampanan ni Chariz ang isang comic supporting role, kung saan ma-nominate siya para sa New Movie Actress award sa 25th PMPC Star Awards for Movies, at Breakthrough Performance award sa 6th Golden Screen Awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bumili ako ng pumps from Parisian… iyon pa lang iyong nag-uumpisa na ibang level na iyong shoes nila.

“Sabi ko, bumili ako, 600 [pesos] lang. Tapos tumagal iyong shoes na iyon, ang dami kong napaggamitan.

"Ang tibay niya tapos hindi siya masakit sa paa,” kwento ni Chariz.

Dagdag niya, “And yung Michael Antonio 'tsaka Jessica Simpson na sapatos, favorite ko talaga.”

Ano namang mga fashion items ang paborito niyang suotin?

“Siguro, favorite ko kasi na suot every day, iyong mga yoga bra. Iyan.

"Kasi hindi talaga ko mahilig mag-bra katulad ng mga ibang babae to emphasize the breast, kasi hindi ko kailangan."

May kalakihan kasi ang dibdib ni Chariz, habang balingkitan naman ang buo niyan katawan—isa sa dahilan kung bakit napabilang ang komedyana sa listahan ng FHM 100 Sexiest ngayong taon.

Patuloy ni Chariz, “Siguro bag, hindi pwedeng walang bag.

"Accessories, watch, and... ano pa ba? T-shirt.

"Siguro iyong boyfriend shirt, iyan. And shorts,” pagiisa-isa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN