RR Enriquez opens nail spa and skin care business

IMAGE Noel Orsal


Matapos ang apat na buwang paghahanda, binuksan na noong unang araw ng Setyembre ni RR Enriquez at Jayjay Helterbrand ang negosyo nilang ReJuva Skin Care and Nail Spa, sa Timog Avenue, Quezon City.


Ang hilig ni RR Enriquez sa pagpapaganda ang naging inspirasyon niya upang itayo ang kanyang negosyo na ReJuva Skin Care and Nail Spa.

Kasyoso niya rito ang kanyang boyfriend, ang PBA Barangay Ginebra Kings Point Guard/ Shooting Guard, na si Jayjay Helterbrand.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press kay RR kung hindi ba nailang si Jayjay na pangbabae ang negosyo nilang magkasintahan.

“He has to kasi wala akong pera, kailangan niyang magbigay ng pera!” pabirong sagot ng aktres, sabay tawa nang malakas.

“Una, siyempre, hesitant siya. Sabi niya gano’n, ‘malulugi ka diyan, ma-ano ang pera mo.’

“Then after that sabi ko, ‘Babe, dito tayo yayaman. Trust me, yayaman ka sa akin,’ sabi kong gano’n.”

Nakausap ng PEP si RR sa blessing ng ReJuva Skin Care and Nail Spa noong Setyembre 28, sa Timog Avenue, Quezon City.

HANDS ON. “Very hands on” daw sina RR at Jayjay sa kanilang negosyo.

Apat na buwan sila naghanda bago ito nabuksan noong unang araw ng Setyembre.

Kuwento pa ni RR, noong gabi na sinabi niya kay Jayjay na gusto niya ng ganitong negosyo, kinabukasan ay naghanap na agad siya ng magandang lokasyon.

Maging sa pag-iisip ng disenyo ng lugar at pagha-hire ng empleyado ay nakamasid si RR.

“Minsan nga ako pa naglilinis dito, e,” pagbabahagi pa ng Kapamilya actress.

“Totoo, totoo, minsan tinutulungan ko ‘yong mga workers ko. At least alam nila na ako, mahal ko ‘tong place na ‘to, inaalagaan ko ‘to, masipag ako.

“Pinapakita ko sa kanila na kahit amo ako, hindi ako ‘yong magpapakataas sa kanila, di ba?”

Bukod pa rito, kasama niya rin nag-training ang kanyang mga tauhan sa loob ng apat na buwan, upang maging “aware” rin siya sa procedure ng mga serbisyong kanilang ibinibigay sa mga costumer.

THE SERVICES. Samantala, siniguro naman ng Kapamilya actress na siya mismo’y dito na sa ReJuva nagpapa-“beauty.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katunayan, noong blessing ng kanyang negosyo’y nagpi-peel pa ang balat ng aktres, patunay na katatapos lamang niya mag-undergo ng treatment.

Kung ang kaibahan naman sa ibang nail spa and skin care clinics ang pag-uusapan, masasabi ni RR na “one stop beautification” place ang ReJuva.

Aniya, “Kasi sa iba, di ba, skin care tsaka puro mga ano sila, may operation, gano’n, sa amin, wala, puro non-invasive.

“Tapos ‘yong mga workers rin namin dito puro mga nurse, puro nagpe-facial, ‘yon ang requirement ko.

“Then aside do’n, kasi ‘yong iba, di ba, skin care lang or cleaning ano lang, sa amin, bukod sa merong gano’n, meron pang nail spa.

"So pinag-combine na namin, parang one stop beautification.

“Kulang na lang salon talaga, which is by next year gagawin namin. Para talagang one stop, para lahat nando’n na, isang puntahan ka na lang.”

Pagmamalaki pa ni RR sa kanilang mga services, “Hindi siya sobrang mahal, hindi siya katulad ng iba na sobrang mahal.”

IMPORTANT INVESTMENT. Bilang isang artista, sinabi ni RR na napakahalaga na may pinupuntahang tama ang kanilang pera.

Maigi raw na mag-invest sa mga negosyong may koneksyon sa kanilang hilig, na sa kaso niya’y pagpapaganda.

Ani RR, “Siyempre, hindi mo maaasahan ang showbiz, e, ngayon kung wala ka nang work, e, di wala, wala kang paghuhugutan ng pera.

“So, halimbawa mayroon kang naipon, hangga't maaari, i-invest mo kaagad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN