Iza Calzado and boyfriend Ben Wintle make first public appearance at the 2012 Esquire Ball

IMAGE 0


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ng PEP.ph (Philippine Entetainment Portal) na magkasama sa isang public event si Iza Calzado at ang Filipino-British boyfriend nitong si Ben Wintle. Dumalo ang magkasintahan sa naganap na Esquire Ball kagabi, Oktubre 2, sa Shangri-La Hotel Makati.


Isa na namang maningning at matagumpay na Esquire Ball ang naganap kagabi, Oktubre 2, sa Rizal Ballroom ng Shangri-La Hotel Makati.

Ipinagdiwang ng Esquire Philippines Magazine ang kanilang unang anibersaryo sa pamamagitan ng isang magarbong party na dinaluhan ng mga businessmen, politicians, socialites, at ilang showbiz personalities.

KAPATID. Kabilang sa mga dumalo ay ilang talents ng TV5 talent-reality show na Artista Academy.

Pares-pares na pumasok sa venue sina Vin Abrenica at Sophie Albert, Chanel Morales at Akihiro Blanco, at Mark Neumann at Shaira Mae.

Kasunod din nila ang isa sa primetime princesses ng TV5 na si Ritz Azul. Kasama niya ang model-TV host na si Daniel Matsunaga.

Naroon din upang mag-cover para sa kanyang TV show na Ang Latest si Divine Lee. Kalaunan ay dumating naman ang nobyo niyang si Victor Basa.

Naroon din ang Enchanted Garden star na si Ruffa Gutierrez.

Dumating din ang Wil Time Big Time host na si Shalani Soledad kasama ang asawang si Pasig City Represenative Roman Romulo, kapatid ng editor-in-chief ng Esquire na si Erwin Romulo.

Namataan din ng PEP ang news anchor ng TV5 na si Martin Andanar.

KAPAMILYA. Ilang Kapamilya stars din ang dumating sa party gaya ng TV host na si Bianca Gonzalez.

Umagaw naman ng pansin ang aktres na si Iza Calzado dahil kasama nitong dumating ang kanyang Filipino-British boyfriend na si Ben Wintle.

Ito ang unang pagkakataon na namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magkasama sa public event ang magkasintahan.

Dumalo rin ang young actor na si Alex Castro at Singaporean actress turned radio DJ na si Carla Dunareanu.

Kasama rin nila si Albie Casiño na hanggang ngayon ay natatanong pa rin ng media tungkol sa dating karelasyon na si Andi Eigenmann.

Hindi rin nawala sa guest list ang It's Showtime host na si Anne Curtis, girlfriend ng contributing editor ng Esquire na si Erwan Heussaff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Naroon din ang co-host ni Anne na si Jugs Jugueta, kasama ang nobya nitong radio DJ na si Andrea Aguirre.

KAPUSO. Dumating din ang ilang personalities mula sa GMA-7, kabilang ang award-winning journalist ng kanilang news team na si Howie Severino.

Nagguguwapuhan naman ang Kapuso studs na sina Alden Richards, Enzo Pineda, at Rocco Nacino sa suot nilang makukulay na suits.

Agaw-atensiyon din ang mirror ball suit na suot ng Startalk at Party Pilipinas host na si Tim Yap.

Dumating din si Lovi Poe, na sinundo pa ni Rocco sa entrance ng hotel. Tila nagiging close ngayon ang dalawa dahil sa ginagawa nilang teleserye para sa GMA-7 na pinamagatang Yesterday's Bride.

USUAL SUSPECTS. Hindi rin siyempre nawala sa party ang mga kaibigan—at kapwa celebrity—ng fashion director ng Esquire na si Raymond Gutierrez.

Naroon sina Solenn Heussaff, Georgina Wilson, Liz Uy, Nicole Andersson, at iba pa.

Pinakamaagang dumating sa venue ang comedienne-host na si Giselle Sanchez, na siyang nag-host ng livestream red-carpet coverage ng PEP.ph at SPOT.ph.

Si Edu Manzano naman ang nagsilbing host ng main program.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN