Lovi Poe's gown at Venice filmfest red carpet featured in Austrian newspaper

IMAGE Courtesy of Lovi Poe


Hindi akalain ng aktres na si Lovi Poe na mapi-feature sa isang banyagang pahayagan ang isinuot niyang gown sa red carpet ng Venice International Film Festival noong unang linggo ng Setyembre. Ang gown ni Lovi na idinisenyo ni Cary Santiago ay nasama sa mga pahina ng isang Austrian newspaper.


Na-feature sa isang sikat na newspaper sa Austria ang suot na gown ni Lovi Poe nang rumampa siya sa red carpet ng Venice International Film Festival last Seprember 6.

Kasama ni Lovi sa naturang fashion page ang Hollywood stars na sina Kate Hudson, Selena Gomez, at Vannessa Hudgens; at si Princess Charlotte Casigrahi ng Monaco.

Ayon kay Lovi, nalaman niya ang tungkol dito nang may nagpadala sa kanyang Twitter account ng larawan mula sa pahayagan.

Naging malaking balita ang pagrampa ni Lovi sa red carpet ng Venice International Film Festival kasama ang entourage ng pelikulang Thy Womb (Sinapupunan, na kinabibilangan din nina Ms. Nora Aunor, Mercedes Cabral, at Direk Brillante Mendoza.

Suot noon ni Lovi ang isang black-laced body-hugging gown na gawa ng Filipino designer na si Cary Santiago.

PHILIPPINE MADE. Masayang-masaya si Lovi dahil malaking tulong daw na na-feature ang gown ni Cary sa international magazines at newspapers.

Saad ni Lovi, “Every time na tinatanong ako ng mga reporters sa Venice na ‘Who are you wearing?’ proud kong sinasabi na, 'It’s a Filipino designer named Cary Santiago.'”

Si Cary Santiago ay kilalang fashion designer mula sa Cebu. Nakilala siya dahil sa kanyang laser-cut works at paggamit ng doily patterns, tulad ng suot na gown ni Lovi sa Venice filmfest.

Naging designer din si Cary sa Beirut, Lebanon at Dubai, U.A.E.; at nakapag-train din siya sa Paris, France.

Kuwento pa ni Lovi, “Noong may mag-tweet sa akin nung page ng Austrian newspaper, nakakatuwa kasi nakatulong ako sa isang kapwa Pinoy natin na mabigyan ng magandang exposure ang ipinasuot niyang gown sa akin.

“Hindi ko nga alam na hanggang Austria umabot ang photo ng gown ko.

"And hopefully ma-feature din ang gown sa iba pang mga magazines worldwide.”

BAYANIHAN. Dagdag pa ni Lovi, sila-sila raw ng delegasyon ng Thy Womb ang nagtulungan na mag-ayos ng kanilang mga sarili para sa paglakad nila sa red carpet sa Venice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala akong kasamang make-up artist or stylist. Ako lang ang nagdala ng mga isusuot ko.

“Dumating nga ako kami sa hotel, bitbit ko ang sampung gowns.

"Nagpatulong ako kina Direk Dante at Mercedes kung ano ang babagay sa akin on the red carpet.

"Ang napili nila ay yung black-laced gown ni Cary Santiago.

“I also did my own makeup and I just pulled up my hair kasi wala nang time para ayusin ko pa siya.

“Kung alam lang nila kung gaano kami kangarag bago kami lumakad sa red carpet, maloloka sila!

"But once we were there sa red carpet, hindi na halata na ngarag kami.

“In-enjoy na namin ang attention na ibinigay sa amin ng international press.

"Sulit ang pagiging ngarag namin doon,” sabay tawa ni Lovi.

TIKTIK. Samantala, busy ngayon si Lovi sa promotion ng pelikula niya with Dingdong Dantes, ang Tiktik: The Aswang Chronicles.

More than 18 months daw nilang ginawa ang pelikula sa isang location gamit ang green screen para ma-create ang nakakatakot na special effects.

Lahad ng Kapuso actress, “Nag-shoot kami ng entire movie sa loob lang ng isang malaking abandoned factory sa FTI in Taguig City.

“Lahat ng scenes sa movie ay dun lang kinunan and nakakabilib ang ginawa nilang special effects.

“It’s great to know na nagagawa na rin ng mga Pinoy ang mga nagagawang effects ngayon sa Hollywood.”

Nakapanayam ng PEP si Lovi sa PostManila Production House in Makati City last September 26.

Sa pelikula ay ginagampanan ni Lovi ang role na Sonia, isang babaeng nabuntis at nilayasan ng kanyang boyfriend na si Makoy (played by Dingdong). Bumalik siya sa kanilang probinsiya na pinamumugaran pala ng mga aswang.

Saad ng Kapuso actress, “What’s challenging about the film ay yung interaction namin with the aswangs na ike-create through special effects.

“So sisigaw at tatakbo ka with no one there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi madali kasi kailangan tamang-tama lang yung distance. May sukat ang lahat ng eksena namin.

“First time ko kasi to work with a chroma wall or what they call the green screen. Nakapalibot siya sa buong set to create the scenes.

“Noong mag-dub kami ng ilang mga lines, nakita ko na yung mga scenes na kinunan.

"I was really amazed kasi parang nasa malayong location kami.

“All of it was created by special effects at ang maganda pa ay mga Pinoy ang nagtrabaho para sa movie namin.

“Kaya na nating makipagsabayan sa paggawa ng special effects movies.

“Hopefully, Tiktik will be the start of these kind of movies na gagawin sa Pilipinas.

"And I heard it will also be distributed sa ibang Asian countries.

“I feel so proud to be part of this project. Talagang pinaghirapan naming gawin ito.”

Ang Tiktik ang ikatlong pelikula ni Lovi ngayong taon; pagkatapos ng Guni-Guni at Thy Womb.

Bukod dito ay ginagawa rin niya ang The Bride and The Lover with Jennylyn Mercado and Paulo Avelino; Lihis with Jake Cuenca and Baron Geisler; at Shake, Rattle & Roll 14 with Vhong Navarro.

Inumpisahan na rin ni Lovi ang kanyang taping para sa bagong GMA-7 afternoon drama series na Yesterday’s Bride kunsaan ka-partner niya si Rocco Nacino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN