Ciara Sotto defends dad Senator Tito Sotto against critics of his emotional Senate speech

IMAGE Noel Orsal

Ipinagtanggol ni Ciara Sotto ang kanyang amang si Senador Tito Sotto, matapos ang emosyunal nitong talumpati sa Senado kahapon, Agosto 13, kaugnay ng kanyang pagtutol sa RH Bill. Sabi ni Ciara sa kanyang Twitter account, “And no, I will not shut up when it comes to my family. I hope one day, if u have ur own child, he/she will b proud enough to stand up for u.”


Ipinagtanggol ng actress-TV host na si Ciara Sotto ang kanyang ama na si Senador Tito Sotto, matapos ang emosyunal na talumpati ng comedian-turned-senator sa sesyon ng Senado kahapon, Agosto 13.

Ito ay kaugnay ng pagtutol ni Senator Sotto sa isinusulong na RH Bill—o Reproductive Health and Population and Development Act of 2010—sa Kongreso.

Ayon kay Senator Sotto, pumanaw ang dapat sana'y panganay niyang anak na lalaki dahil sa paggamit diumano ng contraceptives ng kanyang asawa, ang beteranang aktres na si Helen Gamboa.

Sinusuportahan ng RH Bill ang paggamit ng contraceptive methods upang malimitahan ang pagbubuntis ng mga mag-asawa.

Sa kuwento ni Senator Sotto, pagkatapos maisilang ni Helen ang kanilang panganay na anak na si Apples noong 1973, pinayuhan sila ng kanilang kaibigang doktor na gumamit ng contraceptive.

Abala daw noon si Helen sa kanyang showbiz career.

Makalipas ng isang taong paggamit ng contraceptive ay nabuntis muli si Helen.

Isinilang ng actress-singer ang kanilang pangalawang anak, isang lalaki, noong Marso 13, 1975—si Vincent Paul.

Sinabi raw ng mga doktor mula sa Makati Medical Center na mahina ang puso ng sanggol kaya kinailangan nitong sumailalim sa blood transfusion halos araw-araw.

Sabi ng senador, “The Makati Medical Center can prove to the fact na wala silang makita na dahilan kung bakit nagkaganun 'yong bata kundi dahil nagko-contraceptives 'yong asawa ko.

“Nabuntis pa rin kahit na gumagamit ng contraceptives.”

Limang buwan lamang nabuhay si Vincent Paul dahil pumanaw ito noong Agosto 13, 1975.

“He was born but he never left the hospital,” pag-alala ng senador.

“The Makati Medical Center said he died because my wife used contraceptives.

"Even her doctor admits to the fact, Dra. Enverga Santos.”

Labis daw ang pagkalungkot ng senador at ng kanyang asawa sa pagpanaw ng kanilang anak na lalaki.

Napagtanto raw ni Senator Sotto na ang pagtutol sa RH Bill pala ang magiging misyon niya kaya nangyari ang yugtong iyon sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi pala, magiging misyon ko ito, pala para ipaglaban ko ang karapatan na mabuhay ang maraming inosenteng bata na kikitilin ang buhay ng bill na ito.”

Hindi na nagawang ipagpatuloy ng senador ang kanyang speech dahil naging emosyunal ito.

Hiniling niya na tapusin niya ang kanyang talumpati sa session ng Senado ngayong araw, Agosto 14.

CIARA REACTS. Umani man ng positibong reaksiyon ang pagtutol ni Senador Sotto sa RH Bill, marami rin ang bumatikos dahil sa pagiging emosyunal nito.

Hindi naman napigilan ng bunsong anak ng senador na si Ciara Sotto na sagutin ang mga kritisismo sa Twitter.

Habang kausap ang isa niyang follower, sinabi ni Ciara sa kanyang Twitter account kahapon, August 13:

“@karadelarosa daming Bastos sa twitter grabe! Ang lilinis eh!!!!”

“@karadelarosa hahahahaha!!! Hiyang hiya naman ako sa kalinisan nila! Kawawa naman daddy ko.”

Kasunod nito, ibinahagi ni Ciara kay ABS-CBN news anchor Karen Davila, sa pamamagitan din ng Twitter, ang “trauma” na inabot ng kanyang ina na si Helen Gamboa matapos pumanaw ang kanyang kapatid.

“@Karen_DaviLa yes ate that's true and to this day, my mom wouldn't visit any nursery because of the trauma.”

Pahayag niya pa sa mga “bashers” ng kanyang ama:

“My parents experienced losing a child. Bashers/haters can't change that fact. Sana it wont happen to any of you.”

Hanggang ngayong araw ay patuloy pa rin ang pagdepensa ni Ciara sa kanyang ama sa Twitter.

Aniya, “Do we really need to insult a person we don't agree with?... You think it helps?”

Sagot pa niya sa mga kumukuwestiyon sa kanyang pagdepensa sa kanyang ama:

“I'm not as breakable as you think. I choose not to be like you. If God is for us, who can be against us?”

“And no, I will not shut up when it comes to my family. I hope one day, if u have ur own child, he/she will b proud enough to stand up for u.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN