Dingdong Dantes says Marian Rivera inspires him to take good care of his looks

IMAGE Noel Orsal


Bilang public figure, lubos na naiintindihan ni Dingdong Dantes ang responsibilidad niya na pangalagaan ang kanyang sarili. Kabilang sa kanyang beauty and grooming regimen ay ang pagpapatanggal ng unwanted fat sa isang sikat na medical clinic. Pero hindi raw lahat ng uri ng beauty service ay gusto ni Dingdong. Aniya, isa raw sa pinakaayaw niya ang foot scrub.


Ipinagmalaki ni Dingdong Dantes sa press conference ng Belo Men ang matagal na niyang “relasyon” sa beauty company.

Taong 2008 pa nang simulang i-endorso ng aktor ang kumpanya, at hanggang ngayon nga ay nakasuporta pa rin ito sa anumang proyekto niya.

Ayon kay Dingdong, buwan-buwan kung magpunta siya sa Belo clinic.

“May mga bago silang services kasi, like iyong huling ginamit sa akin, iyong parang iinitin sabay kukuryentehin ka.

“Dito sa likod ako [ginamitan noon] dahil may stubborn fat ako riyan na kahit anong gawin ko, iyon ang pinakahuli [na nawawala].

“Pero iyon daw, kung gusto mong maging effective, once a month lang daw iyon.

"Pero ang ginawa ko noong time na iyon, once a week.”

BEAUTY PET PEEVES. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kay Dingdong noong October 9, sa Annabel’s Restaurant, Quezon City, may nagtanong kung vain daw ba ang aktor.

Sagot nito, “Siguro alam ko lang ang gusto ko.

“Magkaiba ang vain atsaka walang pakialam. Siguro… nandoon ako sa gitna.”

Kung may isang parte sa katawan niya na masasabi niyang banidoso siya, sa aling parte ito?

“Sa buhok,” mabilis niyang sagot.

Binanggit din ni Dingdong ang mga beauty and grooming services na ayaw niya.

“Ayoko ng foot scrub. Ayoko no’n," mabilis nitong sagot.

“Gusto ko ng nagpapa-foot massage, pero kapag may ginagano’n [kinukuskos] na, ayoko.

“Nakikiliti ako, e,” paliwanang ng aktor.

“Merong isang beses [na nagpa-foot scrub ako], pero hindi na inulit.

“Meron pa na wax… iyon hindi ko na inulit iyon.”

Natanong din si Dingdong tungkol sa isang uri ng foot care service—ang fish spa, kung saan nilulublob ang paa sa pool na puno ng maliliit na doctor fish.

Ang mga doctor fish ang kakagat sa paa at binti ng customer upang tanggalin ang mga dead skin cells.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Dingdong, “Ay, iyon nakita ko iyon, sabi ko, ‘Ayoko.’”

FACIAL CARE. Inusisa rin ng PEP ang grooming regimen ni Dingdong pagdating sa kanyang mukha.

Aniya, mabilis lang daw siyang maglinis at ginagawa niya ito tuwing gabi bago matulog.

“Mabilis lang, walang two minutes, three minutes.

“Dati kasi, minsan pagod na pagod ako, nakakatulog na, hindi ko na natatanggal ang makeup, o galing man sa init ng araw, tulog agad.

“Imagine doing that for so many years. So it’s about time, payback time, na alagaan ko naman ang ibinigay sa akin ng Panginoon.

“So before going to bed, iyon lang, hugasan mo lang para matanggal kung anong wala dapat diyan.”

MARIAN'S INFLUENCE. Isa pa sa mga tinanong kay Dingdong ay kung naiimpluwensiyahan ba siya ng nobyang aktres na si Marian Rivera pagdating sa pag-aalaga sa kanyang sarili?

“Of course, siyempre. Like, sa taping, nakikita ko siya kung gaano siya kabanidosa—na talagang inaalagaan niya iyong kanyang hitsura. Kaya tingnan niyo naman ang hitsura [ni Marian].

“So, kahit hindi niya sabihin sa akin directly, nakikita ko kung paano niya binibigyan ng importansiya ang ganoong bagay.

“Siyempre, iisipin mo as a man, ‘Pambabae lang naman iyon.’

"But especially in my kind of work, kailangan ko rin mamulat sa katotohanan that [I] really have to take care of myself.”

May pagkakataon ba na si Marian mismo ang naglinis sa kanyang mukha?

“Siguro isang beses,” natatawang sagot ni Dingdong.

Minsan nang nabanggit ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez na madalas raw niyang pahiran ng cream ang mukha ng asawang si Richard Gomez habang ito’y natutulog.

Nangyari na rin ba kay Dingdong ang ganoong karanasan?

“Ay, hindi naman,” natatawa niyang sabi.

“Siguro minsan lang sa taping… My Beloved yata iyon. May putik-putik ako, parang siya ang isa sa nagtanggal no’n, natatandaan ko, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN