Vandolph on fondness for tattoos: “Tattoo kasi is an art, e. If you can’t express it sa words or anything, explain it through art.”

IMAGE 0


Sa nakaraang Dutdutan Festival ay muling nagpa-tattoo ang young comedian na si Vandolph. Sa pagkakataong ito ay mukha ng kanyang panganay na anak na si Vito ang disenyo ng bagong tattoo niya.


Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vandolph last September 29 sa World Trade Center habang nagpa-tattoo.

Sa araw na iyon ay idinaos ang taunang Dutdutan Festival, ang selebrasyon ng mga tattoo lovers at tattoo enthusiasts.

Matapos ang tattoo session ay nakausap ng PEP si Vandolph.

Bakit nakahiligan niya ang pagpapa-tattoo?

Sagot niya, “Tattoo kasi is an art, e. If you can’t express it sa words or anything, explain it through art.”

Hindi ito ang unang beses na nagpa-tattoo si Vandolph.

Kuwento ni Vandolph, “Una akong nagpa-tattoo noong naaksidente ako, butterfly design siya para sa girlfriend kong namatay.”

Ang tinutukoy ni Vandolph ay si Desiree “Ishi” Raquiza na namatay sa car accident noong 2001, kunsaan kasama rin ang young comedian.

“Kasunod nun ay eternal cross, tapos yung tribal sa likod, tapos portrait ng dad ko nung bago siya nawala.”

Bago pa man pumanaw ang kanyang ama na si Dolphy ay nagpa-tattoo na rin silang magpi-pinsan ng portrait ng Comedy King.

Ang bagong design ng tattoo ni Vandolph ay litrato ng kanyang panganay na anak na si Vito Quizon.

Paano kaya siya nahikayat na magpa-tattoo muli?

Kuwento niya, “Sa ngayon, isa sa mga friend ko ay nagtanong kung puwede ba akong maging model.

"So, sabi ko, okay lang. So, ayun, mukha naman ng anak ko.

“Anak ko po ‘yan, junior ko ‘yan—Vito Van Jesus name niya.”

TATTOO IS AN ART. Ano ang hinahatid na kasiyahan sa kanya kapag nagpapa-tattoo siya?

Tugon ni Vandolph, “Ano, e, art siya talaga, e.

“For me, lahat naman sa atin is artist, e—in different aspects.

“So, ako, marami akong friends na tattoo artists.

“So by doing this art, I can express something na other people doesn’t know, di ba?

“Makikita lang nila na, ‘Uy, sino ‘yan?’ Hindi ko na kailangang sabihin, ‘Uy, anak ko ‘yan…’ mga ganung simpleng bagay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagakatapos niyang maipa-tattoo ang mukha ng panganay niya sa kanyang braso, kaninong mukha naman kaya ang susunod niyang ipapa-tattoo sa kanyang katawan?

Sabi ni Vandolph “Kasi ako, ang pinapa-tattoo ko lang may connection sa buhay ko.

“Pero I’m planning a portrait ng daughter ko… ‘tsake wife ko.”



ON MOM ALMA. Dati nang naiulat dito sa PEP na isa si Vandolph sa nakapigil sa hangarin ng inang si Alma Moreno na tumakbo sa pagka-senador.

Kaya noong October 5 ay nag-file si Alma ng kanyang kandidatura bilang konsehal sa Parañaque pa rin.

Saad ni Vandolph, “Hindi na namin siya pinayagan mag-senator at, ayun, tatakbo ulit siyang councilor for her last term—and we’ll see after that, tingnan natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN