Wendell Ramos avoids question about his lovelife: “Malalaman mo pag meron. Basta, happy ako sa mga anak ko.”

IMAGE 0


Pinagtutuunan ng pansin ngayon ni Wendell Ramos ang kanyang mga anak. Kuwento ng aktor tungkol sa kanyang panganay, “Wala namang problema doon, e. Basta ayusin niya yung studies niya. Kahit anong gawin niya, okay lang, mag-basketball player siya, mag-varsity or whatsoever.”


Sa nalalapit na pagtatapos ng "eco-fantaserye" ng TV5 na Enchanted Garden, may kasunod agad na proyekto si Wendell Ramos.

Ang sasalo kay Wendell ay isang bagong action-serye na pagbibidahan ni Derek Ramsay, ang Kidlat, sa Kapatid Network pa rin.

Inaasahan niyang makakatanggap na siya ng call slip para sa taping niya sa susunod na buwan bago i-launch ang action series.

Sa location taping ng Enchanted Garden sa Dinalupihan, Bataan, noong Lunes, October 8, marami pang balita si Wendell sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ginagawa rin niya ngayon ang pelikulang Bayang Magiliw.

Kuwento ni Wendell, “Eto yung kay direk Gil Portes—eto yung about the town mayor. Makakasama ko rito sina Luis Alandy, Jackie Lou Blanco.

“Parang mainstream indie film na rin siya dahil malaki yung cast— nandito rin si G. Toengi, Lloyd Samartino, Rob Sy.

“Marami pa, e… sina Tito Tony Mabesa and with the stage actors.

“It’s about a young mayor na hindi siya pabor sa RH [Reproductive Health] bill and based on a true story.

“It’s a black comedy na nangyari rin talaga.

“It’s about the mayor na marami siyang inanakan sa bayan ng Magiliw—kaya siya Bayang Magiliw—hindi siya Lupang Hinirang.”



MORE MOVIES. Bukod dito, kasama rin si Wendell sa cast ng launching movie ni Meg Imperial na Menor De Edad, na idinidirehe ni Joel Lamangan.

Dark ba ang character niya sa movie at siya ba ang "magbibinyag" sa lead character?

Tugon ng aktor, “Hindi ko pa alam, e, pero parang may ganoon. Sabi sa akin, may twist naman yung character.

“Hindi ko puwedeng sabihin yung buong istorya. Pero ang role ko, isang professor na na involved sa isang estudyante niya played by Meg.

“Nandito rin sina Ara Mina, Jaycee Parker.”

Kabilang din si Wendell sa tinatapos na Metro Manila Film Festival 2012 (MMFF) entry na El Presidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay produced at pagbibidahan ni Laguna Governor ER Ejercito at tampok ang Superstar na si Ms. Nora Aunor.



GAG SHOWS. Kahit gumagawa ng drama projects si Wendell, nakatatak pa rin si Wendell bilang isang komedyante.

Hindi ba niya nami-miss ang mag-comedy tulad ng ginagawa niya sa Bubble Gang ng GMA-7?

Tugon niya, “Nami-miss ko… siyempre, hindi na mawawala yun. Yung Bubble Gang na pinanggalingan ko at sa yung Lokomoko U [TV5].

“Hindi na mawawala yun. Masarap gawin yung mga ganoong genre pero mahirap rin naman.”

Sa dalawang taong pag-alis niya sa Bubble Gang, hindi ba siya nanabik sa mga dati niyang kasamahan sa show?

“Hindi naman masyado… kasi kapag Bubble Gang ang napapanood ko, ipinapalipat ko sa TV5,” seryosong sabi ni Wendell.

“Hindi, pero sinabi ko ‘yan talaga kay Bitoy [Michael V.] noong nagkita kami one time sa tribute kay Tito Pidol [Dolphy Alay Tawa].

“Sabi ko sa kanya, ‘Pare, minsan pag Bubble Gang na, hindi na ako nanood talaga, e, kasi nami-miss ko talaga, e.’”



MISSING HIS FRIENDS. Talagang nasasabik din daw si Wendell sa mga dati niyang co-star sa Bubble Gang.

Wika niya, “Oo naman, kasi matagal ko rin silang nakasama. Marami rin akong natutunan sa kanila, e.”

Si Rufa Mae Quinto ay lumipat din sa TV5 pero nagagawa pa rin niyang sumama sa Bubble Gang. Puwede rin bang gawin ito ni Wendell?

“Ay, ‘yan ang hindi ko na masasagot. It’s up na rin sa PPL—kina Perry [Lansigan, his manager] at sa GMA.”

Ano ba ang kontrata ni Wendell sa TV5?

“Non-exclusive. Pero considered na exclusive pa rin… wala namang masyadong inclusions sa contract.

“Dahil lang sa meron ring gag show ang TV5 kaya hindi ko gustong gumawa ng kaparehong format.”

Pero sa pelikula ay puwedeng tumawid ng bakod si Wendell, gaya nang gawin niya ang Wedding Tayo, Wedding Hindi sa Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naka-sign na ako ng contract sa TV5 noong gawin ko ‘etong project sa Star Cinema,” paliwanag niya.

Nakaka-bonding pa rin ba niya ang mga dating kasamahan sa GMA-7 kahit magkahiwalay na sila ng istasyon?

“Si Antonio [Aquitania] lagi kong kasama, e. Ever since, hindi naman kami naghiwalay.

“Kahit ngayon, parang almost every day nagpupunta yun sa bahay basta wala siyang work,” kuwento ni Wendell.



WELL KEPT SECRET. Tungkol naman sa kanyang lovelife, isa si Wendell sa mga artistang magaling magtago ng kanilang lovelife.

Hanggang ngayon ay nananatiling pribado ang personal life ni Wendell.

“Yes, siguro yun na lang ang time para sa sarili ko,” umpisa niyang esplika.

“Mas magandang tahimik na lang ako. Meron rin akong anak, I’ve got kids.

"Mas maganda pag wala akong work as normal na ganoon na lang.”

Maging ang mga anak niya ay hindi niya masyadong inilalantad sa showbiz, pero ipinagmalaki ni Wendell ang mga achievement ng mga ito.

“Ngayon, kakatapos lang niya ng commercial ng Jollibee which is ume-air ngayon. Siya yung kid doon na parang pilyo.

“But, right now, ganoon pa lang siya… thirteen na siya.

"Yung younger ko naman, magsi-six pa lang.”

Ini-encourage ba niya ang eldest niyang pumasok sa showbiz?

“Uhm… mas ini-encourage ko siyang mag-focus sa studies niya.

“But, kung gusto niyang gawin yun, mag-aral muna siya—wala namang problema, e.

“Wala namang problema doon, e. Basta ayusin niya yung studies niya.

“Kahit anong gawin niya, okay lang—mag-basketball player siya, mag-varsity or whatsoever.”

Base sa obserbasyon ni Wendell, saan niya nakikitaan ng interes ang mga anak niya?

“Ang mga bata ngayon more on basketball, e, into sports naman.”



MOST HAPPY AND THANKFUL. Pagdating naman sa kasal, wala ba siyang balak magpakasal o baka naman secretly married na siya?

“Wala, wala pa. Malalaman mo pag meron.

"Basta, happy ako sa mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, sa TV5, yung mga director na nagtitiwala na bigyan tayo ng hindi naman basta-basta role na simple lang—it’s an honor.”

Hindi masagot nang diretso ni Wendell kung masaya ba siya sa kanyang lovelife.

Sa halip, pinasalamatan niya ang kanyang manager, ang GMA-7 na pinanggaligan niya, lalo na ang Kapatid network na nag-aalaga sa kanyang TV career ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN