FIRST READ ON PEP. Chito Alcid on incident with Annabelle Rama: "Naghabulan kami, hinabol niya ako! Paikot-ikot, may dala siyang panusok, may dalang kung anu-ano..."

IMAGE Noel Orsal (main)/ Facebook (inset)

Annabelle Rama (main photo) reportedly attacked Chito Alcid (inset) at the wake of Dolphy at the Heritage Memorial Park on July 13. According to Alcid, the incident was witnessed by about "a hundred big stars."

Click here to view the gallery


Bahagyang nagkagulo kagabi, July 13, sa lamay ng Comedy King na si Dolphy sa Heritage Park, Taguig City.

Ito ay matapos umanong awayin ni Annabelle Rama ang entertainment columnist at showbiz personality na si Chito Alcid sa isang kuwartong puno ng malalaking artista.

Ayon mismo kay Chito at sa ibang witnesses, hinabol-habol ni Annabelle si Chito habang may hawak itong iba’t ibang pamalo at panusok.

Ang eksena ay nakunan ng ABS-CBN News. Sa isang maikling video na ipinalabas kagabi rin sa late-night news program nitong Bandila, ipinakita ang ambang pagpalo ni Annabelle sa isa umanong di makilalang manunulat.

Ipinakita rin kung paano awatin ni German “Kuya Germs” Moreno si Annabelle sa pamamalo, at kung paanong itinaboy ng ilang katao mula sa silid ang cameraman ng ABS-CBN.

Nangyari ang insidente bago mag-diyes ng gabi sa isang kuwarto sa Heritage Memorial Park, kung saan nagtipon-tipon ang mga dating artista ng Sampaguita Pictures. Ang pagtitipon ay bilang pag-alala kay Dolphy, na matagal nilang kasamahan sa Sampaguita.

Nang mga oras na iyon ay pinaglalamayan si Dolphy sa kalapit kuwarto.

Matapos ang insidente ay nagmamadaling umalis si Annabelle sa lugar. Mukhang balisa ito habang naglalakad palabas ng lobby ng building.

Pinoprotektahan siya ng isang bodyguard sa pamamagitan ng pagtatakip sa kanya ng jacket, malamang ay para di siya makuhanan ng litrato.

Halos isang oras matapos umalis si Annabelle ay saka lamang lumabas sa lobby si Chito. Nagbigay ito ng panayam sa media, kung saan makikitang galit na galit ito.

Mabilis ang kanyang delivery ng halos tatlong-minutong rant, o walang patlang na pahayag.

Matatandaang kinasuhan ni Annabelle si Chito ng libel noong nakaraang buwan dahil umano sa paninira nito sa kanya.

Kinasuhan din sa parehong libel charge sina Nadia Montenegro at Amalia Fuentes, na sa ngayon ay mga kaaway din ng talent manager.

(CLICK HERE to read story)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHITO ALCID'S FULL STATEMENT. Narito ang buong pahayag ni Chito Alcid para sa mga reporter na kumapanayam sa kanya:

“Everybody knows, lahat ng nanonood, kung anong klaseng babae siya, kung anong pagkatao niya.

"Lahat inaway na niya! Amo ng mga network, mga artistang hawak, mga, ewan ko—lahat, inaway niya na.

“Ngayon ako, magtataka kayo kung bakit ako inaaway? It's because, hina-harass niya ang media. Harassment 'yan! Sa inyo, ayaw nila na aanuhin, sisiraan.

"Pati nga si Eddie [Gutierrez], bakit daw pati si Ruffa [Gutierrez], sinisiraan ko. At saka, wala naman daw kaming pinag-awayan, si Annabelle lang.

“E, ngayon, si Annabelle, alam n'yo ba kung anong ginagawa sa akin? Tine-text ako niyan noon. Nandito...

"'At meron siyang kaso sa akin... Bugaw kang bakla ka, walanghiya ka!'

“Never in my life, God knows, at my age, 60, never akong nagbugaw.

"Baka siya, kilala niya, humarap siya sa salamin. Pero talaga, nasaktan ako, kasi bakit dito pa?

"Kay Dolphy, na hindi na niya nirespeto! This is the ultimate na kabastusan. Biro mo?

“At saka yung room doon ng Sampaguita Pictures, nandoon lahat sina Amalia, sina Susan Roces, sina Manay Ichu [Maceda]—lahat po ng mga respected na senior stars, nandiyan lahat.

“Ngayon, ang ginawa niya, talagang wala siyang pakialam. Naghabulan kami, hinabol niya ako!

"Paikot-ikot, may dala siyang panusok, may dalang kung anu-ano. Babatuhin ako.

"Bumagsak nga ako sa loob! Nakakahiya!

“Nag-sorry nga ako kay… ang dami. Siguro ang nandiyan, e, a hundred big stars, ang nakasaksi.

"At saka, nandiyan si Atty. Lorna Kapunan na magwi-witness sa akin, dahil sasampahan ko siya agad-agad ng kaso.

“Ito ang pinakamatinding kasong haharapin mo, Annabelle Rama! Dahil na-witness ng maraming tao!

"Talagang ang kabastusan mo, grabe! Talagang, ano ba, ano ba ang nasa panloob mong katawan?

“Ay naku, Eddie, bakit ganyan ang nangyayari? Kayo naman ang gumagawa! Umiiwas ako, umiiwas kami!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nung dumating ako dito, ang kasabay ko si Amalia Fuentes, si Daisy Romualdez, si Azenith Briones, at saka si Governor Chavit Singson.

“E magkaka-table kami. E siguro, nakikita niya na kami ni Chavit Singson. E, ang alam ko, bad trip na sa kanya yun.

"Kaya siguro, gigil na gigil siguro sa akin.

"Kaya, well, nasaktan talaga ako, pero hindi ako lumaban ng sigawan o kaya harm ng katawan.

“Kasi, hindi siya kapatol-patol.

"Kaya lang, nag-iingat lang ako, dahil ibang klase siya. Iba pagka-warrior niya, iba.

"Ewan ko. I'm so sad, dahil si Eddie, hindi naman ganyan ang imahe.

“Actually, ang ka-table nga nila kanina, mga maaayos na tao. Sina Manay Ichu, sina Armida, sina Susan.

";Tapos, e, wala, hindi kami nagpapansinan, magkatabi kami ng table.

"Nung mag-CR na ako, naku, nandun siya.

"Hinabol na ako, at pinagmumura.

“Naku, Annabelle, may hangganan ang mga ginagawa mong 'yan. Yung mga tao, siguro sukang-suka na!

"Dahil every time yata, e, every week may mga isyu tungkol sa iyo!

"Walang magandang bagay na isyung nangyayari sa iyo, kundi nang-aaway, nambabastos, nagmumura.

"At ngayon, nanakit pa! Ibang klase na 'yan.

"Ikaw ang gumagawa ng lalim ng iyong hukay, ng problema n'yo.”

ANSWERS. Matapos nito ay nakapagtanong ang press kay Chito. Unang itinanong ay kung anong kaso ang balak niyang isampa laban kay Annabelle.

“Aba, frustrated murder! Depende sa abugado 'yan. At saka, sabihan ka ng bugaw? E, sino ba ang bugaw? Ano ba 'yan?” sagot niya.

Sino ba ang umawat sa kanilang away?

“Si Governor Chavit Singson,” sagot ni Chito.

Sa palagay niya, bakit siya inaway ng talent manager?

Sagot niya, “Sinusulat ko na si Amalia ay binastos ni Ruffa dun sa Twitter. Na kahit hindi binanggit ni Ruffa, identified na si Amalia, dahil sinulat sa Abante. Yun yung kaso na hinaharap naman ni Amalia at ni Annabelle.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANNABELLE APOLOGIZES. Matapos ang insidente ay agad namang nagbigay ng pahayag si Annabelle sa pamamagitan ng pagpu-post sa kanyang Twitter account na @annabellerama2.

Pahayag niya, “hinampas” niya umano ang “fake reporter” dahil sa “yabang” nito.

Hindi raw kasi nagustuhan ng talent manager na sinisiraan nito ang kanyang mga anak.

Hindi pinangalanan ni Annabelle ang kanyang subject, ngunit mahahalatang si Chito ang tinutukoy niya.

Nagbigay rin ng paumanhin si Annabelle sa pamilya ni Dolphy dahil sa nangyari.

Saad niya, “To Zsa Zsa and the Quizon family, I am so sorry for what had happened at the dining area of the Heritage. I was provoked by a fake reporter”

(CLICK HERE to read story)

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ilathala ang mga pahayag ng sinumang apektado sa isyung ito.

Note: CLICK HERE for more photos related to this story


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN