Rachelle Ann Go on having Christian Bautista as guest performer in her concert: “Malaki'ng utang na loob ko sa kanya."

IMAGE 0


Saad ni Rachelle Ann Go kung bakit si Christian Bautista (inset) lang ang kasama sa concert niya at hindi kasali ang ex-boyfriends din niyang sina John Prats at Gab Valenciano: “Ang off naman kung igi-guest ko yung mga naging past ko, di ba?”


Magkakaroon ng sariling concert si Rachelle Ann Go, na pinamagatang Rise Against Gravity, sa Music Museum, ngayong Biyernes, October 26.

Sumalang sa live guesting sa H.O.T. TV si Rachelle upang i-promote ang kanyang concert na siya rin ang producer at ididirehe ni Rico Gutierrez.

Dito nag-exclusive interview ang PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) sa dressing room ng H.O.T. TV nitong nakarang Linggo.

Ilan sa confirmed guests ni Rachelle ay ang dating boyfriend na si Christian Bautista.

Bungad ni Rachelle, “Si Christian, may spot number siya.

“May duet kami ni Christian. Medley yun,” patuloy niya.

Kasama rin ni Rachelle ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

“Yung kay Sarah tungkol naman sa pagkakaibigan…ano siya, e.

“Kung ano yung gagawin naming production number, ibinase namin sa kung ano yung connection ko sa kanila.

“Si Ms. Regine naman, yung mga winning songs ko noong bata ako.

“Sumasali ako sa contest kasi gusto ko maging katulad niya.

“So, siya ang reason kung bakit ako sumasali sa mga competitions before.”


THROAT PROBLEM. May mga birit daw si Rachelle sa mga numbers niya sa concert kaya naman nakakaramdam siya ng matinding kaba ngayon.

Pagtatapat niya, “May problem kasi ako sa throat ngayon, may nodes kasi ako… yung bukol.

“Sa pagod, sa strain, pagka yung birit na… 'ayun.

“Siguro 'pag puyat, 'tapos may kanta ka, mai-strain yung lalamunan mo.

“Ang tagal na nito...one month. Kaya nga medyo ano ako sa Party Pilipinas, e. Yung mga kanta ko, mga mababa lang.

“Yun nga, matagal na. 'Tapos nagpa-check up kailan lang, sobrang lala niya.

“Sabi nga ng doctor ko, first time niyang makitang ganoon kalala yung condition ng vocal chords.

“So, nag-vocal rest ako magmula four days.

“Cancel lahat ng mga shows. Para siyempre, in preparation dito sa concert,” malumanay niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal na raw problema ni Rachel ang sakit niya sa lalamunan.

“Bumabalik-balik siya. Siguro reminder na rin na huwag abusuhin yung boses.

“'Tsaka...yun minsan, matagal akong di nagbo-vocalize. Reminder na rin lang.”

Ipapa-treat ba niya ang lalamunan or ipapaopera?

“A, hindi naman kailangan ng operation. May medicine naman akong iniinom.

“Sabi ng doctor, hopefully. Galing ako sa kanya noong isang araw, medyo okey-okey na kaysa nung nakita nga niya na sobra raw.

“Sabi niya, hopefully by Friday, okey na raw… Sana okey na, Lord,” asam niya.

“Pero ngayon kasi, medyo cracky siya. So, before the concert, ipapa-check up ko uli siya para sure.”

Sigurado bang makakanta siya nang maayos?

“Iniisip ko… oo na lang.” nangingiti niyang sabi.

“Yung mga birit-birit, ingat na lang. Placement… Tamang placement na lang.

“Kasi 'pag minsan, ang tendency ko, gusto ko, sa isang number, itodo ko.

“Yung parang wala nang bukas. Minsan nasosobrahan ako, nasisira.”


VOICE CHANGE. Halos parehas raw sila ng problema ni Sarah, pero ang sa Popstar Princess ay magaling na. Ang sa kanya ay pasulput-sulpot.

Hindi nga raw naniniwala si Rachelle na bumaba ang pitch ng singing voice ni Sarah noong gumaling ito.

Pag-amin niya, “Ako bumaba ang boses ko. Feeling ko, ha... Tumatanda.”

Sa mga nagdaang interview namin noon kay Sharon Cuneta, sinabi rin nitong mula nang manganak siya, tumaas daw ng dalawang notes ang boses niya.

“Siguro depende naman. Si Ms. Regine hindi naman bumaba ang boses niya. Tumaas pa ‘ata.

“Ako lang talaga, reminder lang na disiplina sa boses

"Ang problema ko talaga, puyat. Hindi ako nakakatulog.

“Sabi ko sa doctor ko, humihingi ako ng…[sleeping pills].

“Ayaw niya akong bigyan. Baka raw masanay.

“Sabi niya, sanayin ko na lang na maagang matulog.”

Nasubukan na raw ni Rachelle na uminom ng sleeping pills pero wala itong epekto sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Na-try ko before sa States… jetlag.

“Binigyan ako ni Kuya Arnel Pineda para makatulog ako. Half lang, pero walang epekto.

“The next day isang buo na, wala pa ring epekto. Dilat ako three days! As in walang effect.

“Sabi ko nga, ‘Ano ba itong utak ko? Gumagana pa rin siya. Siguro nga parang nilalabanan ko.”


PRESSURED. Alam ni Rachelle ang naiisip na outcome o resulta ng produced niyang concert ang rason kung bakit siya stressed at hindi siya makatulog.

Patuloy niya, “Kasi kami-kami lang talaga ito.”

Magkano na ba ang nagagastos niya?

“Medyo… actually, parang walang kita ito, dahil one-night lang ito.

“Hindi ka naman makakabawi… medyo malaki-laki ito.

“Nahihiya ako, pero medyo malaki ito. Ayaw kong sabihin,” iwas niya.

“Hindi mababawi, dahil isang gabi lang kami, maliit lang yung venue.

“Ang goal ko lang dito, gawin yung gusto kong konsepto ng show, yung flow…

“Parang anniversary show ko na rin ito dahil yung concept ng show, parang tatakbo sa buhay ko, e… Kung paano ako nagsimula sa industry.”

Mauulit pa ba ang pagpu-produce niya ng concert kahit alam niyang hindi kikita ang first venture niyang ito?

“Gusto ko. Sana magka-repeat, e.

"Yung GMA nakakatuwa, kasi tinutulungan nila ako. Sana nga may repeat or mai-tour namin.”


PAST BOYFRIENDS. Kung ang concept ng concert ay kuwento ng buhay niya, bakit hindi niya isinama si Gab Valenciano na naging boyfriend din niya?

Natawa muna si Rachelle, “Ewan ko. Kasi yung mga taong isinama ko, parang iba yung naibigay, e.

Maraming nagtatanong kung bakit si Christian daw kasali?

“E, siya yung nagdala sa akin kay God.

"Alam mo yung spirituality? Siya yung naging instrument Niya.

“Malaki'ng utang na loob ko sa kanya. Saka hanggang ngayon, friends pa rin kami.

“Si Gab, wala kaming communication. Hindi kami nagkikita, so…”

Bitter ba yung naging breakup nila ni Gab kaya hindi ito isinama sa mga guest performers?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong niya uli, “Bitter ba? Parang hindi… teka, iisipin ko muna, ha? Magbabalik-alaala muna ako.

“Kasi nagkita naman kami sa GMA once, nag-‘Hi,' 'Hello’ naman kami. Wala yung deadma. Okey naman”

Na-meet na ba niya si Colleen Garcia, yung current girlfriend ni Gab?

“Parang hindi pa… hindi, hindi ko pa siya nami-meet.

“Pero kilala ko siya sa Showtime. Siyempre, nakakapanood naman ako.”

Bakit si John Prats, hindi niya isinama as guest?

“Lahat talaga?” natatawang tanong ni Rachelle,

“Ay! ‘Yan…wala talaga kaming communication.

“Ang off naman kung igi-guest ko yung mga naging past ko, di ba?”

Dagdag pa ni Rachelle, “Tama na yun. Yun na lang yung talagang mayroon akong kuneksyon.”

Mas bitter ba yung breakup nila ni John kaysa kay Gab?

“Hmmm… hindi lang siguro maganda yung ending?

“Hindi kami nakapag-usap...walang pag-uusap.

“Pero kumbaga, tapos na yun, okey na. Kahit siguro magkasalubong, okey na.

“Hindi naman nagtatagpo yung landas namin,” dagdag niya.

Binura na ba niya ang mobile number ni John sa cellphone niya?

“Hindi ko pa natse-check… parang hindi ko na alam.”

Ibig sabihin, nandyan pa rin sa cellphone niya ang number ni John?

“Hindi ko alam.”

Yung kay Gab?

“Kay Gab? Hindi ko namamalayan. Hindi ko na napapansin.

“Kasi wala naman na kaming communication, e.”


KEEPSAKES. Paano yung mga regalo, o memorabilia na naibigay sa kanya ng ex-boyfriends niya, itinabi na ba niya ang mga ito?

“Ahmm...secret! I don’t know…ayokong pag-usapan,” tigas ng tanggi ni Rachelle.

“Respeto ko na rin sa kanila, na kapag meron kang karelasyon, hindi mo na ibabalik yun.

“Pero ako, secret na lang kung ano ang nangyari sa mga yun.

“Basta, ayokong pag-usapan. Siyempre, tapos na, deadma na. Yun!” matatag niyang sabi.


NEW TELESERYE. Tungkol sa iba pang kaganapan sa kanyang career, babalik uli sa acting si Rachelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama siya sa cast ng bagong serye sa GMA-7 na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla, ang Indio.

Kuwento niya, “Dapat diwata-diwata ako—at diwata ng tubig. Ang power ko yata kumakanta.

“Kaso ang problema, babad sa tubig tuwing taping.

“Hindi yata puwede sa akin ang babad sa tubig kaya nagpalit kami ni Sam Pinto ng role.

“Siya na ngayon sa tubig at ako naman ay sa… hindi ko alam kung apoy or buwan.

“Basta, isa sa dalawang yun ang role. Mag-i-start yata kami after na ng concert ko, e.”

Excited ba siya sa pagbabalik niya sa acting?

“Oo nga! Yung huli ko ‘ata, Biritera?

"Oo, excited ako kasi malaking project ito na may action.

“Hindi ko pa lang alam kung gaano kahaba o itatagal yung character ko. Hindi ko lang alam kung kailan ako papasok.

“Sabi naman ng director ko [Dondon Santos], mga two weeks papasok na raw… pero si Sam, nag-start na, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN