Karylle admits going to Maldives with boyfriend Yael Yuzon; reveals plan to audition for Miss Saigon

IMAGE 0


Inamin ni Karylle na nag-out-of-the-country trip na sila ng kanyang nobyong si Yael Yuzon sa Maldives, kasama ang inang Zsa Zsa Padilla at kapatid na si Zia Quizon. Gayunman, ayaw ni Karylle na masyadong pag-usapan ang relasyon nila ni Yael dahil “ayaw ko na talagang mag-overshare.”


Nadagdagan na naman ng branch ang videoke bar ni Karylle at mga kasosyo nito na CenterStage.

Bukod sa Timog Avenue sa Quezon City at Jupiter Street sa Makati City, binuksan na rin nila ang branch nito sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Naibahagi ni Karylle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang ex-boyfriend niyang si Dingdong Dantes ang nag-encourage sa kanyang pumasok sa negosyong ito.

Ang Kapuso actor ay kasosyo ni Karylle sa Timog at Makati branch ng videoke bar, pero dito sa MOA branch ay hindi raw.

Noong una’y takot daw si Karylle dahil malaking risk ang pagpasok sa negosyo. Pero laking tuwa niya nang kalaunan ay napalago nila ito.

“Kinapos nga ako nung nag-start ‘to, pero kinaya naman.

“Siyempre gusto ko pa rin siya ituloy, talagang nag-pray lang ako for more projects, dumating naman,” kuwento ni Karylle nang makapanayam siya ng PEP noong Oktubre 23, sa grand opening ng CenterStage SM Mall of Asia branch.

Bukod kay Dingdong, malaki rin daw ang pasasalamat ni Karylle kay Ria Malig, ang kaibigan niyang architect na nagdisenyo ng MOA branch nila.



YAEL’S SUPPORT. Siyempre, bukod sa business partner niya, nakasuporta rin kay Karylle ang kanyang nobyo na si Yael Yuzon, bokalista ng bandang Spongecola.

Katunayan, dumalo rin si Yael sa grand opening ng Centerstage SM MOA branch, at nag-judge pa sa singing contest noong gabing iyon.

Gayunman, mailap pa rin ang singer-actress tuwing napaguusapan ang kanyang relasyon sa Spongecola vocalist.

Paliwanag niya, “na-trauma” na siya na magbigay ng detalye pagdating sa kanyang personal relationships.

“Ayaw ko magsagot ng masyadong… ayaw ko na talagang mag-overshare.

“Ayaw ko kasi mag-overshare, tapos Christmas, anong regalo mo; Valentine's, saan kayo nag-date.

“E, pag nag-start ka na magsagot, sunud-sunod na.”

TOUR IN MALDIVES. Gaano man kailag si Karylle na pag-usapan ang relasyon nila ni Yael, napaamin pa rin ito sa recent trip nila, kasama ang kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla at kapatid na si Zia Quizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang unang plano raw talaga ay pupunta sila ng Cambodia.

Pero pabiro niya raw sinabi na “baka mag-end of the world,” kaya nakumbinsi niya ang mga ito na sa Maldives na lamang pumunta.

Sakto naman na habang pinag-uusapan ang nasabing trip ay lumapit si Yael, at natanong siya tungkol dito.

“Nagpunta na ba tayo?” pabirong tanong ng bokalista kay Karylle.

“Ay, wala kami do’n, nagpunta ako ng ano no’n... Taiwan.

"Maganda sa Taiwan, ha, mura lahat.

"Tapos kahit bumili ka ng sushi, two hundred twenty-five pesos lang para ka nang… sobrang dami!”

Maya-maya ay pabiro namang pinaalis ni Karylle ang nobyo niya at ipinagpatuloy ang pakikipagkuwentuhan sa PEP.

MISS SAIGON. Samantala, nabanggit ni Karylle na mag-o-audition siya para sa London revival ng musical play na Miss Saigon.

Magsisimula ang audition sa Nobyembre, habang ang staging nito’y sa susunod na taon.

Wala man daw kasiguraduhan na makukuha siya, gusto pa rin niya itong subukan.

Pero ang ikinalulungkot daw niya, “In this country, it’s not easy because pag nabalita tapos hindi ka nakuha, pahiya ka.

“But, di ba, sa States nga, di ba, may mga top ten who didn’t get this part, ganyan, or minsan tine-turn down nila dahil mayro’n silang work.

"But it’s not something shameful.

“Dito kasi, parang look-down upon, so parang yung iba, nadi-discourage sila.

"But they miss out the chance, so sayang.”

Ani Karylle, malaki ang naging impluwensiya ng mga kasamahan niya sa It's Showtime.

Sila raw kasi ang nagturo sa kanya na maging mas “adventurous” pagdating sa kanyang career.

Wika niya, “When I went sa Showtime, I met so many people who are dreamers, and I was never that adventurous or ano…

“So I started to adapt their philosophy and nakakahawa.

“Kaya nga kahapon, yung ginawa namin, buwis-buhay, e, naglalambitin sa ganyan-ganyan, na-stress talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, di ba, siguro at a certain point, you have to be brave and try all these things.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN